“Max?”
Tumingin naman ako sa nagsalita. Sobrang dilim na at
yung lampshade na lang ng kwarto ko ang nagsisilbing ilaw. Umupo naman
siya sa tabi ko, si Roxie pala.
“Hindi ka pa inaantok?” humikab siya.
Nakapangalumbaba ako habang nagsasagot ng mga problems sa book ko. sa totoo lang hindi pa ako inaantok. At ayokong matulog.
“May
problema ba? Kanina ka pang tahimik simula ng umuwi tayo.” Tiningnan
ko lang si Roxie. “Dahil ba ito kay Kenner. Ikaw a.. bvjbdsvfhgv”
napakunot ako sa sinabi niya na hindi ko naintindihan. Humikab ulit kasi
siya.
“Sabi ko.. nahuhulog ka na nga talaga kay Kenner.” Ngumiti
siya. agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya. Naiinis lang lalo
ako..
Tumahimik naman siya. sumusulyap sulyap ako paminsan
minsan sa kanya at nakapangalumbaba lang din siya habang nakatingin
sakin. Pinipilit na wag matulog.
“Pwede ba akong mag-open sayo.” Naglakas loob na akong magtanong.
Umayos
naman siya ng upo. “Oo naman!” medyo napalakas ang sagot niya.
napalingon naman kami kay Kim. Mabuti na lang hindi siya gising.
“Kaso..
magtatampo si Kim kung sakin ka lang mag-oopen.” Nagsagot na lang ulit
ako sa libro. Parang ayoko naman talagang mag-open kay Roxie.ang hirap
ng ganito.
“Pero gusto ko talagang makinig.” Tinapik niya ako sa balikat.
Napahawak
ako sa noo ko. nahihirapan talaga ako sa sitwasyon kong ito. Hindi ako
sanay na ganito sa harap ng ibang tao kung hindi.. sila Nika at Leo ang
kaharap ko. Pero kaibigan ko parin naman sila Kim at Roxie.
“Okay lang sakin, kung sasabihin mo sa kanya.” At pinagkakatiwalaan ko silang dalwa.
“I’m going to Canada.. 1 week from now.” Napanganga siya sa sinabi ko. at halatang nabigla si Roxie sa narinig niya.
“a-Aalis k-ka? M-Max? Papaano kami!?..” bigla siyang nalungkot. “Paano si Kenner..”
Napakagat ako ng labi sa tanong niyang yun. Nangilid ang mga luha sa mga mata ko. naiiyak ako.
Napahawak
ako sa ulo ko, at naiinis na sabihin ito, “Hindi ko alam Roxie. I have
to decide, whether I choose my family.. my dream.. o ang taong ayoko
namang iwan at.. saktan.” May lumandas na luha sa mukha ko. “Roxie,
hindi ko kayang sabihin kay Kenner.”
Naging malungkot ang facial expression ni Roxie. Lumapit siya sakin at niyakap ako.
Nung
gabing yun nakatulog ako sa table katabi si Roxie ng hindi namin
namamalayan. Nung gumising ako, nakita ko yung received call galing kay
Kenner. At ang call duration nito. Wala akong maalala na nasagot ko yung
tawag niya. napansin ko yung time, yung oras nung nag-uusap kami ni
Roxie ang naalala ko. natakot ako at kinabahan nung mga oras na yun, may
possibility na narinig ni Kenner ang usapin namin..
From:”Kenner
Sige mg-usap tau
Pagkatapos
ng exam ko, napagdesisyunan kong makipag-usap kay Kenner. Naisip ko na
dapat ko na talagang sabihin sa kanya ang tungkol sa Canada. At baka nga
may narinig siya. dapat akong mag-explain.
Hindi na ako makapaghintay na makausap siya.
Last
subject na nun. We’re still have 2 hours to review. Magpapaprint sana
ako ng ilang mga copies ng reviewers nung hindi ko sinasadyang makita
ang isang eksena. Nagsisisi ako na napadaan ako dun, kahit konti lang
naman ang mga taong dumadaan dun.
“m-Max..” tumigil sila sa ginagawa nila.
Agad namang tinulak ni Nika si Darren at tumakbo siya. umalis din naman ako.
“Sandali!--” may bigla na lang humigit ng braso ko. yung Darren.
Tinampal
ko yung kamay niya, “Wala naman akong pakealam sa nakita ko.” sabi ko
ng hindi naiinis o kung ano pa man. Halatang nabigla siya.
Totoo
naman kasi.. wala naman akong pakealam. Kung gusto nilang maghalikan sa
tabi-tabi. Wala akong pakealam. Dahil.. hindi ko naman na kaibigan si
Nika. At wala na lang sila sakin.
Napahawak siya sa ulo niya, “Hindi yun.” Humarap ako sa kanya.
“Kagabi,
si Kenner.” Parang bigla akong kinabahan ng marinig ang pangalan ni
Kenner. “Pumunta ako sa tambayan, kaaalis niyo lang daw. Tapos.. tapos
tinawagan ka niya. magkausap kayo. H-hindi ko sinasadyang makinig. Kahit
wala naman akong narinig.” Napapakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya.
naguguluhan kasi ako. pero gets ko naman yung tinutukoy niya.
“Lasing
na lasing siya kagabi. Hindi namin siya mapigilan. Parang bigla siyang
nabadtrip dahil dun sa ginawa niyang pagtawag sayo. Hindi namin siya
makausap. Hindi namin siya mapigilan. Galit na galit siya..” napakagat
ako ng labi. Alam ko na kung anong tinutukoy niya. narinig ni Kenner ang
usapan namin ni Roxie. Nalaman na niya..
“Hindi ako
magtatanong kung anong nangyari. Okay na kayo diba. Sana nga okay kayo.
Max, please kausapin si Kenner. Kailangan ka niya.” tinapik niya ako sa
balikat.
Nanginginig ang mga kamay. Ang bilis ng tibok ng puso ko. gusto ko ng umalis at makipagkita kay Kenner. Natatakot ako..
From:”Mama
Dito kami Hospital. Papachek-up lang papa mo.
Hindi
ako nakapagreview ng maayos. Tuloy hindi ako nakapagsagot ng maayos.
Sinubukang magtanong nila Roxie at Kim pero wala akong lakas ng loob
para mag-open sa kanila ng nararamdaman ko. naghahalong kaba at takot.
Lungkot sa pwedeng maging resulta. Nasasaktan ako sa narinig ko.. at
sobrang natatakot sa kung anong epekto nito sa taong mahal ko.
Hindi
ko alam kung anong resulta ng exam ko. sabi nila Kim at Roxie midterm
pa lang naman daw. Bawi na lang sa finals. Sa huli hindi ko rin nagawang
sabihin sa kanila kung anong gumugulo sakin.
From:”Kenner
Sorry. Pero nde pla ako pede ngaun.
Hindi
ko na alam kung saan ako pupunta. Nagtext sakin si Kenner na hindi niya
ako mamimeet ngayon. wala akong choice kundi.. maghintay. Tama! Naisip
ko na hintayin siya sa apartment niya. agad akong dumiretso dun at dun
ko siya hinintay. Nagtext ako sa kanya na maghihintay ako kahit na anong
oras.
Pero hindi nagreply.
One hour. Two.. Four
hours akong naghintay. Nakatulog na nga ako. nagising ng 11pm pero wala
pa rin siya. gusto kong maiyak dahil baka yung kinatatakutan ko mangyari
nga..
Nagdecide ako na umuwi na. at saka naman siya dumating.
Sobrang saya ko nung dumating siya, “Kenner.”
Tumingin siya sakin.. ang lungkot ng mukha niya. pero pinilit pa rin niyang ngumiti ng bahagya.
Nakapagdesisyon na ako.
Ayokong iwan si Kenner.
Ayokong mapalayo sa kanya.
Kaya kahit kapakanan ko na ang pinag-uusapan. hindi na lang ako papayag. Dahil yun ang alam kong mas tama.
"May sasabihin ako." dahil sa tingin ko karapatan din niyang malaman.