1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 68

Sa maikling oras na nakasama ko sila Kenner at Veronica, nakita ko kung gaano sila kaclose. At kung gaano nga nila kakilala ang isa’t isa. Just by looking at them.. malalaman mo agad kung gaano na katagal ang pinagsamahan nila. noon ko lang nakita si Kenner naging ganon sa isang babae. Ang kulit nilang tingnan.
Kung siguro mas maaga kong nakilala si Kenner bilang ganon.. hindi ko iisipin kung anu siya ngayon.

Sa mata ni Veronica, Kenner is Kenner. Hindi ko nakita ang mga tingin sa mata niya.. kung paano tumingin ang ibang babae kay Kenner. True love? Hindi ko alam.

Nung mga oras na yun. Aaminin ko,  nakaramdam ako ng inggit. Inggit sa pagmamahal na meron si Veronica.

Kahit sinabi niya ang mga katagang yun, ‘Pero mas nagalit ako kay Kenner. Dahil nagpadala siya sa landi ng  babaeng yun at iniwan niya ako. No, in the first place alam kong iiwan naman niya ako dahil kahit na kailan hindi siya nagkameron ng special feelings para sakin. That was so unfair.. habang ako.. minahal ko siya ng buong pusa at binigay ko ang lahat sa kanya.’

'He don't deserves me. Matagal na akong nakamove on at hindi rin ako nagbalik para maghigante. I just want to know you better. Yung babaeng kinababaliwan niya, at ang bumihag sa puso ng lalaking kinababaliwan ng lahat. So, don't worry.'

 I keep that in mind.

Hindi ko naman kailangan na mag-alala. Tapos na sila ni Kenner gaya nga ng sinabi niya. at gaya nga ng sinabi niya, hindi siya bumalik para bawiin ang dating kanya. At hindi rin naman magpapadala si Kenner kung sakali man diba?
Walang ibang dahilan kung bakit kailangan bumalik ng past ni Kenner.


“Just wanna borrow your boyfriend.” Muntik ko ng ibuga ang kinakain kong libre niya.
Nandito ulit siya sa campus. At pinapayagan siyang papasukin ng mga guard dito dahil dito siya dati nag-aaral. And take note, hindi parin kami close a. ginagamit ko lang siya para makatipid ako kaya pumapayag ako na sumama sa kanya.

“You know.. meron kaming barkada reunion. Mga.. 2 days and 1 night lang naman yun e. kaya pumayag ka na.? hindi ko kasi siya mapilit e. and since.. you’re his girlfriend.. I just thought na papayag siya kung hihingi ako ng approval sa mas may karapatan.” Umakto naman akong bubuhusan siya ng tubig.

Halatang nabigla at nainis siya sa joke ko.

Inirapan ko siya at umalis naman sa tayo ko. tapos na rin naman kasi akong kumain.

“Maxine. Please. Please. Please. Nagmamakaawa din kasi sila. Kahit na ano kasing pilit namin—“ hinarap ko naman siya.

“Will you just shut up. Si Kenner lang makakapagdesisyon niyan.”
Kinuha naman niya yung phone niya. at nagdial ng kung ano.
“Hello, Kenner?” napahampas ako sa noo. Gagawa at gagawa talaga siya ng paraan.
Ni-hand niya yung phone sakin, tiningnan ko lang siya at agad na tumalikod, “Kenner! Kenner, I think pumayag na si Maxine. So ano bukas a?”


Ngayong naalala ko na, si Veronica pala yung tinutukoy nila. ‘Mas bitch pa rin si Veronica! Makipagmake-out daw ba sa bar!’ Siya ang first girlfriend ni Kenner at sabi sakin ni Venorica never daw na nagkameron ng special feeling si Kenner sa kanya.
Nagtiwala ako kaya pumayag ako.

“Kung sumama ka na lang kaya sakin.?” Hinigit niya ako sa kamay.
Sumilip naman samin si Veronica, “Okay lang! the more, the merrier!” ngiting ngiti niyang sabi.
Ang saya-saya naman tingnan ni Kenner.
“Hindi. Ayokong.. makisama sa mga taong di ko kilala..” sabi ko sa kanya. Nanluwag naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
“Sasama ka pa rin Ken kahit na anong mangyari!”
“Agh.. bakit ayaw mo sumama Max.” pilit na lumalayo si Kenner kay Veronica.

Dahil sa kakulitan nilang dalwa mas lalong nagsink-in sa isip ko na magkaibigan na lang talaga sila. Wala na silang nararamdaman para sa isa’t isa. at hindi naman na kailangan pa ni Kenner na patunayan ang sarili niya.

One day and 2 nights sila dun. Pero parang wala din namang pinagkaiba kapag busy si Kenner sa work niya. mas nagkatime pa nga siyang makipagcommunicate sakin habang nasa reunion sya. Maya’t maya kaming magkatext. At malimit din niya akong tawagan. Kinukwento pa sakin ni Kenner ang mga ginagawan niya. Okay na talaga ang lahat samin. mas naging comfortable kami sa isa’t isa. Nangyari din ang matagal ko ng hinihintay..

Akala ko.. tuloy tuloy na’to.
Akala ko.. sa wakas maaari na din akong maging honest sa nararamdaman ko. Sa wakas hindi ko na kailangang maglagay ng harang sa pagitan namin ni Kenner dahil sa takot kong masaktan.

“Hija, Maxine.” Hininaan ko naman yung sounds ng tv.
“Nag-email sakin ang Aunt mo. pero mas mabuti kung ikaw mismo ang magbabasa.” Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko.

Agad ko namang binasa ang email na yun ni Tita Sabel. Si Tita Sabel ay sobrang malapit na kamag-anak namin. Tinuring ko rin siyang pangalwang ina ko dahil sa sobrang bait nito. At nasabi ko rin kay Tita ang dahilan kung bakit Engineering ang kinuha kong course.
Kinuha ko ang engineering para may maipagmalaki ako sa mga magulang ko. Lahat naman ng ito para sa kanila e. kaya madalas akong tinutulungan ni Tita sa mga math-related subjects ko. Ang lahat ng ito para sa mga magulang ko. dahil gusto kong maipagmalaki nila ako kahit man lang hindi ako naging mabuting anak para sa kanila. Kaya humingi ako kay Tita ng tulong para sa pangarap kong ito.


‘..I just want you to know na may nag-offer sakin ng isang engineering scholarship here in Canada. Max, pagkatapos na pagkatapos ng pag-aaral mo dito siguradong may trabaho ka na. and take note dito sa ibang bansa. Licensed engineer ka at malaking sweldo. Icompare mo man dyan sa Pilipinas. Maxine, I want you to study here. So just take the opportunity.’

Aaminin ko sobra akong natuwa nung mabasa ko ang message na yun.
Sobra sobra dahil.. diba. Yun na yung opportunity na tinatawag nila! yung opportunity na hinding hindi palalampasin ng kagaya kong estudyante na gustong maging engineer. Dahil kung magiging engineer ako sa ibang bansa, mas kikilalanin akong engineer hindi lang dito sa Pilipinas.  Ito na yung way ko para matupad lahat ng plano ko.

Pero naalala ko..

“I told you, ibabalik ko siya..” pumunta siya sa likod ko na parang takot na takot kay Veronica. “Hoy Ken wag kang umasta na parang nirape kita a!” sigaw pa ni Veronica kay Kenner habang dinuduro niya ito.
Tawang tawa naman si Kenner habang niyayakap niya ako sa likod at hinahagkan yung leeg ko. amoy ko yung pabango niya at yung malambot at mabango niyang buhok.
Yung malambog niyang mga labi..

At yung init ng katawan niya..

“Iwan mo na kami ng girlfriend ko. it’s our time naman!” niyakap niya ako ng mas mahigpit, “Namiss kita, mahal ko.”
Agad naman akong lumayo. Tiningnan ko siya, nginitian niya ako.
Ginulo ko yung buhok niya. Hinawakan niya naman yung kamay  at hinagkan hagkan ito.

Mamimiss ko itong taong ito kapag umalis ako. mamimiss ko siya ng sobra higit pa sa pagkamiss ko sa kanya nung umalis siya galing Singapore. Mamimiss ko ang kasweetan niya at ang lahat sa kanya.Mamimiss ko ang perpektong mukha niya..

“Oy..” hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. “Namiss mo rin ako no..” nangingilid na yung mga luha ko.

Ayokong mawalay sa kanya.

Ayokong mawala siya sakin at mamissed ang mga bagay na maaari pa naming gawin.

Ayokong iwan siya dahil madami pa akong plano kasama siya.

Ayokong umalis kung kailan maaari ko na siyang mas mahalin ngayong malaya na ako.

Hindi ko kayang hindi siya makasama dahil sobra ko talaga siyang mahal.

“Loko!” agad akong lumambitin sa leeg niya at niyakap siya ng mahigpit. Mahigpit para mas maramdaman niya yung yakap ko kaysa sa nararamdaman kong sakit. Umiiyak na pala ako..

“Bakit naman kita mamimiss, eh dalwang araw lang naman yun.” Pinilit kong  wag iparinig sa kanya yung paghikbi ko kaya sinubsob ko yung mukha ko sa balikat niya.
Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa may baywang ko, “Hindi kita namiss. Ang busy ko kaya..”

Lumuwag ang pagkakayakap niya.

“Umiiyak ka ba, Max?” sinubukan niyang lumayo sakin.

Pero bago pa niya makita ang itsura ko. hinawakan ko na yung mukha niya at hinalikan ko siya.

Nabigla siya. Pero bago pa siya makareact, mas nilaliman ko pa ang mga halik ko sa kanya. Hindi agad siya nakasabay dahil siguro sa pagtataka.

Hanggang sa yakapin na rin niya ako sa may baywang ko  at makipagsabayan na rin sa mga halik na yun.


This may be our last kiss..
HTML Comment Box is loading comments...