5 years later.
“Ang gwapo niya talaga!~”
“Just
follow my lead.” Ngumiti ako while biting my lips. Hanggang ngayon
pagsayaw pa rin ang nagpapasaya sakin. Ito lang yung nag-iisang bagay na
mananatiling kasiyahan ko..
Nagbreak naman kami. Lunch time.
Nagtuturo
ako ngayon sa mga college student na’to. May competition per department
kasi silang sasalihan ngayong nalalapit na yung foundation ng school
nila. at naisip nila na ako ang piliing choreographer. Sa totoo lang
maraming humingi ng permission ko, maraming handang magbayad ng mas
malaki para sila yung i-choreo ko.
Kaso itong grupo na’to ang una kong napili, dahil sila ang nauna.
“Umm..
kuya Ken gusto mo ba na sayo na lang itong lunch ko.” tiningnan ko yung
hawak niyang lunch box. Sakto yung favorite kong adobo. “..Ako mismo
yung nagluto niyan.” Kinagat pa niya yung mamula mula niyang labi.
Cute si ate.
At alam kong nagpapacute siya sakin.
Kinagat
ko yung hamburger na hawak ko, “Okay na ako dito. Mamaya rin kasi, may
magsa-substitute sakin.” Kinindatan ko siya sabay lingon sa taong
kararating lang.
“Jed!” inalis niya yung shades na soot niya. nakipagkamay naman ako sa kanya.
Iniharap ko siya sa mga estudyanteng yun.
“Tingnan mo yung ginawa mo!”
“Aalis tuloy si Kuya Ken dahil sayo.”
“EVERYONE! LISTEN-UP!” sigaw ko.
May
iba na nakasimangot. Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa reaction nila.
parang namang iiwan ko sila habang buhay. Magsasubstitute lang naman
sakin si Jed ngayong araw na’to.
“He will be my substitute. Magaling rin ito. Wag kayong mag-aalala.” Siniko naman ako ni Jed.
“Aww!..” lahat ng babae nagreact.
“Bakit kailangang palitan!”
“Gusto ko si Kuya Ken magstay lang!”
“Ano ba yan!”
“5 oras na nga lang sa isang araw oh~”
Kung
anu-anong side comment ang narinig namin ni Jed dun sa mga babae. Tama
nga talaga si Jojo na dapat hindi ako pumili ng mga mas marami ang babae
sa grupo. Tss~
“Eh mukhang hindi na ako kailangan dito e.
Hindi pa man ako nagsisimula, pinapalayas na agad ako.” hinampas ko
siya sa braso at napakamot naman ako sa noo.
“Alam mo namang hindi pede e. Kailangan ako ngayon ni baby Geoff.”
“Anu daw baby?”
“May baby na si Kuya Ken?”
Nagsimula na namang magbulungan yung mga babae. Kahanga hanga talaga. Ang lalakas ng tainga nila pagdating sa chismisan.
“Makinig kayo kay Kuya Jed!” pinat ko ang braso ni Jed at nagpaalam sa kanya.
“Sige ingat ka, tol! Alagaan mo ng mabuti yung BABY mo a!!!” makagawa lang ng eksena. TSS~
Agad
naman akong dumiretso sa bahay nila Veronica. Dire-diretso lang ako sa
pagpasok sa bahay nila. madalas kasi ako dito kaya okay lang yun. Agad
ko namang hinanap si Baby Geoff pagpasok na pagpasok ko. at yun
sinalubong pa ako.
Hinalikan ako nito at hinalikan ko rin naman siya sa noo.
“Namiss mo ba si Tito Ken? Ha? Ha!?” kiniliti ko ito ng kiniliti.
“Hahahaha.”
“Nandito ka na naman?” dumating naman yung maldita niyang mommy. I glare at her.
“Diba sinabi ko naman sayo na hindi mo naman kailangang pumunta dito. Pati diba, may trabaho ka?!”
Dinedma ko lang siya at nakipaglaro lang ako kay Baby Geoff.
“Kenner Jan Cabrera!” napatigil ako sa pag-iwas sa kanya. Nilingon ko siya at nginitian.
“Diba
aalis ka? Bakit hindi ka pa umalis!” umakto naman siya na ibabato niya
sakin yung 5 inches heels nya. “Oo na! eeh alam mo naman hindi ko
matitiis itong inaanak ko.” lumapit ako kay Baby Geoff at nakipaglaro
ulit dito.
“Aalis kaya ang mama niya. gusto mo paalagaan ulit siya
dun sa mga taong hindi naman niya kilala. Edi mas mabuti pa na ako na
lang ang mag-alaga. Diba? Diba?” tumawa naman ako.
Narinig ko siyang nag-sigh. Tiningnan ko siya at nakangiti siya ng nakakaloko. Tss pang-asar lang.
“Matigas talaga ulo mo no!” tinaasan niya ako ng kilay. Si baby Geoff na lang ulit pinansin ko.
“Mabuti na lang may bisita ako ngayon.”
“Anu!?
May bisita ka!?” nasigaw ko talaga. “Bakit ka tumanggap ng bisita? Anu
ako katulong mo at pati mga bisita mo aasikasuhin ko!?” naiinis kong
sabi.
Pero tiningnan lang niya ako at nginitian.
“Maligo ka. Amoy pawis ka. Sige ka.. in 5 mins. darating na yun.”
Inamoy
ko naman yung sarili ko, “Anung amoy pawis!? Ang bango ko kaya! Mas
mabango pa nga ata ang pawis ko dyan sa perfume mo e!” lumapit na lang
ulit ako kay Baby Geoff.
Hindi pa rin umaalis si Veronica
hanggang sa lumipas na yung 10 mins. tapos siya nag-aayos pa rin. Yung
make-up niya pedeng-pede sukatin sa sobrang kapal. Maya’t maya kasi
siyang nag-aapply nung foundation. Konting galaw parang pinagpapawisan.
Kinakabahan siya dahil siguro sa bisita niya..
DING DONG!!
Bigla namang tumunog yung doorbell, nanlaki yung mata niya pagkalingon sakin.
Natawa lang ako. Tapos si baby Geoff napansin kong mukhang inaantok na.
“THERE YOU ARE!!!” nagulat kami parehas ng anak niya sa bigla niyang pagsigaw. Napakacareless na ina! Tss~
“Come
in. Come in! uhmm.. wait lang a. Aalis din kasi ako.” hindi ako
nacurious sa kung sino man yung bisita ni Veronica. Mas pinapansin ko si
baby Geoff.
“Hah? Nauuhaw ka?” inabot ko naman yung kamay niya at pumunta kaming kusina.
Wala
akong kamalay malay sa nangyayari kay Veronica at sa bisita niya.
napansin ko na lang na wala ng nagsasalita. Nung bumalik kami dun ni
Baby Geoff, nakita ko na walang tao. Pero bukas yung pinto.
Naisip
ko na umalis na siguro sila. Binitawan ko si Baby Geoff at lumapit dun
sa may pinto. Atsaka ko lang napansin na nandun pa pala yung bisita ni
Veronica at nakatayo lang dun sa labas. Agh! Balak pala talagang
ipaasikaso ng babaeng yun sakin ang bisita niya.
“Miss—“ hindi pa man tapos yung sasabihin ko nung lumingon na siya.
THUMP..
Hindi
pa man tapos yung sasabihin ko, parang bigla na lang may nagbalik noong
5 years ago. Kinilabutan ako na makita siya pero mas nanalaytay ang
excitement at saya na naramdaman ko. Hindi agad ako nakapagreact at
parang lahat biglang tumigil nung mga sandaling yun.
Nung magtama ang mga tingin namin. At hanggang ngayon ganon pa rin lagi ang facial expression niya.. blank.
Mas gumanda siya. mas pumuti at.. ang professional ng dating niya.
Who would have thought na after all this years.. same feelings pa rin. At sumobra pa ata..
“Hm.” Napahawak siya sa mukha niya, “May dumi ba ako sa mukha? Kasi kung meron sabihin mo.” mataray niyang sabi.
Nabigla ako. Siya nga! Bigla tuloy akong natawa.
Hindi
ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso
ko. At ramdam ko.. ngayong nasa harap ko na muli siya. SIYA PA RIN TALAGA.
Tumingin ulit ako sa kanya, nakatingin siya kay Baby Geoff.
Iniisip
ko.. bakit siya nandito? Bakit nagbalik siya? Paanong naging bisita
siya ni Veronica? Five years na walang communication, walang balita,
walang pakiramdaman.. paanong parang okay lang ang lahat sa kanya?
Sinaktan ko siya.. Kinamumuhian niya ako ng sobra..
“Hindi mo talaga siya anak..” nakatingin pa rin siya kay Baby Geoffe.
Bigla namang nagflashback ang isang alaala sa isipan ko..
‘Tama na, Kenner!’ tinampal ko yung kamay niya na kanina pang pumipigil sakin sa pag-inom.
‘Ano
ba Ken Cabrera! Kung nagkakaganyan ka dahil sa kanya bakit hindi mo
siya kausapin!—“ hindi ko napansing naitulak ko na siya. Tiningnan ko
siya ng masama.
Aalis na dapat ako nung mapansin ko na
hindi na ako pinipigilan ni Veronica. Pero mas naagaw ang atensyon ko
nung marinig ang tunog na yun..
Nakahiga si
Veronica sa sahig at namimilipit sa sakit sa tyan niya. Masyado atang
napalakas yung pagkakatulak ko sa kanya. Pero agad na nilapitan ko
siya..
‘v-Veronica?!” nanginginig ang
mga kamay ko habang nakikita yung mga dumadaloy na dugo sa kanyang hita.
‘a-Anong nang-yaya-yari!?’ wala akong ideya kung gaano kasakit yung
nagawa ko sa kanya. Pero takot na takot ako nung mga sandaling yun.
‘o-Okay lang ako k-Kenner..” agad ko siyang binuhat. ‘Okay lang sabi ako k-Kenner!’ pinagpapawisan siya ng matindi.
Hanggang
sa dinala ko na siya sa hospital at nalaman ko.. na buntis si Veronica.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mga oras na yun. Naghahalong
takot at kaba ang nararamdaman ko. Lumabas din naman agad yung doctor at
sinabi saking okay naman na daw yung bata.
Isang buwan na palang buntis si Veronica..
Lumapit ako sa kanya at nakatulala lang siya sa kawalan.
‘Vero—‘
‘Hindi
ko alam kung sino ang ama nung bata..’ naaawa ako sa kanya. Dumaloy
yung mga luha niya. Napahawak ako sa ulo ko sa laki ng problema na’to!
Hindi ko alam ang gagawin ko..
‘Simula ng malaman ko na seryoso ka na sa iisang babae. At malaman ko na walang wala na akong pag-asa. Naisip ko na magrebelde. Gusto ko na talagang kalimutan ka!—‘
‘Four to five years! Veronica ang tagal ng wala tayo—‘
‘Pero alam mong ikaw lang ang gusto ko!!!’ iyak siya ng iyak.
Iyak siya ng iyak at wala akong magawa. Hindi ko siya malapitan. Hindi ko siya kayang hawakan. Natatakot ako! ayoko nito..
Hanggang sa marealize ko ang mga bagay bagay. May dapat akong gawin.. may dapat akong palayain.
‘Pananagutan ko yung bata..’
Naisip
ko nung mga oras na yun na siguro kasalanan ko naman talaga ang lahat
ng iyon. Masyado na akong nagiging selfish at hindi ko na napapansin
kung sino ang mga nakakabangga ko. Kahit ang taong mahal ko..
pinapahirapan ko. Hindi ko na napapasaya si Max. Ayokong mamili siya sa
pangarap niya at sakin dahil hindi naman na talaga nya kailangan.
“Ilan na ba ang naging girlfriend mo sa loob ng limang taon.” Natawa ako sa tanong niya.
“Himala nga ata e. At.. wala!” tumawa din siya. Hindi pa rin siya tumitingin sakin.
“Eh ikaw?”
Nawala yung ngiti sa mga labi niya.
“Madami.
Sa sobrang dami nila.. pwede na nga akong maging playgirl. Wala kasi
akong mahanap.” Nagtaka ako sa sinabi niya. pero at the same time
nadisappoint. “Wala akong mahanap na mas gwapo dun sa gagong lalaking
minahal ko 5 years ago.”
Hindi ko alam ang
sasabihin ko. Pero sobrang saya ng nararamdaman ko. Alam na niya ang
tungkol sa katotohanan. All this years hindi nasayang yung paghihirap
ko. Masaya ako na tama yung naging desisyon ko. Masaya ako na naghintay
ako..
“Ako din.. hanggang ngayon kasi hinihintay ko pa rin yung babaeng ginago ko 5 years ago.”