For the last time, humingi ako ng malaking pabor kila mama at papa bago ako umalis ng bansa.
Gusto
ko na aalis ako at walang kahit na sino sa mga kakilala ko ang
makakaalam bukod saming tatlo. Hindi ko kinwento kila mama at papa ang
totoong nangyari sakin this past few days. Sabi naman, handa silang
maghintay kung kailan daw ako magiging ready.
Isang linggo
na ang nakakalipas pagkatapos kong iwan ang Pinas. Kahit isang linggo
lang yun, at least nagawa kong mawalan ng connection sa kahit na kanino.
Hindi nga nila nalaman ang tungkol sa pag-alis ko at hindi ko rin
talaga nagawang magpaalam. Nagdesisyon ako na kalimutan ang kahit na
sino. Aaminin ko, natakot ako na magtiwala na ulit.
Dun ko
lang kasi napatunayan, na kahit gaano katagal mong hingin ang tiwala ng
isang taong ayaw na magtiwala sayo, masisira at masisira mo din pala
ang tiwala na yun. Hindi ko alam kung anong dahilan. Baka talagang yun
naman ang plano mo. hindi dahil gusto mong patunayan lang ang sarili mo
pero kundi ang saktan mo lang talaga siya. Kahit gaano pa kahirap
ang ginawa ng taong yun makuha lang yung tiwalang ayaw namang ibigay sa
kanya. Talaga pa lang magagawa at magagawa niyang sirain yun kahit ang
dami na niyang napatunayan.. Ganon ganon lang yun sa kanya. Sa bagay
siya naman yung nag-effort para sa trust na yun. At siya rin ang
magdedecide kung kailan sisirain yun.
At ang sakit sakit na maniwala. Wala pala yun sa tagal ng panahon at pagpapatunay ng sarili niya.
Ang
dami kong natanggap na email sa kahit na kaninong kakilala ko. ang
lahat sa kanila nagalit sakin. Pero gusto pa rin nilang magreply ako. si
Leo. Sila Roxie at Kim. Sila Hannah. Sila mama at papa.
Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako. dahil ba sa mga nabasa ko.. o dahil hanggang ngayon umaasa pa rin ako na magpaparadamm SIYA sakin. Hanggang ngayon pala, siya pa rin. Siya pa rin ang dahilan ng sakit na’to.
Limang
buwan din yung lumipas. Nawalan ulit ako ng komunikasyon sa kahit na
sino. At nung bisitahin kong muli ang mail ko. Sa wakas masasabi ko na
nakaya ko. KAYA KO PALA.
Handa na akong magparamdam sa lahat.
Sabihin sa kanila ang katotohanan. Naging mahirap sakin ang mag-open.
Pero NAGAWA ko pa rin. Mas masarap pala sa pakiramdam na ilabas mo yung
tunay mong nararamdaman.
Malimit ko silang kachat at
kaskype sa mga free time ko. Kailanman hindi na nila nabanggit ang
tungkol kay Kenner at Veronica, hindi rin sila nagkwento ng kahit na ano
tungkol sa mga ito.
Umabot kami ng ganito ng mahigit isang buwan din.
Hanggang
sa isang araw nung bisitahin ko mail ko. nagtaka ako nung i-add ako sa
skype ni Nika? Siguro aware na rin naman siya na umalis na ako ng
bansa. Matagal na panahon na din kaming hindi ayos. At naging kaibigan
ko pa rin naman siya kahit papaano. Inaaccept ko yung request niya
tapos saktong tumawag din siya.
Hindi pa ako handa na makipagkita sa kanya. Pero siguro.. panahon na nga.
“Hi Max!” nagulat naman ako nung sila ang makita ko. kaway sila ng kaway.
“r-Roxie? Kim?”
Nakangiti
lang sila. Napansin ko naman yung likod nila. parang familiar. Parang..
nasa room sila ng thespian. Mamaya maya ay bigla silang umalis. Nagtaka
naman ako.
Nung.. si Nika na ang humarap sakin.
“..Nika.” mahinahon kong sabi. Ngumiti naman siya.. halatang naiilang din siya.
“Kamusta,
Max! antagal na rin a. wow.. hindi ko akalain na sa huli. Ako rin pala
ang susuko sa away nating ito..” naluluha niyang sabi hanggang sa
tuluyan na siyang maiyak.
“Nika..” umayos naman agad siya at tumingin ng diretso sakin.
“Gusto
kong humingi ng sorry Max.” kinagat niya ang labi niya. pinipilit
niyang wag maiyak. Pati ako nahihirapan sa ginagawa niya. “I’m very
sorry na hindi ako naging mabuting kaibigan sayo.”
“I’m
sorry na.. masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko. Siguro nga huli
na.. huli na ang lahat para mapatawad mo pa ako. ang dami kong nagawa
sayong masama. Ang dami kong ginawa.. para saktan ka. Max..
imsorhfejcdsry..” tinakpan niya yung mukha niya at humagulhol siya ng
iyak.
Hinayaan ko lang siya. tinignan ko naman yung
orasan, dapat sa mga oras na’to umaalis na ako. may kailangan pa kasi
akong puntahan. Pero mas mahalaga ito. Dapat ko ng ayusing ang gusot sa
pagitan namin ni Nika.
“Niks, pede ba akong magtanong.” Pinunasan naman niya yung luha niya. at dahan dahan na tumango.
“Kinaibigan mo lang nga ba ako.. dahil kay Kenner?” nabigla siya sa tanong ko.
Napayuko siya at agad na Humindi. Umiling siya ng umiling para maconvince ako.
“Max, HINDI. Kilala ko na si Kenner bago pa kita maging kaibigan.. kaya napakaimposible.
Tinuring
kitang kaibigan, Max. Kung dahil ito ng pag-aaway natin kaya mo naiisip
ang mga bagay na yan, kung ganon nagkakamali ka ng iniisip. Max,
tinuring talaga kitang matalik na kaibigan. Minahal kita na parang
kapatid. Nadala lang talaga ako ng katangahan ko sa pag-ibig. Sa
paniniwala na.. SIYA LANG. Narinig mo naman siguro kay Veronica. Max,
totoo yun. Lahat ng yun nagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa taong yun.”
Hindi
ko alam kung anong dapat kong sabihin. Pero sa totoo lang.. gumaan ang
pakiramdam ko. yun nga lang narinig ko na naman ang pangalan na yun.
Ayoko na sanang pag-usapan sila kung maaari..
“..alam
ko na hindi mo naman na kailangang malaman ito. Pero kasi. Max, gusto
ko talaga na magdesisyon ka pagkatapos mong malaman ang katotohanan.”
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
“Nanganak na si Veronica. At hindi totoong si Kenner ang ama—“ hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Parang biglang namuo ng luha ang mga mata ko sa narinig ko. hindi ako makapaniwala.. at ayokong maniwala.
Napatakip ako ng bibig. Pinipilit kong wag maiyak sa harap niya.
“Tama
na Nika. Please, hayaan mo na muna si Max—“ naghand gesture ako at
pinigilan ko sila Roxie at Kim. Sinabi ko sa kanila na hayaan lang nila
si Nika.
Ayokong malaman ang mga bagay na’to. Pero dapat kong marinig ang katotohanan atleast diba?
“Simula
nung umalis ka, Max. ang daming gulong nangyari. Nagtaka ang lahat at
ang daming chismis na kumalat. Kesyo ganito ganyan daw. Ikaw ang naging
kawawa. Pinagtatawanan ka..” napansin ko ang guilty kila Kim at Roxie.
May alam sila. Hindi nila sinabi sakin dahil sa favor ko na wag na lang
silang magsalita. Pati sila Roxie at Kim panahihirapan ko.. “..pero si
Kenner. Sinira niya ang career niya maipagtanggol ka lang. “
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na talaga ako. yumuko ako para hindi nila makita ang mukha ko.
“Palagi
siyang nakikipag-away. Narinig ko kay Darren na palaging umiinom si
Kenner. Simula ng umalis ka.. nagbago siya. Ayokong saktan ka Max sa mga
sinasabi ko ngayon. Okay lang kahit hindi ka maniwala sakin, pero kay
Kenner. Please.. maniwala ka kay Kenner,
Si Kenner, hindi
talaga siya ang totoong ama nung anak ni Veronica. Pinanagutan lang niya
yung bata para magmeron siya ng dahilan para palayain ka. Ikaw lang
yung iniisip ni Kenner. Max, sana makapagdesisyon ka ng tama. Ayoko na
magkameron ka ng hinanakit kay Kenner dahil ang totoo.. mahal na mahal
ka niya. At ikaw.. ikaw lang yung babaeng tunay na minahal niya. masakit
sakin na makita siyang ganon. at alam ko mahal na mahal mo rin siya. at
patawad rin Max..
Patawad..”
Pinatay ko yung laptop ko ng hindi nagpapaalam kila Nika.
Masyadong masakit ang mga nalaman ko. Hanggang isang ala-ala ang bumalik sa isipan ko.
Nung gabing nagpalipas gabi ako sa apartment niya..
‘Max, may problema ba sa bahay niyo kaya ayaw mong umuwi?’akala
ko tulog na siya noon. Nasa sahig kasi siya habang ako naman yung
nakahiga sa kama niya. hindi kami magtabi dahil nagkakailanganan pa kami
dahil sa nangyari kanina.
Pero hindi ko rin nagawang sumagot sa tanong niya.
‘Kahit
hindi mo naman sabihin, alam ko gaya ko may problema ka din sa pamilya
mo. isang tanong lang.. matagal ko na kasing gustong itanong. Tuwing
nakikita kitang nag-aaral. Palagi kang seryoso. Pag sa pag-aaral, wala
kang sinasanto. Mawala na lahat.. wag mo lang maibagsak yung major mo.
Ganon mo ba talaga kagusto maging engineer? O dahil..
Dahil sa mga magulang mo.’
Hindi
ko akalain na itatanong niya sakin yun. Napangiti pa ako nun dahil
hindi ko rin inaakala na mapapansin niya yung side kong yun. Pero totoo
naman talaga yung sinabi niya.
‘Gustong kong.. may
mapatunayan Kenner. Gusto kong maipagmalaki ako ng magulang ko. Gusto
kong hangaan nila ako. kahit na ano.. para sa kanila.
..Alam
mo kasi. Kahit gaano pa tayo nagagalit sa mga magulang natin. Minsan
nga napupuno na tayo na parang bang gusto na natin sumuko dahil
nasasakal na tayo sa kanila. But still. They are our parents. Kung hindi
dahil sa kanila wala tayo.
Kung hindi
dahil sa kanila,hindi tayo makikilala ng tao. Bago pa dumating ang ibang
tao sa buhay natin, ang mga magulang na natin ang humubog ng pagkatao
natin. Sila ang una natin naging kaibigan. Siguro nga.. may nagagawa
silang mali at kung minsan nasasaktan nila tayo. Kahit ganon.. kasiyahan
pa rin nila ang hinahangad natin. Ang sarap kasi sa pakiramdam.. na
napapasaya mo ang sarili mong magulang.’
Natahimik siya sa sinabi kong yun. Akala ko nga tulog na siya.
‘Tama
ka. Pero sana ganyan din ang nararamdaman ko sa Papa ko. simula kasi na
malaman ko na niloloko niya si Mama, hindi ko na nagawang magtiwala sa
kanya. At nung paulit ulit niyang saktan si mama, tinatak ko sa sarili
ko na ayaw ko sa kanya.
Pero kahit
ganon.. ayoko talagang napapaaway kay Papa. Ayokong tinitingnan siya ng
ganon. Kung nagawa man lang ni Papa na humingi ng tawad kay mama,
siguro.. magagawa ko ring patawarin siya..’
Mas
lalo akong naiyak. Dahil narealize ko.. na palagi na lang pinapatunayan
ni Kenner ang sarili niya sakin. Alam niya kung gaano kahalaga sakin
ang mga pangarap ko kaya ang saktan ako ang only way para pakawalan ako.
pero ang totoo.. mas nasasaktan siya. mas nahihirapan siya.
Noon..
sumuko ako na marealize na siguro nga tapos na dahil nasa isip ko hindi
siya deserving. It's as if siya pa rin yung Kenner na nagpapaasa ng
iba. akala ko tama talaga ang hinala ko sa simula pa lang. masasaktan at
masasaktan lang ako sa kanya.
Hindi ako umiyak noon,
dahil feeling ko mali. na hindi tama na iyakan ko ang isang katulad niya
dahil sinaktan niya ang kagaya ko na ang inisip lang ay ang mas
nakakabuti para samin dalwa. sinisi ko siya sa pagkakamaling hindi pala
niya ginusto. tinatak ko sa isip ko na kailangan ko siyang kalimutan
dahil isa siyang pagkakamali sa buhay ko.
NASASAKTAN AKO NGAYON. dahil
lang sa pagkakamali ko na naman. ngayon sinisisi ko ang sarili ko na
winasak ko ang isang pagkakataon na sa tingin ko ay hindi ko na makukuha
pa. I lose someone na tunay na nagmamahal sakin. hinayaan kong mawala
ang taong gusto kong makasama panghabang buhay. Once again, I didn't
trust him. Once again, nagduda ako at sinaktan ko siya. hindi ko man
lang siya pinaglaban. Hindi man lang ako naniwala sa kanya.
Hindi man lang ako naniwala saming dalawa..