1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 63

Galit ako.

Badtrip ako.

At kasalanan ito ng iisang tao lamang..

Hindi ko kinakausap sila Kim at Roxie. Nagtatanong sila kung anu daw ba ang nangyari pero hindi ako umimik. Mas mabuting wala silang alam. Nagfocus ako sa mga bagong lessons pero iniisip ko rin ang plano ko sa taong kailangan kong makausap ngayong araw na’to. Kailangan ko na din tapusin ang problema ko sa isang iyon. Hindi ko na talaga kayang magtimpi at balewalain na lang ang ginagawa niya. kailangan siyang bigyan ng leksyon..
Hindi niya alam.. kung gaano kahalaga sakin ang ginawa niyang pagkakamali.

“Hahaha kaya nga kaya nga!”
“Tapos eto pa, alam ninyo ba yung si Lizette na taga Tourism department. Buntis daw!”
“hahaha. Akala mo talaga kung sinong magaganda ang mga tourism na yun, mga pokpokin naman!”

Natigil ang usapan nila nung sa wakas.. napansin din nila ang presensya ko. Puro sila chismisan at siraan sa mga taong wala namang ginagawang masama sa kanila.

“Anong ginagawa mo dito?!” pataas na tono nilang sabi.
“Ang yabang mo ah!” nagsitayuan sila at nagmatapang na hinarangan ako.

Tiningnan ko lang sila sa mga mata. Nakipagtitigan sila sakin pero sa huli sumuko din sila. Tinaasan nila ako ng kilay at nagcrossed arms sila.

“Hindi kayo ang kailangan ko. nasaan si Nika?” nagtaka naman sila sa tanong ko.

Pagkatapos sabay sabay silang nagtawanan.
Na parang nakikipaglokohan ako sa kanila. Ginagawa nilang lokohan ang pagpunta ko dito. Pinagtitripan nila ako.

“At sino ka naman para—“ tumigil sila nung tingnan ko sila ng masama.
Nagmatapang pa rin sila, “Hoy, kung akala mo madadaan mo kami sa pagtingin tingin mo ng masama—“ lumapit ako dun sa nagsalita at nilapitan ko siya sa mukha.
Sinabi ko ito mata sa mata, “Kung hindi ka sasagot, wag kang magsasalita ng mga walang katuturang bagay.”  Hindi siya makakurap.
“Hindi ako makikipag-away sa inyo. Physically. Pero ito ang sasabihin ko sa inyo.” Lumapit ako sa isang table. At hinampas ito ng malakas, “Pag di ninyo ako sinagot,” tiningnan ko sila isa-isa.

“Isa-isa kong ilalabas ang mga baho ninyo.” Pinakita ko sa kanila yung mga pictures sa phone ko. mga pictures nila. at mga baho nilang ginagawa.

“p-Paano ka--!? Sinasadya mo ba ito!?” hindi ako nagsalita. Naghihintay ako ng sagot.


“Nasa 4th floor siya. may klase pa kasi si Nika!” nagsalita yung babaeng nasa likod nila. magkasalubong yung kilay niya at halatang naiinis sa mga ginagawa ko. sa una palang inis naman na sila talaga sakin. Lubusin ko na lang diba.
Tumalikod naman ako at umalis.

“Hey, idelete mo yung mga pictures!”  lumingon ako sa kanila at bineletan ko sila.

Naaasar sila sakin. Pwes mas naaasar ako sa kanila. Nakuha ko lang naman kasi yung mga pictures na yun sa phone ni Marjohn. Nakita ko yung mga pictures na yun at balak ko lang talaga na isumbong sila sa dean. Mga pasaway na estudyante.

Pero mas magaling talaga yang si Nika. Nagagawa niyang makapagtago sakin pagkatapos ng gulong ginawa niya. hindi ko talaga siya mapapatawad.
Pumunta ako ng 4th floor. Nilibot ko yung buong floor pero walang ni isang bakas ni Nika akong nakita. NAIINIS NA TALAGA AKO!!

Akala ko susuko na ako, magtatime na kasi. Naghagdan na lang ako pababa, at kung sinuwerte ka nga naman.. dun ko siya natagpuan.

“Nika.” Tawag ko sa kanya. Pero dire-diretso lang siya sa paglalakad.
Sa inis ko na talaga, hinigit ko yung braso niya. tiningnan ko siya ng masama.
Ngumiti siya ng pang-asar, “Ow Max. may kailangan ka?”
“Annika, hihintayin ka pa ba namin.”
“OO! Wait lang! madali lang ang isang ito.” Tinaasan niya ako ng kilay. Mas lalo lang nag-iinit ang dugo ko.

Inalis niya ang kamay ko sa braso niya. at tinitigan ako sa mga mata.

“Bakit Max, nangyari na ba yung karma?” thump.. may kung anong kumirot sa dibdib ko. naalala ko na naman ang nangyari.
“Alam mo, hindi ko naman kasalanan kung talagang manloloko ka. Manggagamit. At talagang mapagsamantala. Akala mo kung sino kang maganda, na ano.. porke Ken Cabrera ang nagkakagusto sayo kahit sinong lalaki kaya mo? Max.. binalaan kita.” Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpakaapekto sa mga sinasabi niya.
Pero bakit namumuo yung mga luha ko.

Walang katotohanan ang mga sinabi niya.

“Let’s g—“ hinigit ko ulit siya sa braso.

“Hindi pa ako nakakapagsalita.”

“Nika? May problema ba?”
“Mauna na kaya kami. Malelate na kami e.”

Naiinis na tumingin sakin si Nika. Iniwan na siyang tuluyan nung mga kasama niya. tinulak niya ako.

“SO ANO!? ANO BA YUNG GUSTO MONG SABIHIN!” magkasalubong yung mga kilay niya.

“Ikaw pa itong.. may ganang mainis. Sa tingin mo.. sa ating dalwa sinong sirang sira ngayon. SINIRAAN MO AKO KAY KENNER SA MGA BAGAY NA WALA NAMAN TALAGA AKONG GINAGAWANG MASAMA!” pumantay ako sa kanya.
Nabigla siya sa pagkakasigaw ko. Hinawakan ko naman braso niya ng mahigpit. Halatang nasaktan siya, “Anong kasalanan ko sayo Nika at ginaganito mo ako?! ano ba talagang pinuputok ng butchi mo at masyado kang affected sa pakikipagrelasyon ko kay Kenner?—“ tinulak naman niya ako.


Nangingilid ang mga luha niya.

“Tinatanong mo ako kung anu?” tuluyan ng pumatak ang mga luha niya. “Inagaw mo lang naman ang lalaking.. matagal kong hinintay. Ang lalaking gustong gusto ko.. BAGO KA PA MAN DUMATING SA BUHAY KO!!”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

“Bago pa kita makilala. Bago mo pa siya makilala. Kilalang kilala ko na si Ken.. Gustong gusto ko na si Kenner noon pa lang!.

Ang dami kong ginawa, mapansin lang niya ako. kahit ang paglunok sa pride ko. ang paggawa ng labag sa loob ko. at agawin siya.. si first girlfriend niyang si Veronica! Tapos.. tapos sayo lang siya magkakagusto..
Sayo lang siya magpapakatanga ng ganito. Anong nagawa ko at bakit hindi sakin? Halos ginawa ko na nga ang lahat para sa kanya. Nasa akin na siya noon e.. pero anong dahilan.. bakit..”


Nagsala ang mga paa niya kaya bigla siyang nadulas.



Nakaramdam ako ng awa. Tutulungan ko sana siya, pero hindi ko nagawa..


Dahil alam kong mali pa rin ang ginawa niya. ako ang nasaktan dito. Si Kenner ang nasaktan dito.


“Hindi mo siya talaga mahal.” Umiiyak siya. tiningnan naman niya ako ng masama. Masama na parang papatayin niya ako sa nasabi ko.


“Anong alam mo sa pagmamahal Max! normal bang maituturing na nakikipagkita ka pa rin sa ex-boyfriend mo habang wala yung boyfriend mo!? pagmamahal bang maituturing na nakikipagflirt ka sa ibang—“ nasampal ko siya.

“Alam mong hindi  yan totoo. Kaibigan ko kayo ni Leo, kaibigan ko siya bago pa maging kami. Kaya bakit ko iiwasan ang isang kaibigan. Kahit ex-boyfriend ko siya, hindi yung rason para lokohin ko si Kenner. Hindi yun naging rason para punan ni Leo ang pagkawala ni Kenner. Aaminin ko ang hirap hirap na wala si Kenner. Pero hindi ko mababago na si Leo.. isa siya sa mga tao.. na humubog sa pagkatao ko. hindi ko basta mapapakawalan si Leo. Dahil naging parte siya ng buhay ko. malaki ang utang na loob ko sa kanya.” Napayuko siya habang umiiyak pa rin.


“Hindi mo alam kung paano magmahal ng totoo, dahil ikaw mismo hindi mo kayang pasayahin yung taong mahal mo. paulit-ulit. Paulit-ulit mong sinasaktan si Kenner sa mga bagay na akala mo makakasakit lamang sakin.” Umalis naman ako.

For the last time, nilingon ko siya. iyak pa rin ng iyak si Nika. Hindi ko talaga akalain na may ganitong side pala sa personality niya. Siguro nga.. hindi na kami maaayos pa.
HTML Comment Box is loading comments...