1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 62

‘Kenner, pwede ba tayong magkita ngayon. Please, atleast just for today.’
‘Pease textback kung free ka. Kailangan talaga na magmeet tayo ngayon.’
‘Kenner, anu ba?’

AGH!!! Binato ko yung phone ko sa kama. Mangiyak ngiyak na ako sa inis. Sunod sunod ko na siyang tinetext pero kahit isang reply hindi niya magawa. Ngayon pa lang sinasabi ko na, ito ata ang unang pagkakataon na nahirapan akong manuyo ng isang tao. Parang lang akong nagwalis na bukas naman ang electri fan. Nakapawalang kwenta!
Napakaimpatient ko, aaminin ko. lalo na kung ikukumpara ko sa panunuyo niya sakin noon bago ko siya matutunang mahalin. Pero parang kasing nakakawalang gana na, naiinis na ako dahil masyado na akong napapagod at nasasaktan. Kahit na wala pa ito sa mga naranasan niya nung saktan ko siya at pahirapan noon.

From:”0915—
Max, sorry daw. Pero busy kasi kami sa pagpapractice sa nalalapit naming tv guesting. :))

Sa mga kaibigan na naman niya siya nagpapatext. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya.

Masakit na nadisappoint ako sa ginagawa sakin ni Kenner. Kaya nahihiya akong humarap kila mama.

“Anu?! Ano bang klaseng boyfriend—“ tumigil naman si mama nung tingnan siya ni papa.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila. Naiintindihan ko naman kasi si mama, nadidisappoint siya. alam na niya ang tungkol samin ni Leo. Siguro nag-expect siya na mas okay kay Leo ang ipapalit ko.
Nagwalk-out si mama.

“Naiintindihan ko.. kung busy siya.” naramdaman ko ang pag-pat ni papa sa balikat ko. ngumiti ako ng matipid pero alam ko na nakita ni papa ang lungkot sa mga mata ko.


“Siya yung lalaki na nakatira dyan sa may apartment, hindi ba?” nabigla ako sa tanong niya.

Bigla akong napaisip kung paano nalaman ni Papa ang tungkol dito. Minsan lang naman umuwi si Kenner dito kaya napakaimposible na maabutan nila si Kenner. O di kaya.. sinusundan nila ako—

“Nakita ko kayo nung umagang yun na magkasamang lumabas dyan sa apartment. Nung gabing.. nagpaalam ka na hindi ka makakauwi.” Napahawak ako sa bibig ko.

Umiling-iling ako, “Pa, maniwala ka. Wala kaming—“
Ngumiti siya. “May tiwala ako sayo, anak. Pero sana.. naiintindihan mong mabuti ang ginagawa mo. ang mga magiging consequences ng lahat. Hindi lahat ng bagay Maxine ay nagagawan ng paraan. So you better decide carefully.”

Dahil sa mga sinabing yun ni Papa, mas nagkameron ako ng lakas na loob at magkameron ng dahilan para harapin si Kenner. Ayoko ng patagalin ang hindi naming pagkakaintindihan. Kung ayaw niya akong harapin, pwes ako ang haharap sa kanya.

Nagkakatuwaan sila noon ng mga taga psyren sa studio, nakaupo silang lahat. Tiningnan niya ako pero agad ding umiwas. Lumapit ako sa kanya pero tumayo siya at umalis. Pero hindi ko siya hinayaan at hinawakan ko siya sa kamay.

“Kausapin mo ako. Please wag mo akong talikuran.” Nakaramdam ang mga kasama niya at iniwan kami. Tinapik siya sa balikat ng iba niyang mga kaibigan.
May alam din sila sa problema namin.

“Anong problema?” hindi siya nagsalita.

Sa inis ko, hinarap ko siya at hinampas sa dibdib niya. “Ano ba kasing hindi ko alam at nagkakaganito ka!!” napasigaw na ako. nangingilid na yung mga luha ko.

Tiningnan niya ako sa mga mata. Yung mga nakakatakot na tingin na naman na yun.

“Gusto mong malaman kung anong problema natin?” malumanay niyang sabi. Tumango ako. umiwas siya ng tingin at galit na galit talaga siya.

“Pilit kitang iniintindi..

Pilit kong sinasabi na wala lang yun. Mga pictures lang yun.

Pero ikaw. Ikaw!!” may poot ang mga mata niya.

“Ikaw na mismo ang nagpapakita ng ebidensya na dapat kitang kamuhian!!!” mas naunang pumatak ang mga luha sa mga mata niya. kaysa sa mga luha na kanina pang namumuo sa mga mata ko.

“Pilit akong nagbibingi-bingihan sa sinasabi ng iba. dahil ang gusto ko lang naman.. ang mahalin mo ako. hindi ko hiniling na mahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sayo. Ang gusto ko lang Max, wag mo akong lokohin.

WAG MO AKONG GAGUHIN!” nabigla ako sa ginawa niyang pagsigaw. Natakot ako sa kanya.

Yung mga nagbabadya kong luha parang bigla na lang nawala. Mas nanalaytay ang takot kaysa sa sakit.

“Sabi ng iba, marami pa naman dyang iba. bakit ikaw? Ano bang meron sayo? Pero alam mo ang lagi kong sinasagot.. Ikaw lang. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw ang nagustuhan ko ng ganito!At sana makita mo yun, dahil wala naman akong ginawa sa iba, na ginagawa ko sayo. Ito ang unang pagkakataon na nagmahal ako ng babaeng hindi ako nagustuhan bago ko pa siya tingnan.

At ito rin ang unang pagkakataon, na ginago ako ng isang babae.” Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.

“Gusto mo ng ebidensiya. Pumunta ka sa apartment ko. nandun yung gift sakin ni Nika nung birthday ko. dapat ko daw kasing malaman ang katotohanan. Pero kahit wala naman yung ebidensiya na yun. Paulit ulit! Paulit ulit kong nakikita ang katotohanan.

Ang pagsisinungalin mo na nasa bahay ka. Pero ang totoo nasa sinehan ka kasama ni Leo! Kahapon, sinundan kita dahil nag-aalala ako sayo pero sa kanya ka pala tatakbo. Kay Leo. Tapos galing pa siya sa bahay ninyo. At lalo na.. nung mga panahon na wala ako.

Nung mga panahong wala ka sa tabi ko, ikaw lang yung palaging laman nito. Nito!” tinuro niya yung isip at puso niya.

“Pero ikaw.. siya ang kasama mo. YUNG EX-BOYFRIEND MO!” unti-unting nadudurog ang puso ko.


“Wag na tayong maglokohan, Max. Once again, hinahayaan na kita. Please.. ayoko na lang masaktan.” Tinalikuran niya ako. at umalis siya dun sa studio.

Tumatak ang mga salitang yun.


Siya mismo ang may gusto nito.

Siya mismo ang nagsabi ng mga katagang iniiwasan ko. kinatatakutan ko.
Bakit para sa kanya madali lang bitawan ang mga salitang yun pagkatapos ng lahat? Hindi ba niya alam kung anung mga isinakripisyo ko para sa kanya? Hindi ba niya naisip na maaari naman na may dahilan ako sa mga bagay na yun? Bakit.. hindi man lang niya nagawang magtiwala sakin?

Bakit ang hirap naman nito..

Wala naman talaga akong gingawang masama. Magkaibigan lang kami ni Leo. At ang gusto ko lang.. ay ang mas nakakabuti para saming dalwa.

*sob*
Iyak ako ng iyak sa kwarto ko. dapat matutulog na ako. pero hindi ko kaya.. paulit ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi ni Kenner. Sobrang sakit. Ang sakit sakit talaga ng mga salitang yun dahil sa kanya mismo nanggaling, sa taong mahal ko mismo yun nanggaling.

Napaub-ob ako sa mga braso ko na nasa tuhod ko. naramdaman ko naman na nagbukas ang pinto, pagtingin ko nakita ko si mama.

“Max—“ nagbago yung facial expression niya at nag-alala sakin. “Hija!” agad kong tinago ang mukha ko. lumapit naman si mama sakin.
Hinaplos haplos ni mama ang likuran ko. mas lalo ko lang tuloy naramdaman yung sakit.

Hindi umalis si mama sa tabi ko hanggang sa maging okay ako.
HTML Comment Box is loading comments...