Habang pinupunasan ko yung nabasang parte ng katawan ko gamit yung panyo ko, may bigla namang sumagi sakin. Isang babae.. nakalink siya dun sa lalaki. Hindi niya siguro ako napansin kakaflirt sa boyfriend niya. Hindi ko namang maiwasang hindi mapatingin sa kanila dahil nasa unahan ko lang sila. At dun ko natanto na si Kenner ang lalaking yun..
*sigh*
From: Janine
Max, kita kita daw sa Top Grill.
Kanina ko pang tinitingnan yung message ni Janine, at hindi ko alam kung pupunta ako dahil alam ko naman na nandun din si Leo. Nakakainis ang araw na’to. Ang makita ang ex mo na hanggang ngayon ay mahal mo pa rin na kasama ang kaibigan mo na actually girlfriend niya ang pinakamahirap na situation. Hindi lang yun, makikita ko ang buong barkada na walang alam na naging kami ni Leo.
“hahahaha. Kaya nga! Nakakatawa yung babaeng yun!”
kumakain ako habang nakikinig sa kwentuhan nila. Maya’t maya din akong tingin ng tingin sa relo dahil gusto ko ng umuwi. As expected mahihirapan lang ako, nasa harap ko kasi sila Leo at Janine. Magkaholding hands pa.
“Hoy Maxine! Tahimik mo! Ikaw a ang daya daya mo, bakit ka ba lumipat ng school!!!” naghalf smile naman ako.
“Financial problem?” bigla silang nagtawanan.
“Utot mo! Sinong niloloko mo!!!” uminom na lang ako ng drinks. Di ko tuloy naiwasang mapatingin kay Leo, alam na niya siguro ang dahilan.
Tumayo naman ako at nagpaalam na magsi-cr.
Pagbalik ko naman dun, napansin ko ang katahimikan ng barkada. Nung bigla na lang may sumigaw—
“I HATE YOU!!!”
Napatingin ako sa table na nasa pangalwang table sa likod namin. Nakita ko yung lalaki na nakaside view na natatakluban ang mukha dahil siguro sa nagawang sampal nung babae. At nung tingnan ko yung babae. May biglang nagflashback sa isip ko. May naipatak siyang gamit nung dumaan siya sa tabi ko. Kinuha ko naman at nung lapitan ko ang kabarkada ko, nagsisimula na silang magbulungan. Mukhang habang wala ako ay may nangyaring hindi ko alam. Sasabihin ko sana sa kanila kung anong gagawin ko dun sa naiwang gamit nung babae. Nang dumaan sa tabi namin yung lalaking kasama nung babae—
“Ang iskandalosa huh.”
“Haha. Pero nakakatawa na yung lalaki pa ang tumanggi!” gusto ko sanang itanong kung anong nangyari pero mas pinili kong umalis.
“Max saan ka pupunta?”
“May naalala lang akong gawin. Sige alis na ako.” Agad akong tumakbo palabas.
Hinanap ko kung saan maaaring pumunta ang lalaking yun. Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan ko siyang mahanap. At pagnahanap ko siya..
“Kenner!!!” hingal na hingal akong tumigil at tinawag siya.
Lumingon siya at napakunot ang noo nung makita ako. “Max?”
Humakbang ako at binato ko yung gamit nung babae sa kanya.
“Nalaglag yan nung babaeng kasama mo habang paalis siya.” umirap siya at tumalikod. Kaya agad akong lumapit.
“Hindi ko alam na nandun ka. Wag kang mag-alala, wala itong kaugnayan sayo. Yung babaeng yun.. she’s one of the flings.” Hindi ko alam kung bakit siya nag-eexplain. Dahil siguro akala niya nakita ko ang lahat. Pero bakit ko naman iisipin na may kaugnayan ito sakin.
Ang mga mata niya, iba ang sinasabi..
“Ah?” bigla na lang umulan.
Agad kaming tumakbo sa pinakamalapit na pwede naming masilungan.
“Agh palagi na lang umuulan.”
Napatingin ako sa kanya, mukhang badtrip na badtrip siya. aalisin ko na sana yung tingin ko nung mapatigil ako. Nagulat ako nung makitang lumuha ang mata ni Kenner, agad naman niyang pinunasan kaso napatingin siya sakin. kaya nahuli niya akong nakatingin. Napakagat siya ng labi at umiwas ng tingin. Siguro ay pinipigilan niyang umiyak sa harap ko.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kung dapat ko bang icomfort siya. ayokong nakikita siyang ganyan. Kaya.. hinawakan ko na lang ang kamay niya.
Naramdaman ko na nakatingin siya sakin. Siguro ay nagtataka siya. ngumiti na lang ako at humarap sa kanya.
“Everything will be okay.” Nakatingin lang siya ng diretso sa mata ko. maiinis na sana ako dahil sayang yung effort ko ng pagngiti nung bigla niya akong halikan..
Sa labi.
Hindi ito ang first kiss ko. pero may karapatan pa rin akong magulat. Pero nung naghiwalay ang mga labi namin, wala akong nagawa.
“Max, gusto pa rin kita..” lalo na nung makita ko ang sincere na mga matang yun.
Pinilit ko na lang ngumiti.
Siguro simula ng araw na yun, iniisip ni Kenner na okay naman sakin ang lahat. Nagtetext siya at hindi ko naman kayang dedmahin ang mga text na yun. Hindi ko alam kung kailan nagsimula na hindi ko na magawang matanggihan siya. Hindi ko rin alam kung ang ibig sabihin nito ay.. gusto ko na rin siya?..
From: Kenner
Punta ka sa org after ng class mo ah :))
Pumunta naman ako sa thespian gaya ng sabi ni Kenner. Pagbukas ko naman ng pinto—
Bigla na lang may tumunog na kanta. Kantang hindi ko alam.. pero binihag nito ang puso ko. lalo na nung makita ang grupo nila Kenner na sinasayaw ang kantang ito. Bigla na lang lumapit sakin si Kenner. Habang kinakanta ang parting chorus siguro nung kanta.
when i dream i think of you
breath i think of you
all day i think of you
give all my love to you my baby boo
swear its true all i do is think of you
when i pray i think of you
far away i think of you
all day i think of you
my heart belongs to you my baby boo
yes its true all i do is think of you
Lumuhod siya sa harap ko habang sumasayaw pa yung iba. tumingin naman ako sa paligid namin. Nandun silang lahat. Kahit sila Chad at NIka. So ako lang pala ang walang alam tungkol dito?
“Maxine Pedrosa, will you be my girlfriend?” may binigay siya saking isang box. Kinuha ko ito. Narinig ko pa na naghiyawan ang iba.
Pagbukas ko nung box, isang bracelet. Napakaganda. Hindi ko alam ang gagawin ko. hindi ko alam ang sasabihin ko. hanggang sa tumayo na si Kenner at inabot ang kamay ko. sinoot niya yung bracelet sakin. Tumingin ako sa mga mata niya. Yung mga sincere na tingin na yun. Yung malulungkot na matang yun. Hindi ko siya kayang tanggihan. Feeling ko.. hindi ko siya dapat saktan.
Ngumiti ako.
At niyakap naman niya ako.. ng mahigpit. Ramdam ko na masayang masaya siya. gaya na lang kung paano maghiyawan ang mga tao sa paligid namin. Hinawakan ko ang likod ni Kenner para parang niyayakap ko na rin siya.