Kanina pa ako nanonood ng tv. Isa yung sketch comedy television pero
hindi naman ako natatawa. Parang ang boring boring ng palabas sa tv.
O baka dahil.. lutang lang talaga yung utak ko simula ng nangyari kahapon.
Pinatay
ko na lang yung tv at nahiga na lang ako sa kama. Hindi pa rin ako
nakakain ng lunch nung magising ako. pinupuntahan na ako ni papa pero
sinasabi ko na lang sa kanila na wala akong gana.
Hanggang
ngayon.. malinaw na malinaw pa rin sa isipan ko ang nangyari kahapon.
Lahat lahat. Sa mga magulang ko at kay Kenner. Napayakap naman ako sa
unan ko. dahil hanggang ngayon.. ramdam ko pa rin ang bakas ng kamay ni
Kenner sa pagkakahawak niya sakin. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
natatakot ako.
Pero wala akong pinagsisisihan sa nangyari.
Yun
din ang pinagtataka ko. kung bakit hindi ko nagawang sampalin siya
pagkatapos nung gabing yun. Dahil ba.. normal lang yun sa isang lalaki. O
dahil.. mahal ko lang talaga siya.
‘Hindi na virgin si Kenner.’
‘..Makipagmake-out daw ba sa bar!’
Pero
mas masakit kapag naaalala ko ang mga salitang yun. Ibig sabihin lang
kasi.. hindi lang ako. siguro.. madami na ring babae ang nagawan niya ng
ganon. Hindi ko lang siguro matanggap.. na nagmahal na talaga ako ng
isang lalaki na malayo sa pinapangarap ko.
Everything about Kenner is exactly the opposite of what kind of guy I thought is right for me. At ang gaya ni Leo ang tinutukoy ko..
“Lalabas daw si Kenner sa tv?”
“Papayag na kaya siya?”
Hanggang
sa school pangalan pa rin niya ang naririnig ko. at yung mga naririnig
ko sa mga taong ito ay hindi ko yata naririnig galing mismo sa taong
pinag-uusapana nila. parang nahuhuli pa ata ako sa balita e ako yung
mismong girlfriend.
Nagbreak time at naisipan naming kumain nila Kim at Roxie sa field.
“Hmm. Namiss ko tuloy si papa Zero. Nakakatext mo pa ba siya?”
“Hindi nga nagrereply e. busy-busyhan ang peg!”
Nagtaka naman ako nung bigla silang tumahimik. Paglingon ko sa kanila parehas silang nakatitig sakin. Tinaasan ko sila ng kilay.
“hahaha.
May iniisip ka ba Max, at satin tatlo ikaw pa ata ang nahuling kumain
ng ice cream.” Tiningnan ko yung ice cream ko. wala pa sa kalhati. Kaya
minadali ko naman itong kainin.
Pero sa huli.. yung tungkol sa bagay pa rin na yun ang gumagambala sa akin.
Tiningnan
ko silang dalwa na masayang masaya pinag-uusapan yung tungkol sa balita
kay Kenner. At naisip kong.. itanong ang tungkol sa bagay na yun.
“What exactly is sex?” luluwang mata silang lumingon sakin.
“What
the topic!?” gulat na gulat sila pero parang kumikislap kislap yung mga
mata nila. are they enjoying hearing that word ‘sex?’
“Tanungin mo si Roxie, yan yung may 3 years boyfriend e!” hinampas siya ni Roxie. Pero mamula-mula ang mukha nito.
“h-Hindi naman kami humantong dun. V-Virgin pa naman ako no!” tinalikuran niya kami at uminom na lang yung drinks niya.
Nagsorry naman sa kanya si Kim.
“Sa panahong ito.. hindi na talaga big deal kung virgin ka o hindi..” nabulong ko sa hangin.
“VIRGIN
PA NGA AKO SABI E!” nabigla naman ako ng biglang sumigaw si Roxie.
Tuloy yung mga taong nasa malapit lang samin hindi naiwasang mapalingon.
Pinagtawanan pa siya nung mga grupo ng varsity’ng lalaki.
Tiningnan ko siya ng masama at pinuna ang ginawa niya.
Pero
mas naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko ba naitanong ang tungkol dun. Sa
tutuusin hindi naman talaga kami humantong sa bagay na yun. At siguro
naman.. wala naman talagang balak si Kenner na humantong sa bagay na
yun.
From:”Kenner
Anung oras ka pupunta?
Dapat
nasa dance studio ako ngayon nila Kenner at makikipagkita sa kanya.
Pero dahil sa kulit ng dalwang ito, wala akong nagawa kundi sumama.
Gustong gusto kasi nilang manood ng movie at hanggang magdapit hapon daw
nila ako hihiramin.
From:”Kenner
Ah ganon. Saan ka ba pupunta?
Hindi ko sinabi kay Kenner ang tungkol dito. Sinabi ko na lang na nasa bahay ako at may inuutos sakin si mama.
Nagsimula
na yung movie. At itong dalwang kasama ko nakisabay pa ng paghiyaw sa
mga tao dito sa loob ng theater. Nakakarindi! Horror film kasi itong
pinapanood namin.
Sa totoo lang hindi ko naenjoy yung movie.
Nakaearphone kasi ako at hindi talaga nanonood. Puro kasi dugo ang
lumalabas sa screen kaya narurumi ako. nag-enjoy lang akong ubusin ang
mga pagkain nila.
“Waah ang saya nun!” pumunta naman kaming cr. Pero hindi na ako sumama sa kanila hanggang sa loob.
Naghintay lang ako sa kanila sa labas.
Habang tumitingin pa ako sa paligid ko. may nahagip naman ang mga mata ko na isang taong kakilala ko.
Paghabol ko sa taong yun, bigla siyang nawala. Napakunot ako ng noo. Bakit naman siya nandito?
“Max?” lumingon ako. akala ko siya.
“Leo?”
“Hinahanap mo ba siya?” nagtaka ako sa sinabi niya.
May inabot naman siya sakin.
“Hindi
ko alam kung bakit niya binigay sakin yan ganong magkasama naman pala
kayo.” Nagtataka na talaga ako. Pagtingin ko dun sa paper bag, nandun
yung jacket na naiwan ko sa apartment niya.
Nagkita sila Leo at Kenner..
Pagkatapos
din nun, agad akong pumunta sa studio pero wala sila doon. Wala sila
nung Madison. Sabi pa sakin nung ibang taga psyren na pumunta daw sila
Madison at Kenner ng mall para bumili ng mga damit sa nalalapit na TV
Guesting nito.
Ibig sabihin may posibilidad na siya nga yung
nakita ko kanina sa mall. Pero bakit.. pinaabot niya pa kay Leo ang
gamit ko? Iniisip kaya niya na magkasama kami? Ibig sabihin.. nakita
niya rin ako?..
Ilang beses kong tinext nun si Kenner.
Pero yung mga kabarkada niya ang nagrereply sakin, at sinasabi ng mga
ito na ‘busy daw si Kenner dahil sa nalalapit na tv guesting nito.’
Kahit na gaano pa siya kabusy, gagawa at gagawa siya ng time para sa
akin diba? Yun siya e..
Parang habang mas tumatagal.. mas nagiging komplikado ang lahat samin ni Kenner.
“Max!
sabay tayong umuwi, uuwi ako ngayon sa bahay!” tumango naman ako kay
Chad. “Wait lang a. Kunin ko lang mga gamit ko. hintayin mo na lang ako
dun sa may 7-11.” Umalis na si Chad.
Pero hindi ko pa natatapos yung pinapaayos sa akin ni Sir.
“Tulungan na kita.” May bigla namang tumabi sa akin. Tinulungan niya ako dun sa ginagawa ko.
Dahil
sa wala ako sa sarili ko, hindi ko tuloy napapansin na nagpapauto na
rin ako sa mga members ng thespian. Lalo na dun sa mga kabarkada at
kaclose ni Nika.
Nahuli ko naman siyang nakatingin sakin.
“s-Sorry.” Sabi nito.
“Marjohn! Yung notebook ko!”
“A-ah oo-oo! W-wait lang, Max a!” agad itong tumakbo at naiwan pa niya yung cellphone niya.
Bigla
namang may nagtext dun sa phone ni Marjohn. Tapos yung ringtone pa niya
isang buong kanta ng Rocketeer ni Bruno Mars. Kaya kinuha ko yung phone
niya at pinindot.
Pero iba ata ang napindot ko at napunta ako sa conversation. Nakita ko ang pangalan ko. may mga text siya sakin.
At
dun ko nalaman.. na si Marjohn pala ang nagtetext sakin na unknown
number. Napabuntong hininga ako. naalala ko tuloy yung nahuli niya akong
nakitang umiiyak dito rin sa room na’to. At yung tungkol sa confession
niya.
Naisip ko tuloy na idelete na lang yung phone number ko sa phone niya. pati yung mga messages niya sakin.