1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 64

Ni-try ko paulit-ulit na contact-kin si Kenner sa phone niya o kahit sa mga kaibigan niya tuwing may time ako. Hindi naman ako makapunta ng studio dahil may biglaan pre-lims ang buong engineering department. Masyadong naging hectic ang schedule namin. Ganon pa man.. hindi talaga siya nagpaparamdam sakin. He is really damn serious!

Galing akong convenient store. Parang nawala ako sa sarili nung marinig ko yung mga usapan na mga highschool students na nakatambay dun. Pinag-uusapan lang naman nila yung tungkol sa mall tour ni Kenner ngayong araw na’to. Oo, alam ko na may mall tour ngayon si Kenner. At ang masakit.. wala akong lakas ng loob para panoorin siya.
Sigurado madaming tao dun.. hindi naman niya ako mapapansin.

Gusto ko na lang na kalimutan ang lahat ng ito. Pero kahit ata magpanggap ako na okay lang ang lahat parang hirap na hirap ako. ngayon ko lang hindi magawang magpanggap pagkatapos ng lahat ng hirap ko..

“Waah..” nagtatakbuhan na yung mga tao. Umuulan pala..

Nasasagi pa ako ng mga taong ito habang nagtatakbuhan sila. Parang walang tao sa harap nila kung makasagi sila ng ibang tao, makahanap lang sila ng masisilungan. Napakawalang pakealam talaga ng mga tao..


“Ah.”
Nabigla naman ako nung biglang may yumakap sakin at umikot kami. Nabasa siya ng malaking talabsik ng tubig dahil sa malaking truck.

Pagtingin ko sa taong yun, “Marjohn?”
Nagtaka  ako kung bakit nasa harap ko siya. at naweweirduhan talaga ako sa mga pinaggagagawa niya sakin.

“Bakit hindi ka tumitingin sa paligid mo? m-Muntik ka ng—“ tumingin siya sa likod namin. Tinutukoy niya yung nangyari kanina.
Agad naman niyang kinuha yung payong at pinayungan niya ako. Pero tinampal ko yung kamay niya.

“Wala na yang kwenta. Nabasa na ako.” umalis naman ako.


“Ibig mong sabihin, wala na ring kwenta na ipaglaban mo siya dahil sumuko na rin naman siya!” tumigil ako sa paglalakad.
“Sinasabi mo, na wala ka ng pakealam kay kenner dahil wala na rin naman siyang pakealam sayo! Ganon ba yun!?” lumingon ako sa kanya. At oo, natamaan ako sa mga sinabi niya.


"Kung ako ikaw.. hindi ko siya pakakawalan, dahil mahalaga siya sakin.” Hinawakan niya yung dibdib niya. “..at dahil alam kong hindi ko kayang wala siya.” sa mga sincere na mga mata niya parang unti-unting tinatamaan ng kung ano ang puso ko. Ang sakit sakit.. hindi ko namalayang umiiyak na ako.

"Tama ka. tama ka.." napayuko ako. ang sakit sakit sa pakiramdam.

Ngayon ko lang narealize ang lahat. ang tungkol sa katangahan ko. ang kaduwagan ko. ang unfair-unfair ko talaga.

"Max.."

Hindi ko mapigilan yung mga luha ko. iyak lang ako ng iyak. Mabuti na lang umuulan..
hindi ko alam kung kailan yung huling umiyak ako ng ganito. ang sakit sakit sa dibdib. ang sikip sikip. gusto ko ng tumigil.. pero parang ayoko pa rin..

kasalanan ko ang lahat ng ito. sinasaktan ko ang taong mahal ko. Bakit hindi ko magawang magpakatotoo pagdating sa kanya? Bakit hindi ko minsan lunukin yung pride ko?.. ano bang kinatatakutan ko.. palagi ko na lang sinasaktan ang taong yun..

"s-Sandali saan ka pupunta." napatigil naman ako.

"Tama ka. Kung mahal ko siya.. hindi ko hahayaang pakawalan ang taong yun." Lalo na kung mahal din naman talaga ako ng taong yun.

Umalis din naman agad ako.

Ang alam ko may mall show sila.

Hindi ko alam ang una at tamang gawin. Ngayon na ang bigat bigat ng nararamdaman ko. yung mga ngiti ni Kenner.. hindi ko maimagine kung ilang beses ko na bang nasaktan ang taong yun. Kung ilang beses na siyang nasaktan ng kaduwagan ko. kung ilang beses na akong tumakbo sa kanya.. dahil sa katangahan ko. sobra sobra kong nasasaktan ang taong labis na nagmamahal sakin. bakit hindi ko yun makita? bakit hindi ko nagawang suklian ang pagmamahal na yun. bakit palagi na lang akong nanahimik.. Sa lahat ba ng nagawa ko, napasaya ko na ba siya? Hindi ko alam.. at ayokong malaman.

Ayoko ng makita ang taong ito na masaktan.


Ayokong mawala siya sakin..


"Waaaaah sila ba?"
"bagay silang dalwa!"
"oh my gosh is this for real!"
"Go ms. Maddy!"

Ang daming tao.. naghihiyawan sila.

Nakita ko naman si Kenner. may babaeng papalapit sa kanya.. ang babaeng yun.. may dala siyang bulaklak at mukhang kay Kenner niya ibibigay ito. Si Madison.

"Ano ba!"
"Hoy miss mag-ingat ingat ka nga!"

Nakangiti silang parehas. bakit nakangiti ng ganyan si Kenner? masaya ba siya sa piling ng babaeng yan. naiinis na ako sa sarili ko! hindi ko na alam ang pinagsasabi ko! pero..


"Miss! Bawal dyan!"

Ayokong nakikita siyang ngumingiti ng ganyan sa ibang babae--


"KENNER!!" tumingin siya sakin. masyado atang napalakas ang boses ko.

hindi ko napansin may dalwang guard na sa harap ko. nawala ata ako sa sarili at hindi ko na maalala kung bakit ako napunta dito. dito sa harap ng maraming tao..

"Max.." nabasa ko ang mga labi niya. tinatawag niya ako.

May dumaloy na luha sa mukha ko. Hinayaan ko naman ang mga guard na palabasin ako.


Aalis na lang ako..

Hindi naman talaga ako nababagay sa kanya..


"SANDALI!!--" binitawan nila ako nung sumigaw siya.

Nung nasa harap ko na siya-- Bigla akong lumapit sa kanya. Hinigit ko ang collar niya at hinalikan siya.

*sob*

Umiiyak pa rin ako.


Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Niyakap ko naman siya. at sa mga tainga niya.. binulong ko ang mga katagang yun.


"I'm sorry. Pero mahal na mahal kita.. at hindi ko hahayaang gawin mo ito sakin. hindi kita pakakawalan.."



Just a seconds after..


Niyakap niya ako.

Doble ng yakap ko.


Mahal na mahal ko talaga ang taong ito.


Lalo na nungmaramdaman ko ang mga luha niya sa balikat ko.
HTML Comment Box is loading comments...