Hindi ko maialis sa isip ko ang mga expression ng mukha ni Zero. Yung
malulungkot at nagpapanggap niyang mga tingin. Hindi niya alam na may
alam ako sa totoo niyang nararamdaman pero alam ko nasaktan siya sa mga
ginawa ko. sa mga nakita niya samin ni Kenner. Alam kong aware naman
siya sa relasyon namin ni Kenner. Pero ang hindi ko maintindihan.. bakit
kailangan niyang saktan ang sarili niya.
Alam naman niya na kung
sasaktan niya si Kenner.. mas masasaktan ako. Kung gagalitin niya ito..
magagalit ako. alam niya kung gaano ko kamahal yung taong sinasaktan
niya. bakit kailangan sa harap ko pa niya kailangang gawin ang mga bagay
na yun?
“Waa Max! namiss mo ba kami at talagang dinalaw mo pa kami dito sa dati mong school?”
“Sabihin mo te may kailangan ka samin no!”
Tiningnan ko sila Hanna at Kulin ng pinakabored kong look. Mukha lang silang mga tanga.
Pumunta
kasi ako dito sa dati naming school. Mabuti na nga lang pinapasok ako
gamit yung visitor pass. Ang hirap din kasing makalusot sa school na’to.
“Libre mo naman kami!” pangungulit pa rin sakin nung dalwa.
Hindi
ko sila pinapansin at naglakad lakad lang kami. Hanggang sa
makasalubong nga namin yung taong hinahanap ko. Tama lang pala na sa
saktong activity hour ako pumunta.
Binati naman nila Hannah at Kulin si Zero. Tiningnan naman ako ni Zero at lumapit ako sa kanya.
Inayos
niya yung pagkakabitbit sa mga gamit niya, “Hinahanap mo ba si Leo?”
lumingon siya dun sa Engineering building. “Kasali siya dun exhibit.
Mukhang busy—“
“Ikaw ang kailangan ko.” walang pag-aalinlangan kong sabi.
Lumingon naman kami kila Hannah at Kulin. At mukhang gets naman na nila kung anu ang dapat nilang gawin.
Lumabas
kaming campus. Mahirap kasi kung sa loob kami mag-uusap lalo na at
activity hour halos lahat ng estudyante walang klase. Sa isang café kami
pumunta, sabi din kasi niya na nagugutom siya.
“Ikaw anong gusto mo?” umiling ako. wala naman kasi talaga akong gana.
“Isang
Praline Ice Cream para sa kanya.” Napakunot ako ng noo. Pero siya
nagagawa pa niyang ngumiti. “Alam kong hindi ka humihindi sa pagkain
Max.” ang saya niyang tingnan.
Parang nung isang araw lang..
Oo
tama siya.. Siguro nga sapat na yung pagkakakilala niya sakin para mas
maintindihan niya ako. na pwede niya akong idaan sa mga bagay bagay na
gusto ko at kalimutan na lang namin na may problema kami.
Pero hindi ngayon Zero. Hindi ako magpapadala sa kahit na anong bagay. Hindi ako ganon.
“Zero,” tumingin naman agad siya sakin. Soot ang mga ngiting yun. “I’d be honest with you—“
“Sir—“
“Yan na pala ang order natin e.” sabi naman niya. hindi ko natapos yung sasabihin ko.
Hinayaan
ko na muna na ihanda nung waitress yung mga inorder niya. Napansin ko
pa ang pagpapacute nung waitress. Tapos itong si Zero ngiti ng ngiti.
Napapairap tuloy ako ng wala sa oras. Bakit ba kasi ang good mood – good
mood niya. di tuloy ako makatyempo.
“Kumain ka. Masarap yan.” Kahit kumakain nagpapacute siya. anong sa tingin niya ang ginagawa niya.
Wala akong choice kundi kainin yung inorder niya para sakin. Pero bv pa rin ako sa kanya.
Muntik
naman akong maduwal nung sulyapan ko ulit siya. nakatitig kasi siya
habang nakapangalumbaba siya. at nakahalf-smile pa siya. Pacute ang
gago!
“Heto tubig.” Kukunin ko sana.
Kaso bigla kong naalala na baso niya yun. Nagamit na niya yun.
*ubo*
“Anong meron? Iniisip mo ba na isang indirect kiss yun?” mas lalo tuloy akong naubo. Tiningnan ko siya ng masama.
“Zeroun Alcaraz!” napalakas yung boses ko. napatingin tuloy yung iba sa table namin.
Napayuko si Zero pero halata mo na natatawa siya. pinagtatawanan niya ang kahihiyan ko. kasalanan niya ito.
Sa
hiya ko, umiwas na lang din ako ng tingin sa ibang tao. Pumangalumbaba
na lang ako habang nakatingin sa labas. Nawala din naman agad yung
nakakahiyang aura sa paligid ko. Kaya naisip ko na ipasok na yung topic
na ipinunta ko.
“Alam ko na kung anong consequence nung
pagkapanalo ko sa pustahan natin.” Nakita ko naman sa reflection na
napatingin siya sakin.
“Ano—“
“Gusto kong
hayaan mo na lang si Kenner.” Diretsahan kong sabi. Ng hindi tumitingin
sa kanya. Nakita ko naman na tumingin siya sakin dun sa reflection
namin.
Nabigla ako. pero ang totoo.. nakokonsensya ako sa ginagawa
ko. dahil alam kong.. ang unfair sa part niya ng hinihiling kong ito.
Umayos ako ng upo at napayuko ako. magkahawak ang parehas kong mga kamay.
“I’m sorry. Pero ang hiling ko ay ang hayaan mo na lang si Kenner sa mga desisyon niya.” ayokong makita ang reaction niya.
“Max..”
napakagat ako ng labi ng marinig ang boses niya. napakahina nito at
parang may kung anong sakit siyang nararamdaman sa tono ng pananalita
niya.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na akong tumayo at umalis.
Kung pwede lang na tumakbo ako, tumakbo na ako para hindi na niya ako sundan.
“Max!” sumunod nga talaga siya.
Hindi ako lumingon. At hindi rin naman siya lumapit pa.
“May klase pa ako.--”
“Talaga bang gusto mo ang taong yun? Sigurado ka na ba sa kanya? Alam mo ba na.. maaaring masaktan ka lang.. sa kanya..”
Alam
ko yun.. matagal ko na ring naisip ang mga bagay na yan. Alam ko kung
anong klaseng lalaki si Kenner. Na hindi siya gaya ng isang simpleng
lalaki na pinapangarap ko. Sikat siya at madaming nagkakagusto sa kanya.
Masyadong komplikado ang buhay niya. at sigurado marami pa akong hindi
alam tungkol sa past niya. na maaaring wumasak sa pagkatao ko sa
kasalukuyan at sa hinaharap. Na maaaring ang lahat ng tungkol sa kanya
ay hindi ko agad matanggap.
Pero..
Mahal
ko siya. at handa akong tanggapin ang lahat kahit.. mahirap tanggapin
sa simula. Hangga’t walang sapat na rason para hindi ko siya mahalin.
Hangga’t walang dahilan para hindi ko siya mahalin.
Mamahalin at mamahalin ko si Kenner..
“..Nagpapasalamat ako sayo Zero. Please, yun lang ang hiling ko.”
Palagi
akong natatakot pagsinasabi ng tao sakin ang mga salitang yun. Oo,
natatakot ako masaktan. Mas lalo akong natatakot masaktan dahil mismong
taong hindi ko naman nagustuhan nung una ang minamahal ko. Natatakot
akong masaktan ng taong hindi ko naman talaga ginustong mahalin.
Pero
iba na ngayon, minahal ko na talaga siya. at handa na rin akong
masaktan para sa kanya. Dahil naniniwala ako.. na tama ang desisyon ko.
Tama naman diba na mahalin ko siya?
hindi
naman ako sasaktan ni Kenner at iiwan na lang basta sa ere. Hindi niya
yun magagawa sakin dahil napatunayan na niya sakin paulit ulit kung
gaano niya ako kamahal.. Kahit si Kenner Cabrera pa siya. kahit paulit
ulit akong binabantaan ng lahat ng tao na masasaktan lang ako sa kanya. May tiwala parin ako saming dalwa.
“Hey, Max--!!!” napalingon ako sa biglang tumawag sakin.
Isang babaeng parang ngayon ko lang nakilala. At nakita dito sa campus namin.
Nilimot niya yung bola at agad na lumapit pero nilagpasan naman ako.
“Hey
the both of you~” nakita ko siyang nakikipaggerahan dun sa mga taga
football player. Sigurado ako na siya yung tumawag sa pangalan ko.
O di kaya.. Max din ang pangalan nung isang lalaking sinisigawan niya.?
At dahil wala naman talaga akong pakealam. Umalis na lang ako. uuwi na dapat kasi ako--
“Ah—Wait. WAIT MAXINE PEDROSA!!” naiinis akong lumingon ulit for the second time.