“WOAAAHH!!!”
Naisip naming dumaan nila Kim at Roxie sa
gymnasium pagkatapos ng klase namin para manood ng mini concert ng
thespian para sa mga bagong students. Hindi ako nakasali dahil sa mga
quizzes namin at sa hectic na schedule namin. Pati.. ayoko rin sumali.
Ginawa ko lang dahilan yun.
Balita ko per sem may mga program ang
thespian para sa mga bagong students. Last sem nagkataon lang na meron
dahil sa dami ng transferees at mga freshmen dahil sa mga bagong course
na binuksan ng school na’to.
Naalala ko tuloy nung ako
yung nasa pwesto nung mga estudyanteng nakaupo sa gitnang yun. Mas
malakas ang hiyawan nun. At iisang pangalan lang ang malimit isagaw ng
mga tao. Pero ngayon.. ibang iba. humihiyaw sila dahil nag-eenjoy lang
sila sa mga performance nung mga nasa stage pero hindi dahil sa mga
taong nagpeperform na yun.
“Max, tara cr tayo?” umiling naman ako.
“Kayo na lang.”
“Okay.”
Binalik
ko na lang yung atensyon ko dun sa pinapanood ko. nakakaenjoy din
palang manood ng mga ganitong program. Dahil siguro kabilang ako sa
grupo na yun. Ito rin kasi ang first time na mapabilang ako sa ganitong
klase ng organization. Alam ko yung hirap at pagod namin dito sa event.
Sa pagpili ng mga kakantahin. At sa mga sasayawin nila. hindi nga ako
nagperform. Pero isa rin ako sa naghirap sa pagbuo ng event na’to. Kaya
siguro ang sarap sarap sa pakiramdam na panoorin sila.
Sayang lang siguro na hindi ako kasali? Pero hindi ko rin naman alam ang gagawin pag nandun na ako.
“Ang galing..”
Narinig kong nagsalita yung katabi ko. napangiti tuloy ako.
“Pero bakit hindi ka kasali?” lumingon naman ako sa isang familiar na boses.
Nagulat ako na makita siya.
Hindi
ko alam kung bakit hindi na ako binalikan nila Kim at Roxie. Nakakainis
lang na palagi silang sumasama sakin tapos mang-iiwan sila no! agh!
From:”Roxie
Sorry umuwi na kami. Enjoy :’>
Binato ko ng padabog sa bag ko yung phone ko.
Nakita ko naman si Zero na papalapit sakin.
Umupo siya sa tabi ko, “Iphone 5 yun a.” inirapan ko siya.
Parang tuloy nawalan ako ng gana na tapusin yung concert.
“Hm!”napatingin ako sa inabot niya. pagkain. “Pampagana.”
Syempre pagdating sa pagkain, wala akong tinatanggihan.
Kumonti
yung mga tao sa paligid namin. Ewan ko ba, pero parang nanadya ang nasa
itaas at naiwan kami ni Zero dito sa itaas ng bench. Hindi naman ganong
kadilim. Pero malamig na.
Pinakiramdaman ko siya. pero mukhang may iba siyang intension.
“Kamusta naman yung libro na binigay ko sayo. Nasagutan mo na ba lahat?”
Sa totoo lang ayoko siyang kausapin pagkatapos ng nalaman ko tungkol sa kanya dun sa hotel, “Oo.”
“I already had the answers.” Nilahad niya yung kamay niya.
Kinuha ko naman yung libro sa bag ko. at binigay sa kanya.
Sinimulan niyang checkan yung mga sagot ko. tinitigan ko pa siya.
“Don’t
worry hindi ako nandaya.”bigla naman akong nainis sa sinabi niya. pero
sa totoo lang hindi yun ang iniisip ko nung tinitigan ko siya.
“about that thing..
Magkapatid kami ni Ken sa ama.” Nabigla ako nung sagutin naman na niya yung kanina ko pang iniisip.
Parang tuloy nawala siya ng concentration sa pagchecheck.
“Prof.
Barton.. is not really my father. But legally.. he is. Dahil ang
biological father ko ay ang ama ni Ken. Nagkameron ng relasyon ang ina
ko at ang ama niya. at ayun.. ako ang binunga.” Sabi niya habang
nagchecheck pa rin siya. parang normal ang sa kanya na sabihin ang mga
bagay na’to sa ibang tao.
“Kung may gusto ka pang malaman.. magtanong ka lang.” inalis ko naman ang tingin ko sa kanya.
Sa totoo lang ayokong pag-usapan ang mga bagay-bagay na’to.
Dahil gaya niya, muntik na rin masira ang pamilya na meron ako.
Nung
nawala si Papa, naging bali-balita samin na umalis ito para puntahan
ang isa pa nitong pamilya. Kaya siguro nagbago si mama. Hindi ko alam
kung paano naayos. Pero dahil sa nasira na trust, nagwasak-wasak na rin
ang mga bagay bagay.
“So please Max.. wag sanang magbago ang tingin mo sakin.” Inabot niya sakin yung libro. Kinuha ko ito.
Nakangiti siya, “mas mataas ka ng isang puntos. May iuutos ka na ba?”
Umiling ako. at nginitian din siya, “Just wait for my big order.” Sabay kindat.
Tama
siya. wala naman talaga siyang ginawa para maging ganon yung situation
nila ni Kenner. Kaya dapat hindi ko siya husgahan. Dahil parang..
hinusgahan ko na rin ang sarili ko kung gagawin ko yun sa kanya..
Sana lang.. hindi ito maging dahilan balang araw para magkabanggaan sila ni Kenner.
Ilang
araw ng hindi umuuwi si Kenner sa apartment niya. kaya kahit na hindi
niya sinabi na pumunta ako sa studio, pumunta pa rin ako. Tinext ko
naman siya pero hindi naman siya nagrereply. Hindi ko alam kung talagang
busy siya. o may dahilan lang talaga para gawin niya sakin ito.
Sa
simula pa lang may kaba na sa dibdib ko na parang may kinatatakutan ako
na mangyari. At nung nandun na ako, nalaman ko kung ano yun. Parang
hindi ako welcome na pumunta nung araw na yun. Pinapansin naman ako ng
mga kasama niya, pero siya parang hindi. Tumitingin siya at kinakausap
ako. pero siguro kung yung salitang ‘umalis ka na lang’
nailalagay sa mga mata niya, mas mababasa ko pa. pero mismo yung mga
galaw niya na ang nagpaparating sakin na hindi niya ako gusto makita. Dapat hindi na lang ako pumunta.
Sa
bawat sayaw at galaw nila ni Madison, pinaparamdam niya sakin na parang
wala ako dun. Nao-OP ako. sa pagiging sweet niya kay Madison. Nao-OP
ako. dahil sa bawat ka-sweetan ni Madison sa kanya ginagantihan niya
ito. Hindi niya alam kung gaano ito kahalaga dun sa babae dahil yung mga
tingin ng Madison na yun ay gaya ng mga tingin ng mga babaeng
nagkakandarapa sa kanya.
Naiinis ako at the same time, dahil napakaunfair niya. Bakit hindi man lang niya sabihin kung ano ba talagang problema namin. Pagkatapos ng nangyari samin..
Umalis
ako nun nang hindi nagpapaalam sa kanya. Para saan pa, parang hindi rin
naman ako dumating dun. Kaso bigla namang umulan ng malakas..
Leo’s calling..
“h-Hello?” tumatakbo ako gaya ng mga taong naghahanap din ng masisilungan nila.
Agad
kong pinunasan at pinagpagan ang sarili ko. “Oo. Uhm.. nandito ako sa
malapit sa—Ah sige hintayin kita.” Ni-end naman niya yung call.
Nagtaka ako sa sinabi niya.
Sinundo naman ako ni Leo sa nasabing lugar. At hinatid niya hanggang sa bahay namin.
Nasabi
sakin ni Leo na gusto niyang makausap ng personal sila mama at papa.
Nandun lang ako sa may terrace at nakikinig sa kanila. Hindi alam nila
mama na nakikinig ako.
Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang takot..
Naisip
ko rin na umalis na muna ng bahay habang kausap pa rin ni Leo ang mga
magulang ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng mga paa
ko.
Pero masaya ako sa kung saan man ako nakarating..
Nandito siya, “Ken—“ mapapangiti sana ako.
pero
nung makita ko ang mga tingin niya. naalala ko na naman ang kalagayan
naming dalwa. Hindi kami okay. At dapat malaman ko kung bakit nga ba
hindi.
“Kenner! Anu ba talagang nangyayari!?” sinigawan ko siya bago pa siya makalagpas sakin.
Tumigil siya at hindi lumingon.
Matagal siyang hindi nagsalita. At nung magsalita naman siya..
“Nandito na siya.” Napatingin ako sa tinutukoy niya.
Si Lex paparating. Dumungaw naman sa bintana si Leo at binati niya kami ni Kenner.
Bumaba
siya kay Lex at lumapit sakin. “gusto ko lang ulit magpasalamat, Max.
kundi rin dahil sayo hindi ko maaayos ang gusot na nagawa ko.”
tinitingnan ko sa pheriperal vision ko si Kenner at hindi siya
tumitingin samin ni Leo. Mabuti na lang normal lang yun sa kanila, dahil
alam ni Leo na mainit talaga ang dugo sa kanya ni Kenner.
“Wala yun.” Sabi ko. tumingin naman siya kay Kenner.
“Hindi ko alam, na nagkikita kayo ng ganitong oras.. dito..” hindi alam ni Leo na dito nakatira si Kenner.
Hindi na lang ako nagsalita. Inaasahan ko na aalis na lang si Leo pero.. si Kenner ang umalis.
“Mauna na ako.” gusto ko sanang pigilan siya.
“Kilala
na pala siya nila tita?” nakangiting sabi ni Leo. Hindi ko na lang
masabi na taga dito talaga si Kenner at.. hindi naman talaga siya kilala
nila mama.
Hindi rin kami nagkausap ni Kenner nung gabing
yun. Tinetext ko siya at tinatawagan, pero dinededma niya ako. siguro
nga tulog na siya. pero alam ko.. iniiwasan niya talaga ako.
“Maxine.” Si Mama. Kinabahan naman ako, may sasabihin siguro siya tungkol sa napag-usapan nila ni Leo.
“Gusto
naming mameet ng papa mo, ang lalaking yun.” At mas lalo akong
kinabahan sa tintukoy nila. nagets ko kasi kaagad kung sino ang sinasabi
nila mama. “Ang boyfriend mo.”
Mas lalong
nadagdagan ang problema ko. Hindi ko kasi alam kung paano magagawan ng
paraan ang kahilingan nila mama. Ngayong hindi kami okay ng taong gusto
nilang mameet.