“Masama ba akong lalaki?” magkasandal ang mga noo namin habang yakap
pa rin niya ako. at habang hawak ko siya sa mga balikat niya. Hindi ako
makatingin sa kanya ng diretso.
“Bakit.?” Natatawa kong sabi.
Mas nilapit naman niya ako sa kanya. Hindi tuloy ako nakawala sa mga tingin niya.
“Dahil tinuruan ko ang kagaya mo na humalik ng ganon. Dirty kiss?” pumikit siya.
Inalis ko naman yung mga kamay niya sa likod ko. kumawala ako sa kanya.
“Hindi..” sabi ko sa kanya. “Dahil ginusto ko rin yun.” Naghalf smile naman ako.
“Nirerespeto
kita, Max. hindi mo kailangang.. gawin pa ulit yun.” Namumula yung
mukha niya. agad naman niyang ginulo yung buhok niya.
Para siguro itago yung kahihiyan niya.
Pagkatapos
din nun, naisip niyang ihatid ako sa bahay. At magpapakilala na sa mga
magulang ko. humingi din ulit siya ng patawad dahil sa ginawa niyang
pagdedma sakin noon. Na dapat ipapakilala ko na siya sa mga magulang ko.
Dumating
kami sa bahay, at mismong si mama nagulat na makita siya. wala dun si
papa. Pero nakilala naman na siya ni Papa. Naging maganda ang
pakikitungo ni mama kay Kenner. At sobrang saya naman ni Kenner. Walang
panghuhusga sa mga ginawang pagtrato ni mama kay Kenner.. dahil siguro
ay alam din niya ang tungkol sa pagpunta ko sa Canada.
Tinanggap
ni mama ang relasyong meron kami ni Kenner. Pero kasabay nun.. ang
pagpapamukha sakin ng tadhana na kailangan ko ng magdesisyon sa pagitan
ng pangarap ko at ng taong minamahal ko.
“Siya ba ang
dahilan.. kung bakit hindi mo magawang sagutin ang email ng Tita mo
sayo?” hindi ako makatingin ng diretso kay mama.
Umupo siya sa
tabi ko, “Hindi ko binasa yung message ng tita mo. pero nabanggit niya
sakin ang tungkol sa pagpunta mo sa Canada. Diba pangarap mo ito..
maging Engineer.” Hinawakan ni mama ang kamay ko.
Maluha-luha na ako sa sinabing yun ni mama.
“Pero..
mahal mo siya at hindi mo siya kayang iwan.” Napaub-ob ako sa mga kamay
ko na nakapatong sa tuhod ko. naiyak na talaga ako. “Nasabi mo na ba sa
kanya? Mas mabuting parehas kayong magdedesisyon na dalwa. ”
Yun na nga, hindi ko pa nasasabi kay Kenner. At hindi ko kayang sabihin sa kanya.
Hindi
ko alam kung ano ba talagang dapat kong piliin? O dapat ko nga bang
mamili? Ganon pala yung pakiramdam na maipit ka sa sitwasyong
napakahirap na takasan. Kahit sa mata ng iba madaming paraan pero ang
totoo.. wala. Wala kang magawa dahil ikaw mismo yung nasa sitwasyon na
hindi mo basta matatakasan.
Kung sasabihin ko ba kay Kenner na
pupunta akong Canada at kung maaari ipagpatuloy namin ang relasyon
namin, may pinagkaiba ba yun sa kung mas pipiliin kong magstay dito
dahil ayokong mawalay sa kaniya. Wala.
Dahil parehas lang akong masasaktan sa magiging desisyon ko.
Si Kenner, ako, at ang mga magulang ko ay maaaring masaktan din sa desisyon gagawin ko.
“Bye
bye, Max!” todo kaway sila Kim at Roxie sakin habang palabas ako ng
gate. Nandun na kasi si Kenner at hinihintay na niya ako.
Palaging
gumagawa si Kenner ng time sakin kahit na halos dapat yung time niya
para lang sa pagpapractice niya. sumasali sali ulit kasi ang Psyren sa
iba’t ibang competition, tapos minsan nagge-guest sila sa kahit na anong
event. Tapos yun nga may kontrata pa si Kenner.
“Hahahaha.” Puno ng tawanan ang tambayan. Dahil sa mga lokohan at biruan ng mga kabarkada ni Kenner.
Nag-iinuman
sila. Sinama niya ako para hindi raw siya mapainom ng marami. Hindi
naman ako umiinom pero nilalantakan ko naman yung pulutan nila. lahat
kasi luto ni Madison. Magaling pa lang siyang magluto.
“Oh!” inabot naman ni Kenner yung baso sa iba. Hindi ko siya katabi. Malayo siya sakin.
“Asus!
Itong si Kenner, makaporma lang e!” hindi ako nakikisali sa kanila.
Masaya na kasi ako habang naglalaro sa phone ni Kenner at kumakain.
“Matagal
ko na itong gustong itanong.” Naramdaman ko naman na may humawak sa ulo
ko. paglingon ko si Kenner. Amoy alak siya pero hindi naman
nakakaasiwa. hindi naman mabaho.
Humiga siya sa balikat ko.
“Max!”
tumango ako. naglalaro kasi ako kaya hindi ako makatingin sa kanila.
“Kung isang araw makipagbreak pa sayo ang mokong na yan. Anung gagawin
mo, Max?” bigla naman akong natalo dun sa laro ko.
Umalis si Kenner sa pagkakahiga sa balikat ko. binato niya ng chihiria ko yung nagtanong.
“Gago!” sabi niya. pero hindi naman siya naiinis.
Hindi ko sinagot yung tanong.
“haha napakaimposible nun. E baliw tong gago kay Max e.” napatawa tuloy ako.
“Oo naman..” bulong ni Kenner.
Hindi
naman ako nagtagal dun. Nasabi ko din kasi sa kanya na hanggang 8 lang
ako. susunduin din kasi ako nila Kim at Roxie lalo na malapit na yung
Midterm namin. Wala sila mama at papa ngayon sa bahay kaya usapan namin
na mag-si-sleep-over kami at mag-i-study DAW.
“Ihatid na kita.” Sabi niya habang nakahawak siya sa ulo.
Hinawakan ko naman pisngi niya panandalian, “Lasing ka na?” natatawa kong sabi. Hindi naman kasi madami yung nainom niya.
Agad naman siyang umayos ng tayo, “Hindi ah!” sigaw niya. Natawa kami parehas.
“Inaantok
na ako..” niyakap niya ako sa leeg. “Sumama na lang kaya ako sa inyo.
Di ako papatulugin ng mga ito.” Tinapik ko siya sa braso niya.
“Kaya mo yan. Haha.”
Naramdaman ko naman yung pag-amoy niya sa buhok ko.
“Alis na ako! andyan na yun siguro.” Kumawala naman siya.
Hinatid
naman niya ako hanggang labas. At nandun na nga sila Kim at Roxie.
Nakahawak naman siya sa batok niya. mukhang antok na antok na nga si
Kenner. Nakangiti kami sa isa’t isa habang nagtititigan. Natatawa kasi
ako sa itsura niya. alam niyo yun.. ang gwapo pa rin niya pero halatang
gusto ng matulog ng mukha niya.
“Sama na akoo..” nakapout niyang sabi. Napakunot naman ako ng noo masabi lang na naiinis ako.
Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat, “Sige na. Sige na. goodnight.”
Aalis
na sana kami nang yakapin na naman ako ni Kenner sa may leeg ko mula sa
likod. Natatawang nauna sila Kim at Roxie. Tiningnan ko sila ng masama.
Letche! Kinurot ko si Kenner sa kamay niyang nakapalupot sa leeg ko.
“Uuwi na sabi ako.”
“Mahal na mahal kita, Max.” mas humigpit ang yakap niya.
Bigla tuloy akong kinabahan. For 5 seconds hinayaan ko siya.
Mas
lalo kong naramdaman na dapat ko na nga talagang ipaalam sa kanya yung
tungkol sa Canada. Mamimiss ko talaga si Kenner. Yung mga bagay na
ganito. Hindi ko naisip na magagawa ko ito sa kanya. Na may mangyayari
palang ganito in the future. Na matatanggap ko lahat ng sablay niya.
hindi ko talaga kaya.. hindi ko makakaya..
Tinapik tapik ko yung kamay niya.
“Sige na.” lumayo ako sa kanya ng hindi tumitingin sa mata niya.
“Text mo ko a!” tinaas ko ang kamay ko para muling magpaalam.
Pero
sa totoo lang.. nagiguilty ako. sobra na halos sumabog ang puso ko.
konting araw na lang kasi.. kaya kailangan ko na talagang magdecide. Ano bang dapat?