1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 65

"Bakit?" tumingin ako sa kanya ng nagtataka.

"Anong bakit?"

Tinitigan naman niya ako. Yung mga titig na nakakatunaw. Bigla tuloy nag-init ang mukha ko. Kaya agad akong umiwas--Pero bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Nanlaki naman ang mata ko sa sobrang kaba. Hindi ako makawala sa mga titig niya.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot akong marinig niya yun. Gusto ko siyang itulak.. pero di ko magawa..

"Bakit mo ginawa yun?"

Napakasincere ng mga tingin niya. Parang unti- unti akong tinutunaw ng mga tingin na yun. Ang malakas na kabog sa dibdib ko..

"..dahil nagseselos ako. Dahil ayokong mawala ka sakin. Dahil mahal kita Kenner." Sabi ko ng pabulong. Hindi ko pa rin inaalis ang mga tingin ko sa mga mata niya.
Nung bigla siyang ngumiti. Pakiramdam ko tuloy nagkulay kamatis ang mukha ko kaya agad akong yumuko.

"Wag mo itago. Gusto kong makita ang mukha mo."  sinunod ko naman ang sinabi niya. I try to be calm. Nagtitigan kami.

Napayuko naman siya. Tapos tumingin ulit sakin. Napansin ko ang pamumula din ng mukha niya.

Nang hindi inaalis ang mga tingin, sinabi niya ito, "Sobrang saya ko." parang may biglang kumurot sa dibdib ko.



Nung masulyapan ko naman di kalayuan sa likod niya si Madison. Nakatingin siya samin. Napansin siguro yun ni Kenner kaya napalingon din siya. Napansin ko naman ang biglang pagbabago ng expression ng mukha ni Madison. Napatayo kami parehas ni Kenner.

“Uhm.. Kenner. May.. fan signing event pa tayong dapat puntahan.” May pagkailang sa mga tingin na yun ni Madison. Dahil siguro sa nangyari kanina.

Sinungalin ako kung sasabihin kong hindi ko yun ginusto. Pero alam ko na madaming nagalit. At sigurado may nasira ako sa career ni Kenner dahil sa ginawa kong yun. Gumawa ako ng palabas na pwedeng ikapahamak niya.

“Hindi ako makakapunta, Madison.” Inabot ni Kenner ang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit.
Nabigla ako sa ginawa niya. pero nakita yun ni Madison. Kita ko ang sakit na naramdaman niya sa kanyang mga mata. Ngumiti siya ng matipid at hinayaan na lang kami ni Kenner.

Napayuko si Kenner.

Naisip kong bitawan ang kamay niya at sundan si Madison. Dahil naisip ko nung mga oras na yun na mas gusto naman talaga niyang umattend ng fan signing event na yun.

Nagulat na lang ako nung pigilan niya ako at.. bigla na lang niya akong niyakap.
Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Sorry.. sorry sa mga nasabi’t nagawa ko.” ang init niya. at ang bango pa..

Binitawan din naman agad niya ako, “Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya.”


He run his finger through his hair nang hindi tumitingin sakin,  “Finally! Finally, tumingin ka din sa akin. Finally, wala na akong dapat katakutan. All this time, napakainsecure ko. kasi natatakot ako na mangyari ulit satin ang nangyari noon.  Natatakot ako.. na kamuhian mo ako sa mga magagawa ko sayo. Finally..” napakasincere ng mga mata niya. at talagang nagwoworried siya.



“Finally, mahal mo na nga talaga ako.” nagtama ang mata namin.

Mabuti na lang tama ang naging desisyon ko. mabuti na lang at hindi ko siya sinukuan. Mabuti na lang.. naging honest ako sa sarili ko. I really can’t afford to lose him. May tiwala ako sa kanya. Tama lang naman yun diba? Pwede naman na.. maniwala ako NA SIYA NA TALAGA.

Ngumiti din naman siya. Hinawakan niya ako sa mukha at hinalikan niya ako sa noo. Napahawak ako sa braso niya. Magkalapat ang mga noo namin. Nagsteady lang kami sa tayong yun. Habang pikit siya.. tinititigan ko naman siya.


“I love you..” minulat niya ulit ang mga mata niya.

“Mahal din kita, Kenner.” Hinalikan ko naman siya. Inalis naman niya ang pagkakahawak sa mukha ko. at hinawakan ako saking braso.


Napahawak naman ako sa dibdib niya.

Ito na ata ang pinakamasarap na halik na naramdaman ko sa kanya. Dahil alam ko.. alam namin.. mahal namin ang isa’t isa.

Tumunog yung phone niya pero hindi kami natigil sa ginagawa namin. Hinawakan niya ulit ako sa mukha, sinabayan ko naman siya sa mga halik niya. Napakagentle ng mga halik niya. hindi ito kagaya nung gabing yun..

Muling tumunog yung phone niya.

Hinawakan ko na siya sa kanyang braso. At tumigil naman siya.

Parang biglang nag-init yung mukha ko nung bitawan niya ako. pinakealaman naman niya yung phone niya. hindi ko alam kung anong klaseng message ang natanggap niya. pero biglang nagbago yung facial expression niya. nakakunot ang noo niyang tumingin sakin.

Nagworry ako lalo na nung sinabi niya na, “Si Papa. Gusto niya akong makita. Urgent daw.”


Sinamahan ko si Kenner sa pagpunta sa kompanya ng kanyang papa. Naghintay ako sa kanya sa may lobby. Sabi niya madali lang yun. Pero naiintindihan ko naman kung hindi. Matagal silang hindi nagkita at sigurado akong madami silang dapat pag-usapan.
Mas lalo akong nag-aalala kay Kenner. Yung mga mata niya.. may halong galit at takot. Dahil lang.. makikipagkita siya sa Papa niya. hindi ko pa naririnig kay Kenner ang totoong kwento ng pamilya niya. ang saloobin niya sa mga nangyayari. Pero ramdam ko yung lungkot sa tuwing nababanggit niya ang tungkol sa pamilya niya.

At alam kong kailangan niya ako sa tabi niya.

Lumipas ng 20 mins. Naramdaman ko naman na may papalapit sakin, paglingon ko—

Parang nadisappoint ako sa nakita ko at the same time nabigla na makitang nandito siya. Pero hindi ko na nga pala dapat mabigla, dahil nasabi na niya sakin ang totoong kaugnayan niya sa mga Cabrera.
“Nandito ka.” Sabi ni Zero. Umayos naman  ako ng tayo.
Umupo naman siya sa tabi ko.
“So anong kahilingan mo?” kinurot niya ang pisngi ko habang nakapangalumbaba siya. Nainis ako sa ginawa niya.

“Max.” agad kong narinig yung tumawag sakin. Kilala ko ang boses na yun kaya agad akong lumingon at lumapit sa kanya.
Hinawakan ko siya sa kamay mas hinigpitan naman niya. Nakita ko pa.. na napatingin si Zero sa mga kamay namin ni Kenner.

“Sabi ko na nga, nagkita na tayo noon.”
“Talaga?” nakatingin parin siya sakin. “Hindi ko maalala e.” pagkatapos tiningnan niya ng maangas si Kenner.
Ramdam ko ang intense sa pagitan nilang dalwa.
“Tanga ka ba? Bata pa lang tayo nagkikita na tayo.” Naaasar na sabi ni Kenner.
“Wag kang magsinungalin Zero!” hinawakan ko ang kamay ni Kenner ng pareho kong kamay. “Kilala mo talaga si Kenner..” sabi ko naman.
“Yeah. The most popular guy in town. The dance floor ace.” Pang-asar siyang ngumiti. “Pero joke lang! Oo naman. Utol ko yan e!” ang angas talaga!

“So sinabi na rin ba sayo ni Papa.” Aalis na sana kami nung magsalita ulit siya. “..Unfair naman ata. Ako ang magmamana ng kompanya. Ako ang nag-aaral para patakbuhin ito balang araw. Kahit ang totoo.. hindi ko naman ito gusto.”

Lumingon kami ni Kenner. Tiningnan naman ako ni Zero.. may hinanakit sa mga mata niya. hindi ko alam kung bakit ganyan siya makatingin. Gayong wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi nila.

Binaleng niya ulit ang tingin kay Kenner. “Kung humiling kaya ako kay Papa ng isang pabor. Kaya niyang gawin ang lahat. Alam mo naman yun diba?
Paano kaya kung..” tumingin ulit siya sakin.

“Kung hilingin ko kaya kay papa na papiliin si Max. Ikaw. Pero ikaw ang papalit sa pwesto ko ngayon. O ako. at aakuin ko lahat ng responsibilidad ko kay Papa. Pero.. sakin si Max.” hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Zero.

Nabitawan naman ako ni Kenner at kuyom ang mga kamao niya. mukhang naiinis na talaga siya kay Kenner. Kaya tiningnan ko si Zero.. ng masama. Nagbago naman ang reaction niya.


“Hindi kailangang mamili ni Max. Dahil gagawa ako ng paraan para hindi siya maipit sa problema nating ito.” Napatingin naman ako sa kanya nung sabihin niya iyon. Ilang beses ba niyang ipaparamdam sakin kung gaano niya kamahal? Ilang beses din ba dapat akong magpasalamat.. dahil sa pagmamahal na binibigay niya..

“Hahahaha! Nagjojoke lang naman ako.” agad naman siyang tumalikod.

“..Kaibigan ko pa rin si Max.” biglang nagbago yung tono ng pananalita niya. “ Ayoko rin siyang nasasaktan. .” umalis naman siya.

Hindi ko alam kung bakit kailangan gawin ni Zero ang mga bagay na’to. Sa harap ko at sa harap ni Kenner.

Aware ako sa nararamdaman niya para sakin. Kaya mahirap para sakin na gawin sa kanya ang mga bagay na’to. Na ipamukha sa kanya ang totoo kong nararamdaman. na naiinis ako.. pag sinasaktan niya ang taong napakaespesyal sakin. Alam ko ang pakiramdam niya. Masakit ang ginawa ko.


Pero sana maintindihan din niya.. na sa pagitan nila. Hindi ako pwedeng mamili. At kung mamimili man ako. Obvious naman kung sino.
HTML Comment Box is loading comments...