Nabigla siya na makita ako. hindi ko naman naiwasang mapangiti.
“Ken—“
“Nandito ka?” parang hindi siya masaya.
Nilagpasan niya ako at dumiretso siya sa kusina. Nabigla ako sa ginawa niya. pero.. hindi ko naman siya masisisi.
Sumunod ako sa kanya. At nakita ko siya nakatigil lang dun sa tabi habang hawak niya ang buhok niya. May nangyari kaya?
Lumingon siya sakin. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko nung tumingin siya. Nakakatakot yung mga tingin niyang yun.
Nagkasalubong
ang mga kilay niya at napahawak siya sa noo niya, “Sorry. Pagod lang
talaga ako.” napatingin naman ako dun sa lababo.
Isang envelop. Gift?. At galing kay.. Nika..
Hindi
ko alam kung anung nangyari. Kung nagkita ba sila ni Nika ngayong araw
na’to? At bakit parang badtrip na badtrip siya? pero kailangan kong
bumawi.
Tumabi ako sa kanya sa sofa. Inabot ko yung regalo ko. napatingin naman siya.
“Happy birthday.” Ngayong mas malapit siya. parang naamoy ko ata na amoy alak siya. siya nga ba yun?
Ngumiti siya ng matipid, “Yeah thanks!” nilagay niya sa table yung regalo ko.
Tumayo siya at tinuro sakin yung oras. Oo, alam ko Kenner gabi na.
“Pagod lang talaga ako ngayon, Max.”
Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Napayuko ako at sinabi ang mga katagang ito..
“Hindi ako uuwi ngayong gabi, Kenner.”
Naalala
ko na naman ang nangyari kanina. Tumingin naman ako sa kanya at
ineexpect ko na magugulat talaga siya. agad akong lumapit sa kanya at
pinaupo siya sa tabi ko.
“May isa pa akong surpresa sayo.” Hindi pa rin maipinta ang reaction ng mukha niya.
Kinuha ko yung gitara at nagsimula akong mag-stumming.
I love you, I love you, I love you
Even if I say it a thousand times, it’s not enough
I miss you, I miss you – each moment that I miss you, I miss you more
Nagbago yung expression ng mukha niya. tinuloy ko naman yung pagkanta.
I call you and call you and call you and your face keeps floating up
If I hope and hope and hope, will you know how I feel someday?
It’s me who only knows you – the person who will only love you is me
It’s because meeting you was like a miracle to me
It’s me who only wants you – the person who will only protect you is me
It’s me who is only looking at you by your side, a fool
At sa wakas napangiti ko rin siya.
Pinag-aralan
ko talaga ang kantang yun. Para lang marinig niya. dahil simula ng
marinig ko ang kantang ito, siya yung pumasok sa isip ko.
Natapos naman akong kumanta. Hindi pa rin natatanggal ang mga ngiti sa labi niya.
Ibinaba ko yung gitara at sinabi sa kanya ang isa ko pang surpresa.
“Gusto ko sanang ipakilala ka.. sa mga magulang ko sa lalong madaling panahon.”
Natanggal
yung ngiti sa mga labi niya at parang hindi siya maniwala sa sinabi ko.
tinitigan ko lang siya at hinintay ang sagot niya. tumingin ulit siya
sakin at tinitigan din ako sa mga mata. Parang nanghina ako sa mga
tingin na yun.. pero agad ding nabawi ang takot na yun nung
naghalf-smile siya at dahan dahan na tumango. Pumapayag siya!
“Hm.” Nginuso niya yung regalo. “Okay lang ba na buksan ko na?”
Hinawakan niya yung regalo ko sa kanya pero hindi agad niya binuksan.
“ngayong
tinitingnan ko ito.. naalala ko lang ito ata ang first time na binigyan
mo ako ng isang bagay.” Napataklob ako ng bibig. Parang nahiya ata ako
sa sinabi niya.
THUMP! Tiningnan niya ako ng nakangiti.
“Pwede bang paabot ng gunting dyan sa cabinet sa tabi mo?” agad naman akong tumalikod at hinanap yung pinahahanap niya.
Pero parang nabingi ata ako at hindi ko mahanap yung pinapahanap niya. Anu nga ba yun? Natataranta na ako sa paghahanap, pati yung flower vase muntik ko ng mahulog—
Mabuti na lang nasambot niya.
THUMP. THUMP. THUMP.
Pero
paglingon ko sobrang lapit pala niya sakin. Ramdam ko yung chest niya
sa braso ko. yung mga balat niya. yung mukha niya.. sa malapitan. Thump.
Thump. Thump. Ang bilis ng tibok ng puso ko..
Napatingin naman siya sakin. Iniwas ko yung mata ko at umayos ako ng tayo.
Pero hindi yun naging dahilan para lumayo siya. bagkus mas lumapit siya at..
Naglapat ang mga labi namin.
Mabilis
din naman niyang inalis ang pagkakalapat ng labi niya sa labi ko.
tinitigan niya ako sa mga mata at dahan dahang hinawakan ang leeg ko.
Nasundan ang halik na yun.
Napakasmooth
ng galaw ng mga halik niya. Pero nagulat na lang ako nung lumalim yung
halikan na yun. Napamulat ako ng mata pero nakapikit siya. Ito ang unang
pagkakataon. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Ang bilis
ng tibok ng puso ko. Magpo-protesta pa sana ako na ilayo niya yung mga
labi niya sa labi ko.
Pero hindi ko nagawa. Ganito pala ang feeling?
Napakunot ako ng noo at sinubukang sabayan siya sa mga halik na yun.
At
nung magkahiwalay kami, habol na habol ko yung hininga ko. pero sa
kanya parang normal lang yung ginawa namin. Tinitigan na naman niya ako
ng mga ganong tingin. Naroroon ang kakaiba niyang titig na tila
tumatagos sa akin. Nakakapanghina.. Parang sasabog yung puso ko sa kaba.
Tiningnan niya ulit ang labi ko at hinalikan ulit ito.
Hindi
ko na napigilan ang sarili ko at napahawak na ako sa kanya. Pero
nagkamali ako.. sa dibdib niya ako napahawak at ramdam ko.. ang malalakas na pintig ng puso niya.
Hindi lang ako ang nakakaramdam nito. Pati si Kenner.. kinakabahan din gaya ko.
Binitawan ko siya. at muling sumabay sa mga halik niyang yun.
Unti-unti naging smooth na ulit yung mga halik niya. mas nasabayan ko siya.
Naramdaman ko naman ang paggapang ng kamay niya pababa saking leeg. Hanggang sa mapatigil ako nung maramdaman ko na..
Hinahawakan na niya ang dibdib ko.
Lumayo siya at parang hindi rin makapaniwala sa nangyari.
Napanganga ako at hindi makapaniwala sa naramdaman ko. hindi ko siya tiningnan sa mga mata.
Agad niyang inalis ang kamay niya at napahawak siya sa noo niya ng nakayuko.
“Sorry..” yun na lang ang narinig ko pagkatapos.