"May dapat kang malaman, Kenner.”
"Ako na muna." Mahinahon niyang sabi.
Hinayaan ko naman siya. pero parang nagdadalwang isip siyang sabihin sakin ang gusto niyang sabihin.
Tiningnan
niya ako sa mga mata. hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam
ng kaba. kaba sa mga tingin niya. At takot sa maaari niyang sabihin.
Agad siyang umiwas ng tingin, "Gusto ko ng makipagbreak."
Narinig
ko naman yung sinabi niya e. Pero parang nabingi pa rin ako. Tama nga
ba ang narinig ko? Gusto na niyang makipaghiwalay sakin?
Si Kenner. Mismo ang humihingi nito sakin. Siya mismo ang nagsabi nito? Na naman.? Galing mismo sa bibig niya ang mga salitang yun. Nabingi nga lang ba ako?
"Max..
buntis si Veronica. at kailangan kong panagutan yung bata. I'm sorry.
but this is goodbye." hindi niya man lang pinakinggan ang sasabihin ko
at agad din siyang tumalikod at umalis.
Iniwan lang niya ako basta.
Sabihin niyo na panaginip lang ito??
Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas para hindi mapaiyak sa mga sinabi niya.
Nung
gabing yun, umuwi ako ng may malalim na iniisip. paulit ulit kong
iniisip ang sinabi ni Kenner sakin. Hindi ko alam kung dapat ba akong
maniwala. Kung totoo ba na tapos na ang lahat samin. wala na ba akong
magagawa?
Exam week pa rin pero parang ayokong pumasok.
Parang ayokong mag-exam. Patay ako nito diba? Hindi ako nakapag-aral ng
maayos at parang lahat ng naaral ko nakalimutan ko. wala na akong
pakealam sa magiging resulta ng exams ko. Gusto ko lang makita si Kenner at makausap siya. Ang tanga diba?
Palagi akong naghihintay kay Kenner. Sa pagbabalik niya sa apartment. Sa pagbabalik niya sakin. Palagi ko siyang inaabangan sa studio nila pero palagi daw na magkasama si Madison at Kenner. Iniiwasan niya ako. Sa text at sa tawag ko. Hindi siya nagrereply, wala siyang response.
Lahat na ata ginawa ko para makausap siya at maconfirm ang kalokohang ito. Narealize ko.. na baka nga.. baka nga tapos na ang lahat samin? Ganon ganon na lang niya tatapusin ang lahat?
“Nakita
ko yung boyfriend mo sa hospital nung pumunta kami dun ni Papa mo. At
narinig ko, buntis yung babaeng kasama niya. Max, may hindi ba kami
nalalaman? May problema ba kayo nung Kenner na yun?
Kaya ka ba nagkakaganyan this past few days?”
Parang gumunaw ang mundo ko sa sinabing yun ni mama at mas nagkameron ako ng dahilan para mas masaktan.
Paulit ulit kong tinatanong.. ano bang nagawa ko?
Paulit ulit kong iniisip.. ano na namang kasalanan ko?
This
time ba.. ako na naman ba ang dahilan? May nagawa na naman ba akong
mali? Kung meron, sana naman sabihin niya. ang hirap kasi.. na ang sakit
sakit na pero wala akong ideya kung ano ba talaga. Iyak ako ng iyak
pero wala naman akong magawa. Bakit kung kailan akala ko okay na.. bakit
kung kailan handa ko naman siyang ipaglaban saka naman siya sumuko.
Ang unfair unfair naman e..
“Maxine..” kung ayaw makipagkita sakin ni Kenner at ayaw niya akong kausapin.
Yung taong dahilan na lang ng lahat nito.
“Kailangan
mo ako? Uhm no kasi.. pwedeng sa ibang araw—“ hindi siya makatingin
sakin. Naiiyak na naman ako. at naiinis sa taong ito.
Pinigilan
ko siya, “Alam mo naman na siguro kung bakit kita pinuntahan dito
sainyo. Inalam ko lahat para mahanap ka lang Veronica..” lumuwag ang
pagkakahawak ko sa kanya. “Bakit.. bakit Veronica? Pwede bang ikaw na
lang ang sumagot?”
“Hindi naman totoo.. nabuntis ka niya diba? Napakaimposible..”
Pinilit
kong wag maiyak. Kinagat ko ang labi ko. gusto ko lang talaga malaman
ang totoo.. Hindi naman na gagawin ito ni Kenner ng walang dahilan.
Hindi ba?
Nabasa niya siguro ang lungkot sa mga mata ko.
naaawa siya sakin. Wala na akong pakealam sa sasabihin at iisipin niya.
kahit mukha pa akong tanga at kaawaawa. Please, sumagot lang siya ng
totoo.
“I’m sorry, Max.” hinawakan niya ako sa
kamay. “Hayaan mo na lang si Kenner, please. Maniwala ka.. para sayo din
naman ito. Mahal ka niya alam mo naman yun. Pero kung gusto niya ng
kalayaan.. hayaan—“ tinampal ko ang kamay niya at tiningnan siya ng
masama. Tuluyan ng pumatak ang mga namumuong luha sa mata ko.
“Sabi
mo pumunta ka dito hindi para manggulo! Sabi mo hindi ka bumalik para
bawiin siya! sabi mo.. tapos ka na.” umiiyak din siya gaya ko.
nakakainis naman. “Veronica.. please kami na lang ang hayaan mo.”
nagmamakaawa na ako.
Napayuko siya.
“I’m very sorry pero kailangan ko siya!” agad siyang umalis.
Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa babaeng iyon. Pero isa lang nasisigurado ko, NAGKAMALI NA NAMAN AKO NG DESISYON.
Mismo ang mga mata ko na ang humusga.
Kaya
nga siguro malimit silang magkasama. si Veronica ang first girlfriend
ni Kenner. at may nangyari din sa kanila noon. Hindi naman na yun
nakakapagtaka. kung marealize ni Kenner na mahal pa niya ang unang
babaeng nakarelasyon niya. PURO KASINUNGALINGAN ANG LAHAT. Dahil ang totoo, nagbalik ang babaeng yun para saktan nila ako.
Nagpakatanga na naman ako sa isang lalaki.
Nagkamali na naman ako ng taong dapat kong pagkatiwalaan.
Nasaktan na naman ako..
"Pumapayag.. na po ako. Pupunta na po ako sa Canada sa lalong madaling panahon."
Sapat na siguro yung luha na nailuha ko. yung pagpapakatanga ko. yung sakit na naramdaman ko. Tama na yun. Malinaw
na sakin ang lahat. Ganon ganon lang yun sa kanila. Pwes ganon ganon
lang din dapat sakin at tanggapin ang lahat. Matapang ako diba. Kaya ko
ito. Dapat na akong magmove-on at kalimutan ang lahat.
Minsan
ang isang pagkakamali, hindi na mabibigyan pa ng pagkakataon kahit
gusto mo. Kung kayo, kayo. kung gusto niya, may magagawa siya. kung may
paraan, hindi kailangan ng rason. Nagdecide na ako na kalimutan siya.
Siguro nga.. hindi kami ang para sa isa't isa. Nagkamali lang ako na
SIYA NA TALAGA.