1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 8

Nagquiz kami at napansin ko ang pagbaba ng mga grades ko. kahit sa mga major subject ko ay ganon din ang nangyayari. Hindi ko alam kung anong mali sa ginawa ko sa mga solutions ko. mukhang nalilito na ako. At ngayong pang malapit na ang finals kailangan narin naming matapos ang thesis namin sa Filipino. At sa kasamaang palad.. lalaki pa ang naging kapartner ko. tsk.

Feel na feel ko talaga ang kamalasan ngayong araw na’to..
                   
Sa inis ko, dinabog ko ng malakas ang locker ko. tumingin ako sa kanan at kaliwa ko, may mga taong nakatingin sakin. Tiningnan ko lang sila as usual.


“Hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan sa kanya.”

Tsk. Alam kong ganyan ang sasabihin nila. Ang mga babaeng ito. Wala silang utak! Nakakainis!!!

Kasalanan nila ito! Nagugulo ang isipan ko dahil kung ano anung ginagawa nila. Subukan ulit nilang gawin yung ginawa nila kanina, sisiguraduhin kong magsisisi na sila. Aaaaagh!!! Naalala ko na naman ang grades ko, nakakainis!!! Bakit nangyayari sakin ito!!! Bakit sa math pa!

Tsk. Tapos kailangan ko pang hintayin si Kenner ngayon.. agh! Ang hirap namang magkaboyfriend.. *sigh*


“Hm.” Napatingin naman ako sa tumabi sakin. Si Nika.

Tumingin naman siya sakin at kumaway para batiin ako. Simula ng ma-issue sakin si Kenner, hindi na rin kami malimit nagsasama. Tsk.. gaya rin talaga siya ng mga babae dito.

“Gusto ko sanang makausap ka.” Iniwas ko ang tingin sa kanya. Alam na niya ang ibig sabihin nun.

“Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis na nagustuhan ka ni Kenner. In the first place, imposible naman yun e. imposible sayo. Imposible sa kanya. At alam ko namang hindi ka manhid.. alam kong alam mo.” Oo alam ko na may gusto siya. pero hindi ko lang alam kung ano bang nagustuhan niya dun sa tao.

Mabait ito? Siguro nga.. sweet nga nito sa kahit na sinong babae.

Gwapo. Tsk.. sana yung kagwapuhan ni Kenner kasing gwapo din ng utak niya no.


Agh!!! Ano ba itong sinasabi ko.. dala lang siguro ng kabadtripan..

“Ang totoo. Dati ko siyang ka-MU.” Napatingin ako sa kanya ng masama.

“I know that he FLIRTED with everyone. Hindi niya kasalanan o hindi ko kasalanan na nainlove ka sa kanya at nainlove siya sakin.” Nagteary-eyed siya. alam na niya siguro pagganito ako.

Pagganito kasi ako, 99% na ako ang tama.

Pinilit niyang wag umiyak. Pero alam kong nasaktan siya ng sobra sa sinabi ko. that’s why I chose to be silent everytime. Alam niya kung gaano ako ka-mean. At siya na rin mismo ang nagsabi na kung may masama man akong iniisip, wag ko na raw sabihin. Ipakita ko na lang sa gawa. That way.. maiintindihan na niya ako.

She’s my only one bestfriend.. na nagpakatotoo sakin. At tinanggap ako sa pagiging mean ko. siya na rin nagsabi na hindi ko kailangan magbago para tanggapin ng iba. kung may naiinis man sakin sa trato ko sa kanya, alam kong naiintindihan niya ako.

Naiinis lang ako sa thought na.. darating yung araw na magkakaaway kami dahil lang.. SA IISANG LALAKI.

“Sorry. Alam ko naman na hindi ito ang pinunta mo. Kung naiinis ka na sakin.. okay lang. sanay na ako ng nag-iisa.” Tumayo naman ako. Siguro pupuntahan ko na lang si Kenner sa room niya.


“Masaya ako na yung taong mahal ko at yung bestfriend ko ang nag-end up. “ napatigil naman ako nung marinig yung sinabi niya. Medyo nabingi ako dahil siguro sa bigla.

“Max, kilala kita. Medyo may pagkamean ka man. Mataray. Short tempered. Alam ko naman may isa kang salita. Pagsinabing kaibigan, tinuturing mo talaga na parang isang kaibigan. Hindi nga lang halata.” Narinig kong natawa siya. tsk! Minsan naiinis ako na medyo kilalang kilala na nga niya ako.

“At pagsinabing boyfriend, alam kong you will treated him as one. Ikaw si Maxine Pedrosa. Kahit ano pang gawin ng iba. isipin ng iba. nakapagbitaw ka na ng salita na boyfriend mo na si Kenner. Di pa man dumadating yung puntong mahal mo na nga siya.. pero kung dumating naman yung puntong masaktan ka.. please!.. wag mo siyang igaya kay Leo—“pagkarinig ko ng pangalan na yun. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita.


“Wala namang nakakaalam na kami ni Leo. Kaya hindi ko kasalanan kung iwan ko na lang siya sa ere!” ngumiti siya. Nahiya naman ako. “Kasalanan yun ni Leo.. At kung dumating man yung puntong saktan ako ng bakulaw na yun (Kenner). Hindi ko siya iiwan sa ere. Hindi rin ako makikipagbreak.


Gagawa lang ako ng paraan para siya mismo ang mang-iwan.” Umalis naman ako.

Sakto namang labasan na nila Kenner nung dumating ako sa lab.

“Max.” tinaas ko ang kamay ko para batiin siya.

Sabay naman na kaming umuwi.

“Uhm Max, may sasabihin ako sayo..” tumingin naman ako sa kanya. “Ahehm. Magpeperform kami sa tv this Sunday.”

“Thespian?” umiling naman siya. napakunot naman ako ng noo. Wala kasi akong magets.

“Sasali kami ng grupo ko sa isang dance show sa channel 23 manood ka. Kaso gabing gabi na. mga 10.” Napakagat siya ng labi. Gets ko naman. Sunday kasi yun. Syempre mapupuyat ako.


Pero may biglang pumasok sa isip ko.

Hinampas ko siya ng mahina sa braso, “Yun ba yung Rhythm of the Beat!” medyo napahanga rin ako. Napakamot siya sa batok. Pero may isa pang pumasok sa isip ko, “..alam ba ito ng mga magulang mo?”


Biglang nagbago ang mood. Hindi siguro sumagi sa isip niya.

Naglakad naman kami “Pwede ba dun ang nakamaskara? Parang jabbawockeez lang.” naghalf smile naman ako.

Parang nagliwanag ang mukha niya nung sabihin ko yun.


“Thanks Max!!!” hinawakan niya ang kamay ko. nagcrossed ang mga fingers namin sa isa’t isa. Hindi mang bukal sa puso ko na hawakan ang mga kamay niya. Pero ganito talaga pagmay boyfriend e.. “Pero iba ang step namin sa jabbawockeez. Kaya dapat manood ka—heheh manonood ka ba?” tumango na lang ako.


Minsan lang naman siguro ito.
HTML Comment Box is loading comments...