1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 67

Ngayong mas natingnan ko ang mukha ng babaeng yun. Parang bang familiar siya na hindi sa tingin ko. pero sigurado ako na hindi ko siya kilala.

Lumapit siya sakin at dinuro duro ako. Naiinis ako sa pinaggagagawa niya pero mukhang hindi naman niya gustong mang-inis.
“I’m really right na ikaw yung babaeng gustong magsuicide for the past few days dun sa kalsada. My gosh..” tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. At nginingitian ng nakakaloko.
“Ikaw nga..” Parang hangang hanga siya.

Nung bigla namang nagbago ang facial expression niya nung mapalingon siya sa likod ko.

“My gosh! I knew it’s her!” naiinis niyang sabi. “Follow me!” bigla na lang niyang hinigit ang kamay ko.

“Hoy anu ba!” naiinis kong sabi. Agh! Ang kapal ng mukha ng babaeng ito na hindi ko naman kakilala.

Dinala niya ako kung saan. Wala naman akong nagawa kundi ang magpahila. hanggang sa dinala niya ako kay Nika. Kinabigla din ni Nika na makita kaming dalwa. Mas nagtaka ako na makita na mukhang magkakilala ang babaeng ito at si Nika. May halong takot, gulat at inis sa mga tingin ni Nika. At itong babaeng ito.. nakatingin lang siya ng masama kay Nika habang tinataasan niya ito ng kilay.
Binawi ko ang kamay ko, “Anong nangyayari?!”

“I knew it, it was you! Still slut, huh?”

Agad naman nagbago ang facial expression ni Nika, “Sino kaya ang hindi na virgin satin. Diba.. Kayo ni Kenner.” Sinadyang iparinig ni Nika yun sakin.
Hindi ko naman alam kung anong irereact ko. Umiwas na lang ako ng tingin at nagwalang malisya. Pero ang totoo nabigla ako.

Sino ba kasi talaga ang babaeng ito!?

“At hanggang ngayon pala.. Naghahabol ka parin na parang aso ky kenner. Nakakadiri. Tumutulo kasi ang laway mo. Sa tingin mo titingin pa siya sayo, never! Hindi nadadala si Kenner ng paglandi landi sa kanya. Bitch!” tinulak niya si Nika. At halatang nasaktan siya.
Hindi ko nagustuhan ang ginawa ng babaeng yun kaya hinarangan ko siya.

“Ano ba!” naiinis kong sabi dito.

Naramdaman ko naman na umalis na si Nika. Pinanood ko lang siyang umalis. Naawa ako sa kanya. At napaisip sa mga binitawan niyang salita kanina. Hindi ko alam kung isa lang bang patibong yung sinabi niya para saktan ako o nagsasabi nga siya ng totoo.

“You used to be her friends, too, right?” hindi ko siya nilingon o sinagot man lang. mas naisip ko na iwan na lang ang babaeng yun—

“Wait!” hinigit niya naman yung kamay ko. Inis akong lumingon sa ginawa niya. pero mas naiinis siya, “My gosh.. you are really like that. How can I handle someone like you—“ agad kong binawi ang kamay ko.

“Wala akong oras sa mga kagaya  mo.” napa-pameywang naman siya at naiinis na ginulo ang kulot niyang buhok.

Ang arte! Pwes kung gusto ng babaeng ito ng away—

“I really can’t believe it, girlfriend ka ba talaga ni Ken?! EH! Mas mataray ka pa sa pinakamataray e!!” inirapan ko siya.
“Can you just ask me who I am!? Atsaka.. tigil tigilan mo ako ng pagtataray mo. baka makalimutan kong girlfriend ka ng kababata ko.” nagtaka ako sa sinabi niya. “And also.. you don’t have to introduce yourself. I’ve already made a research for you.”

“SINO KA BA!?” napataas na yung tono ko.
Galit na talaga kasi ako sa sinasabi niya. at sino siya para imbestigahan ang pagkatao ko. Kababata!? Kung si Kenner ang tinutukoy niya bakit kailangan niya akong idamay!?

Nabigla siya.. pero agad ding natawa.

“Hahaha.” Maganda nga siya pero nakakaasar yung mga katulad niya.

She offers a hand, “Veronica Delos Reyes. Kilala ko si Kenner. Actually, we’re a childhood frien—“
“Wala siya dito..” sabay sabat ko ng hindi tumitingin sa kanya.
“I’m not here for Ken. It’s you! Ikaw ang gusto kong makita. And also..” tumingin ako sa kanya. Nandun pa rin yung mga kamay niya. she’s expecting me na makipagshake-hands sa kanya. Duh!


“..I’m your boyfriend’s ex-girlfriend—“ nakangiti niyang sabi.


Tiningnan ko siya ng pinakanakakatakot kong tingin.


“WALA-AKONG-PAKE.” Sabi ko sa pagmumukha niya.

Agad naman akong tumalikod at iniwan ang bruhang yun. Ang kakapal na talaga ng mukha ng mga babae ngayon. tangna!~ Napapamura tuloy ako.

“WAIT!!!”

“That was not my intention!” hinahabol niya ako.


“Actually.. Actually! I’m here to talk about—“ bigla na lang naputol yung sasabihin niya. hindi ko naman na siya nilingon. Siguro masyadong mabilis ang lakad ko kaya hindi na niya ako naabutan. Bukod pa dun.. naka-5 inches heels kasi siya. Talaga naman..


Pero in the end. Wala rin akong nagawa kundi ang makipag-usap sa kanya. Oo, naabutan niya ako. at sinuhulan..


“Hayy.. mabuti na lang naresearch ko rin na madadala ka ng mga ganitong bagay. Pero..” dumating na yung mga order ko. “..sigurado ka ba na mauubos mong lahat ng yan?”
Napangiti ako at tinikman yung pinakamasarap sa mata ko.

Nagtaka naman ako nung bigla siyang tumahimik.

“Go on. I’m not really that hungry.” Parang namang inaalok ko siya no.

“Hey.” Tinuloy ko yung pagkain ko. “Kaibigan mo ba talaga yung Annika?”
“Akala ko ba you make some research for me na.” ginaya ko pa yung boses niya. tumawa naman siya ng sarcastic.

“Whatever.” Ang labo ng babaeng ito. Pero mas Malabo ako.. bakit ba ako nagpadala sa panunuhol niya. dahil lang sa ililibre niya ako. still.. ex-girlfriend pa rin siya ni Kenner. Ayokong mainvolve sa mga kagaya niya..

“Will you stop being friend with that.. Annika.” Sabi niya ng hindi tumitingin sakin. Parang tuloy nawalan ako ng gana.

“You know.. I used to be her bestfriend, too. Once!” naghandgesture pa siya. hindi na lang ako tumingin sa kanya at kumain na lang ako. as if naman na interesado ako sa friendship nila ni—, “At yun ang pinakamaling pangyayari na nangyari sa buhay ko..”
Napatigil ako. at dahan dahan na tumingin sa kanya.

“That’s why I want to talk to you. I want to make sure na magiging okay yung relationship mo with Kenner.

We all know each other since first year highschool. Hindi ko alam ang buong kwento between Kenner and Annika. Pero nung una ko siyang makilala, alam ko na may pagtingin na talaga siya kay Kenner. You know, gaya ko ganon din siya makatingin kay Kenner. “ uminom naman ako ng drinks. Siguro.. interesado na ako.
“Mabait si Nika. I admit it. At nabulag ako ng kabaitan na yun. Hindi ko alam na ang kabaitan na yun.. may hidden agenda.  She.. just want to be friends with me.. dahil gusto niyang maagaw si Kenner ng naaayon sa plano niya.” tagos sa mata ang mga tingin niya. na parang binabalaan niya ako.

“Si Nika.. tapos na ako sa kanya.” Pinaglaruan ko naman yung pagkain ko. Tuluyan ng nawala ang gana ko.


“Then..


Okay lang naman sayo kung pinapunta ko dito yung special guest natin—“ napakakunot ako ng noo sa sinabi niya. parang hindi ako matutuwa sa tinutukoy niya.

“Oh! He’s here—“ agad akong lumingon sa likod namin.

At halos malaglag ang panga ko nung makita nga siya, “Kenner, here!” agad ko naman siyang tiningnan ng ‘WHAT THE HECK IS THIS’ look. Nginitian lang niya ako ng sarcastic.
At bago ko pa ingudngod ang mukha niya sa table namin, nakalapit na si Kenner samin.

Pilit akong yumuko para makapagtago sa kanya.

“Anong sinasabi mo sa text!? Veronica, bakit ba ang kulit kulit mo!?” naiinis siya sa Veronica na yun. Sigurado may ginawa din ang babaeng ito kay Kenner. Nakakainis talaga..

“Hey, Maxine. Will you stop acting like that. Uhm Kenner by the way, don’t worry, we’re friends na.” napalingon naman ako sa sinabi ng Veronica na yun.

“Wala tayong pinag-usapan na ganyan!” napalakas na naman ang boses ko. nagtingin na naman yung mga tao sa table namin. Agh pangalwa beses na’to sa araw na’to.

Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko. kaya agad akong nagtakip ng mukha gamit ang kamay ko. tapos naririnig ko pa yung Veronica na tumatawa.
HTML Comment Box is loading comments...