Kahit habang nagkaklase, hindi ko magawang magconcentrate dahil sa
mga nangyayari. Iniisip ko kung tama ba ang lahat ng ito? Kung may gusto
na nga ba talaga ako kay Kenner? Kung nakalimutan ko na nga ba si Leo?
O.. dahil natatakot lang ako na makitang nasasaktan ulit si Kenner.
Simula nung makita ko siyang umiiyak.. nagkakaganito na ako.
“Oi Chad.” Nakasalubong ko naman si Chad.
“Max,
hehe.” Napakamot siya sa batok. Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Hindi
na siguro tayo pwedeng magsabay umuwi. Alam mo na..” nakita ko naman si
Kenner sa likod niya na papunta samin.
Mukhang gets ko na yung ibig sabihin niya.
“Hi Chad. Max!” umakbay siya kay Chad habang nakangiti.
“Sige mauna na ako.”
“Wait,
Chad. Pasensya ka na. pero kasi.. may pupuntahan kami ni Max.” lumingon
si Chad. Napatingin naman ako kay Kenner. Wala kasi akong alam sa mga
sinasabi niya. Tumingin naman siya sakin. “Bukas, sabay na ulit kayo ni
Max umuwi. But this time, sakin muna sya a.”
Anong balak mo Kenner?
May
sumundo samin. Yung van nila, same driver. At nakarating kami sa isang
lugar. Nabigla na lang ako na malaman na bahay nila yun. At the same
time, natakot. Mukhang alam ko na kasi ang binabalak niya.
Pumasok
kami sa loob ng bahay nila at sinalubong ng mga magulang niya. Dun na
rin ako kumain ng hapunan. Nagtext naman ako kay mama tungkol sa mga
nangyayari.
“So hija, anong trabaho ng mga magulang mo?”
kanina pa nila ako kinakausap habang kumakain kami. Medyo nakakailang
pero okay lang. mukha namang mabait ang mama niya, at medyo tahimik
naman yung papa ni Kenner.
“Housewife lang po ang mama ko, habang ofw naman po si papa.” Tumango tango si Mrs. Cabrera.
“Ma. Engineering po pala ang kinukuha ni Max. ang talino po niya sa Math.”
“Oh?
Nabanggit mo nga, siya yung tumutulong sayo diba—“ bigla na lang may
nagring na phone. Tiningnan ko naman yung akin, pero hindi.
“Excuse me.” Sa papa pala ni Kenner. Umalis naman ito.
“Alam
mo hija, ikaw ang kauna unahang girlfriend nitong si KJ na nagtulak sa
kanya para makakuha ng ganong katataas na grado.” Medyo ngumiti naman
ako.
Dumating naman ang papa niya, “Kailangan ko ng umalis. Nice meeting you ulit hija.” Umalis naman agad ito.
“Pa—“ nagulat naman ako nung biglang ibagsak ni Mrs. Cabrera ang kutsara niya sa table. Tumayo siya at sinundan si Mr. Cabrera.
Napansin
ko naman ang expression ng mukha ni Kenner. Nabago ang mood niya dahil
sa nangyari. At nawalan din siya na gana. Kakausapin ko sana siya nang
marinig namin na sumigaw si Mrs. Cabrera. Mukhang nag-aaway sila ni Mr.
Cabrera. Napakunot ang noo ni Kenner. Tumayo siya at umalis ng kusina.
Agad ko naman siyang sinundan—
“Dito ka lang Max.” hindi
siya lumingon sakin nung sabihin niya yun. Mukhang seryoso ang
nangyayari. Kaya ginawa ko na lang yung gusto niya.
Habang nakaupo ako dun, napapahawak na lang ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko.
“Pupunta ka na naman sa babae mo!”
“Pa, wag naman ngayon oh!”
“Pang-ilan
na bang babae yan! Huh Kenner Jan Cabrera!!! Ipapakilala mo ako sa
babae mo. Pero alam ko naman na may susunod pagkatapos niya!”
“Tumigil ka na Pa!!! hindi siya gaya ng ibang babae! Iba si Max.”
“Wag mong igaya ang anak mo sayo!!!”
Naririnig
ko kasi ang usapan nila. Naiinis ako na wala akong magawa.. so ito pala
ang dinadanas ni Kenner. Kaya ba siya umiiyak nung mga oras na yun?
Kaya ba siya kung kanikanino na lang nakikipagflirt? Kaya ba ginagawa
niya lahat para mag-aral kahit hindi niya gusto yung course niya..
Mukhang
isa lang ang magagawa ko.. ang mag-stay sa tabi niya. At iparamdam na
hindi siya nag-iisa. At kung gaya man ako ng iba niyang girlfriends na
papalitan niya agad. Okay lang. ayoko lang talaga ng nakakakita ng mga
ganitong problema. Family problem..
“Pasensya ka na sa mga
nangyari. Next time, sisiguraduhin ko na hindi na’to mangyayari.”
Nandito na kami sa may subdivision namin. Pero hindi sa harap ng bahay
namin. Sabi ko kasi sa kanya na dito na lang.
Hinawakan ko ang
pisngi niya, “I had fun. Thanks Kenner for the opportunity.” Nagulat
siya nung gawin ko yun. Pero mas nagulat ako nung lumapit ang mukha
niya. Halos naging bato talaga ako na yung thought na baka halikan na
naman niya ako.
Pero hindi niya tinuloy. Niyakap niya lang ako.
“Tama
ako, iba ka sa lahat. Salamat Max na tinanggap mo ako kahit hindi ako
sure na parehas nga tayo ng nararamdaman. Ikaw lang kasi yung babaeng
kahit na wala pang ginagawa, sumasaya na ako..” niyakap ko rin naman
siya.
Unti unti rin siyang bumitaw. Hinawakan niya ako sa leeg at hinalikan ako. Pumikit na lang ako.
Nagpaalam na siya pagkatapos nun.
Matapos
ang klase namin, pumunta akong canteen para bumili ng makakain at
nagdiretso sa may rooftop. Habang nananahimik ako dun, bigla na lang may
dumating na grupo ng kababaihan.
Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ko..
Yung
mga nanlilisik nilang tingin habang tinatawag ang buo kong pangalan at
habang nakacrossed arms pa. malalaman mo agad kung anong kailangan nila.
Hindi ko inaasahan ito. Hindi ko talaga lubos maisip na nangyayari ang
mga ganitong bagay sa panahong ito..
“Ah.”
Nagising
naman ako nung maramdaman ko na may taong malapit samin. Tiningnan ko
siya ng masama sa ginagawa niya. Kaya umayos ako ng upo at umalis sa
pagkakaub-ob sa table.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” takot na takot siyang lumayo sakin.
“Ah
eh. G-gusto ko lang ilagay ito sa noo mo. M-may su-sugat kasi!” may
hawak siyang band-aid. Agad kong kinuha yun at ako na lang ang naglagay
ng band-aid sa may noo ko.
Agh! Medyo masakit pa ang ulo ko. mga wala talagang magawa ang mga babaeng yun.
“o-Okay
ka lang ba? May pasa ka rin kasi braso. Pati yung leeg mo parang may
kalmot. May nang-away ba sayo?” napakunot ang noo ko.
Tumayo ako
at tiningnan siya ng diretso. Parang takot na takot siya. tsk wala naman
akong pakealam sa iniisip niya kaya umalis na lang ako since tapos na
din yung vacant ko.