“Hanggang ngayon.. Umaasa pa rin ako na babalik ang lahat sa dati. Na babalik ka sa akin..”
Napahawak
ako sa bibig ko. Tumingin na lang ako sa iba. Mabuti na lang nandito
kami sa labas ng mall. Dito sa kakaunti ang tao. Dahil kung dun namin
ito napag-usapan. Anong gagawin ko para icomfort ka, Leo?
“Leo.. baka nabibigla ka lang—“
“Hanggang
ngayon mahal pa rin kita. Kahit noon kami pa ni Janine. Kahit subukan
kong tumingin sa iba. kahit subukan kong kalimutan ka. Max, ikaw lang.
ikaw lang yung gusto ko..” narinig kong nagsob siya. pero hindi pa rin
ako tumitingin sa kanya.
“May boyfriend ako, Leo.”
“Alam
ko. Pero umasa parin ako.” kita ko sa pheriperal vision ko na umayos na
siya ng tayo. “Isang tanong lang.” naramdaman ko ang pagtingin niya
sakin. hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang mga pisngi niya
sa kamay ko.
Hindi ko na siya naiwasan. Umiiyak si Leo.
“..Sigurado
ka na ba sa kanya? Wala na ba talaga?..” ang tibok ng puso ko.
nasasaktan ito pag nakikita kong nagkakaganyan si Leo.
Bakit siya ganyan, alam niyang mahina ako sa mga ganito..
Dahan dahan akong umiling. At sinabi sa kanya kung anu talagang nilalaman ng puso ko.
“Mahal ko si Kenner. Mahal na mahal.” Napayuko siya at napabitiw sa kamay ko.
Hindi
ko alam ang gagawin. Pati ako nahihirapan. Bakit sa araw pa mismo na
mahalagang mahalaga para sa kanya. Tanga ba siya!? bakit kailangan
niyang saktan ang sarili niya.
“May isa pa akong favor.” Sabi niya ng nakayuko pa rin.
“Gusto
ko.. sa susunod na magkagirlfriend ako, may approval mo. ipapakilala ko
siya sayo ng personal at sana Max ikaw ang magdesisyon para sakin kung
anung dapat kong gawin. Weird man. Pero seryoso ako.”
Mababatukan ko talaga siya ng di oras, “Baliw ka na talaga.” Tumawa naman siya.
Tumayo siya nang hindi tumitingin sakin.
“Sabihin mo kay tita, may iba pa akong plano kaya hindi na ako makakapunta.” Agad naman akong tumayo at pinigilan siya.
“Leo, ano ba!” hindi parin siya lumilingon. Pero dahan dahan niyang inalis ang kamay ko.
“Max,
ayusin mo muna ang lahat bago magpakita kay Kenner. Yun ang mas
maganda. I wish the both of you the best. At sorry ulit.” Atsaka ulit
siya umalis.
Hindi ko na siya nagawang pigilan o sundan man. Siguro nga tama nga siya.
Umuwi
ako sa bahay ng hindi nga kasama si Leo. Nakita ko pa sila mama na
hinihintay talaga si Leo at nagdecorate pa sila ng kung anu-ano sa
bahay. Minsan talaga natatawa ako kung bakit ang oa ni mama pagdating
kay Leo. Ang dami daming lalaki dyan bakit kailangan niya akong
ipagsisikan dun sa tao.
“Bakit daw hindi siya makakarating?”
Palagi
niya akong sinusumbatan sa mga maling desisyon ko. kahit na ang totoo
wala namang siyang naiintindihan sa mga bagay bagay tungkol sakin.
Minsan nga nagda-doubt na ako sa pagmamahal na yun. Dahil hindi ko na
talaga alam kung anu bang matatawag ang pagmamahal na yun? At anu bang
makukuha ko sa mga ginagawa ni mama para sakin?.
“Hija, anak..” tumingin ako kila mama at papa.
“Hindi po makakapunta si Leo.. dahil sakin.” Nangingilid na ang mga luha ko.
“i-Ikaw—Ano bang ginawa mo bata ka—“ pinigilan ni papa si mama. Pinilit ko naman na wag mapaiyak.
“May nangyari ba kay Leo?” mahinahong tanong ni papa.
Tumingin
ako sa kanya, “Nung umalis ka, at hindi nagparamdam ng matagal na
panahon, palagi kong tinatanong kung anung dahilan? Sinong nagkulang?
Bakit..”nabigla si papa sa tanong ko.
“Maxine!” pumatak na ang mga luha ko.
“MA, ITIGIL NIYO NA HO ITO!” hindi ko na natiis ang sarili ko.
“Ang
paulit ulit na pagtulak sakin kay Leo. Pilit niyo akong sinisiksik sa
taong.. HINDI KO NA GUSTO!!” parang nagblurred ang mga paningin ko.
dahil siguro sa mga namumuong luha sa mga mata ko.
Kuyom ang kamao ni mama. At parang gusto niya akong sampalin kahit na anong oras.
“Kahit
na kailan ba.. nagtanong kayo tungkol sa nararamdaman ko?” tiningnan ko
sila sa mga mata. “Kahit na kailan ba may pakealam kayo sa totoo kong
nararamdaman? Kailan ba yung huli kayong nangamusta sakin? Sa bahay
na’to.. wala akong naramdaman kundi ang masakal. Masakal sa totoo kong
nararamdaman dahil hindi ko mailabas ang totoo.
Alam niyo
ba yung taong gusto ninyo para sa akin.. na kung bakit ko siya iniwan?
Na kung bakit ayoko ng bumalik sa kanya? Nagtanong ba kayo! Hindi! Dahil
naniniwala kayo na kung anong nakikita niya YUN IYON! Pero hindi..
dahil hindi naman ninyo kasi talaga nakikita ang totoo.
PILIT NINYO AKONG PINAGTUTULAKAN SA TAONG LABIS NA NANAKIT SA AKIN!
Nahubog
ang pagkatao ko dahil sa pamamahay na’to. KAYA SIGURO HINDI KO
MARAMDAMAN KUNG ANO BA TALAGA ANG TOTOONG KASIYAHAN. KAYA SIGURO.. sa
tuwing tumitingin ako sa ibang tao. Hindi ko magawang magtiwala. Dahil
sarili kong mga magulang hindi ko pinagkakatiwalaan.
AYOKONG MAGTIWALA SA INYO DAHIL PALAGI NA LANG AKONG NASASAKTAN!!
I am full of hatred. At kahit sa mga magulang ko.. ramdam ko ang mga poot na yun..” nanginingig na yung mga kamay ko.
“Maxine..” sinubukang lumapit ni Papa pero lumayo ako.
“Hanggang kailan ako makakaramdam ng ganito.. na sa tuwing uuwi ako at makikita ko kayo.. nasasaktan ako.” tumalikod ako.
“Wag ninyo na akong hintayin. Hindi ako uuwi ngayong gabi.”
Wala
akong narinig sa kanila. Pero bago ako lumabas sinalubong naman ako ng
kaninang gitara na dapat dala ko. Alam ko na kung saan ako pupunta.
Sinukbit ko yung gitara sa katawan at umalis ng bahay.
Sa
paglabas kong iyon, ramdam ko ang malaking tinik na naalis dito sa
dibdib ko. pero hindi ako masaya na nakabitiw ako ng mga ganong salita.
Ang gusto ko lang.. gusto ko lang malaman nila ang nilalaman nito. Na
sana man lang maramdaman ko ulit na minsan.. naging magulang ko talaga
sila.
Pumunta ako sa apartment ni Kenner. Oo, binigyan niya ako ng duplicate key. At dun lang ako naghintay.
Sinubukan ko siyang itext pero hindi ko magawa. Nahiga lang ako sa sofa at naghintay kahit walang kasiguraduhan na uuwi siya.
Nagising na lang ulit ako ng wala pa rin siya. binuhay ko yung ilaw at napansin yung oras. 4 na oras na pala akong naghihintay..
May biglang tumunog. Pagtingin ko sa may pinto, nagbukas ito. At bumungad sakin ang taong kanina ko pang hinihintay..