1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 9

Dumating ang Monday.


*yawn*

Maya’t maya na akong humikab. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. tuloy hindi ako masyadong nakapagconcentrate sa bagong lessons. Tapos nung magdidismissal..


“Okay, we’ll be having our quiz tomorrow.”

Tuluyan na akong nagising nung marinig yun. Kaya naman agad akong nanghiram ng notes sa mga kaklase ko at nagsimula ng magself study.
Kaso..

“Roy, gagawa tayo ng thesis mamaya! Wag kang uuwi.” Sigaw ko sa kapartner ko. tumango naman siya.

Bago kasi umalis si miss, binilin niyang kailangan na daw niya tomorrow ng nabuo naming chapter sa pinagsamang topic naming dalwa ng mga partners namin.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.. hindi pa naman ako yung tipong nagtatanong lang sa mga kaklase ko pag wala akong magets. AGH!


“Pasensya ka na talaga.” Kaya nung nagkachance ako na makasabay si Kenner kumain ng lunch. Sinabi ko na sa kanya yung tungkol dun.

“Ahh..” tumahimik na siya pagkatapos.

Sinabi ko lang kasi na mauna na siyang umuwi dahil gagabihin ako. Tinanong naman niya kung sino kapartner ko. tapos nung sabihin ko na lalaki hindi na siya umiimik sa bawat sasabihin ko. di ko alam kung may binabalak ba siya. medyo nagiging weird pag-iisip ko, dahil iniisip ko na baka nag-aalala si Kenner na lalaki nga kapartner ko. at the same time, naiirita ako.!


BAKIT KO KASI KAILANGANG HUMINGI NG PERMISO!!!

“Kung sumama na lang kaya ako sa inyo. May quiz din kasi kami tomorrow. Mag-aaral na lang ako. Para narin may kasabay ka pag-uwi. Gagabihin kasi kayo, mahirap na. baka hindi ka pa intindihin nung kasama mo.” Talagang tama ako sa iniisip ko.

Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader. KAILAN PA AKO NAGING PRISONER? Para magkaroon ng taga-bantay!!!

Aghh.. boyfriend..

Pumunta nga kaming library. Madali ko namang nakita si Roy dahil may usapan na kami. At mukhang nagsisimula na siya. Nakakuha na rin siya ng mga libro kaya ako naman ang nagsundo nung iba.

“Uhm Max.” tumingin naman ako kay Roy. Nasa second page na kasi ako ng pagtatype. Tapos inaabala pa niya ako.

“Ako na lang ang magtutuloy niyan.” Nagtaka naman ako sa sinabi niya. “Alam mo kasi..” lumingon siya sa part ni Kenner. Nahuli ko namang nakatingin si Kenner samin. Ngumiti siya at kumaway. Akala ko ba nag-aaral siya?!

“Mauna ka na, mukha kasing may gagawin pa kayo.”

Nagtype ulit ako, “Wala. Napag-usapan na namin ang tungkol dito.” Bakit ba lakas lakas ng Kenner na yan sa kahit na sino!!

“Sige na. okay lang talaga. Atsaka naisip ko rin na paghatian na lang natin ang bawat chapter. Tapos pasahan na lang through email para maaral natin. Okay ba yun?” takot ba siya kay Kenner? Tsk!

Wala na akong nagawa. Nagdecide na rin kami na text text na lang para malaman namin ang mga gagawin namin. At para may approval narin para sa isa’t isa.

Tuwang tuwa naman si Kenner na maaga akong natapos. Ang hindi niya alam na siya naman ang may kasalanan nito. Gusto pa niyang pumunta ng mall. Magsi-6 pa lang naman kaya sumang-ayon na lang ako.

Nainis lang ako pag-uwi dahil ginabi kami. Mga 9 na ako nakauwi tapos hindi pa ako nakakapag-aral. Badtrip na badtrip talaga ako.. agh!!!

“Bibili lang ako ng maiinom.” Umalis naman si Kenner.


Badtrip pa ako dahil sa nakuha kong score kanina. Hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari ito sakin. Pasang-awa lang ako. Kung sa minor subjects ito, hindi na ako magtataka. Sa inis ko napasipa na lang ako. Nakita ko naman yung gamit ni Kenner na palabas na mula sa bag niya. Kinuha ko ito at inayos. Hindi ko naman sinasadyang makita yung mga papel niya..


“…”

“Ah. Tinitingnan  mo pala yan.” Inabot naman niya sakin yung drinks ko. napakunot ako ng noo nung makita ko yung binili niya. Umupo naman siya sa tabi ko.

“Palagi kasing softdrinks ang iniinom mo. Masama yun sa health.” Ngumiti pa siya. umiwas naman ako ng tingin.

Yung puso ko parang biglang tumigil sa pagtibok. Agh! Naiinis lang siguro ako. Lalo na nung makita ko ang mga scores niya. Mukhang inspired ang mokong! Pero ako.. bakit sumama ata grades ko nung maging boyfriend ko siya!


UNFAIR!!!

Naglalakad ako ngayon pabalik sa classroom ko. Nang makasalubong ko naman ang mga babaeng yun na naman. Tiningnan ko lang sila isa isa tapos ay tinalikuran. Magsisimula na kasi ang klase ko ayoko ng gulo kaya umiiwas na lang ako.

Kaso mukhang hindi nila naintindihan at iba ang dating sa kanila nung ginawa ko.


"Ano ba! Bitawan ninyo nga ako! May klase pa ako!" hawak hawak nila ako sa magkabilang braso habang dinadala ng sapilitan sa isang classroom.

Binitawan naman nila ako nung nakapasok kami sa abandonadong room na yun. Tiningnan ko naman sila ng masama pero tinulak naman nila ako. Sa inis ko hinubad ko ang sapatos ko at binato dun sa parang pinaka leader.. Muntik ng tamaan kung hindi nakailag. Gagalawin sana ako ng mga kasama niya pero pinigilan niya.

"hayaan ninyo na siya. Tara na!" agad naman akong tumakbo pero nasarado na nila yung pinto. Pinilit kong buksan pero ayaw.

"Agh!" sinipa ko yung pinto. Naiinis na talaga ako! Major subj. ko pa naman mamaya kapag hindi ako nakaattend--

Bigla kong naalala ang cp ko. Pero.. hindi nga pala ako nagload. Sa inis ko naupo na lang ako sa may pintuan at sinubsob ang sarili sa braso ko na nakapatong sa tuhod ko.


Mamaya maya naman ay biglang nagring ang cp ko. Tumatawag si Chad.

"Max! May klase ka?" tamang tama na tumawag siya.

"Wala ako sa klase. Chad!--"  naputol ang sasabihin ko.

"May ginawa ba sayo ang mga babaeng yun?!" napatayo naman ako.

"Chad, makinig ka. Nandito ako ngayon sa may abandonadong classroom sa may second floor. Puntahan mo ako. Kinulong kasi ako ng mga babaeng yun."

"Ano!? Sige sige papunta  na ako." ni-end ko naman ang call. Napalagay naman ang pakiramdam ko.
Antatanga talaga ng mga babaeng yun. Gagawa na lang sila ng masasama hindi pa sila marunong mag-ingat.


Nailabas na ako ni Chad sa room na yun. Balak sana niyang ireport ang nangyari sa discipline office pero pinigilan ko siya at sinabihan na wag ipagsabi ang nangyari. Mabilis na bumalik ako sa room namin dahil magrereport kami sa filipino. Mabuti na lang talaga na nailigtas ako ni Chad kundi magiging worst na naman ang araw na'to.

Nung matapos ang lahat ng klase ko, dumiretso ako sa org gaya ng usapan namin ni Chad. Hindi lang naging madali saming mag-usap dahil may ibang tao pa. Kaya nung medyo konti na kami, tumabi siya sakin at nagsimulang magtanong.


"Dahil ba kay Kenner kaya nila ginagawa 'to?" tumango ako. Nagsasagot din kasi ako ng mga assignments.

"Kailan pa nila ginagawa 'to?"

"Medyo matagal na. Minsan sobra ginagawa nila, minsan kadedma dedma lang. Ang mahalaga hindi ako nagpapatalo."

"Bye sa inyo." may nagpaalam ulit. Umayos naman ng tayo si Chad at humarap sakin.


"Kilala mo ba ang mga babaeng yun? Ano daw bang gusto nila? Bakit daw nila 'to ginagawa?” napatingin naman ako sa paligid namin. Medyo konti na talaga yung tao.

“Diba sila yung mga nakaflirt ni Kenner. Baka nga isa pa sa kanila ay naging girlfriend or MU nitong si Kenner. Troublemaker talaga siya. kung kani kanino na lang pumapatol! Tsk tuloy ako ngayon ang pinagdidiskitahan nung mga babaeng yun.” Naiinis talaga ako sa thought na yan. Mas mahirap pala pag ganito, alam ng lahat na kami ng boyfriend ko. pero noon tahimik ang buhay ko, wala nga lang nakakaalam na may boyfriend ako. AGH!!

“Ay ayiii~ ganyan na ba kalalim ang relasyon ninyo ni Kenner.” Sinundot niya ako sa tagiliran dahilan para tingnan ko siya ng masama. Di pa ako nakuntento at hinampas ko siya sa ulo.

“Aray!”

Tinuloy ko na lang yung pagsasagot ko.

“Tss. E bakit di ka na lang magsumbong kay Kenner?” umakto naman akong ihahampas sa kanya yung librong hawak ko. agad naman siyang lumayo.

“Gago ba ako? Magsusumbong ako sa taong may kasalanan ng lahat ng ito?” sarcastic kong sabi sa kanya. Nagkibit balikat na lang siya.


Nung mahuli ko namang nakatingin si Marjohn samin. Nagulat siya sabay iwas. Di ko naman sinasadya na mapatingin sa may pintuan at ako naman ang nabigla nung makita si Kenner dun.
HTML Comment Box is loading comments...