1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 57

Muntik na akong tanghaliin ng gising nung nawalan ng battery yung alarm-clock ko. ngayon pa naman ang birthday ni Kenner. Kailangan at least man lang ako ang mauna sa pinag-usapan namin lugar. Hindi ko nga alam kung alam niyang may alam ako na birthday niya ngayon. pero sa bagay hindi ko rin naman akalain na may alam siya sa birthday ko.
Binili ko pa mismo yung bago kong outfit para lang sa araw na’to. Hindi ko mapigilang mapangiti sa thought na makakasama ko siya sa napakahalagang araw na’to.
Hinanda ko naman lahat ng mga kakailanganin ko para sa surprise gift ko sa kanya. At sinukbit ko na rin yung gitara sa katawan ko. dali dali naman akong lumabas ng kwarto.

“Ma. Pa. alis na po ako—“ agad kong kinuha yung sapatos ko sa cabinet.

“Oh! Nag-ayos ka na agad?” lumingon ako kay mama at nagtaka sa sinabi niya.

Napatingin naman ako sa kusina at parang ang dami nilang pinamili. Mukhang madami silang lulutuin ni papa. Pero.. anong okasyon.

“May pupuntahan po  ako.” sabi ko.
“Alam ko.” napakunot ako ng noo. Dahil wala akong naiintindihan sa ibig sabihin ni mama. “Diba ngayong araw na’to iyun?”
Napataas naman ako ng kilay. Pati si mama napakunot na din ng noo dahil ata hindi na rin ako maintindihan.

“Diba ngayon ang birthday ni Leo!”

Nagulat ako sa sinabi ni mama.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ngayong araw na’to din.. ang birthday ni Leo.. Pero.. ngayon ang birthday ni Kenner.

“Maa.. magsisimula na ba tayo?” dumating si Papa pero hindi pa rin ako makarecover sa sinabing yun ni mama. Parang may kung anong nasira sa plano ko.

Hindi! Dahil masisira talaga kung anong plano ko ngayong araw na’to sa ayaw at sa gusto ko..

“Ah! oo. At Max, dahil nag-ayos ka na rin naman hindi na kita patutulungin dito sa kusina. Mas mabuti na magkita na kayo ni Leo. Tinext ko na rin naman na magkita na muna kayo bago kayo pumunta dito. Pero hindi ko akalain na magkikita kayo ng ganitong kaaga..”

Hindi pa rin ako makapagreact. Hindi ko alam kung anong gagawin. Kung dapat ko bang wag pakinggan si mama. Na dapat ko bang sabihin na may iba pa akong mas mahalagang bagay na dapat puntahan. At ngayong araw na ito.. inaasahan ko na ibang tao ang kasama ko.

Kahit na birthday pa yun ni Leo.

To:”Kenner
Sorry pero hindi pala ako pwede sa araw na’to. Itetext na lang kita ulit.

Oo. Si Leo ang pinili ko. hindi man ito ang guston kong gawin pero siguro dapat ko na rin tapusin ang lahat. Dapat ng malaman nila mama at papa na hindi naman na kami pwedeng magkabalikan ni Leo dahil may boyfriend na ako. kailangan kong isakripisyo ang araw na’to para na rin sa relasyon namin ni Kenner.
Hindi ko alam kung nandun na ba si Kenner sa napag-usapan naming lugar pero kung maaari sana.. hindi na lang siya makarating. Sana nabasa niya yung message ko bago pa siya makarating dun sa napag-usapan naming lugar. Mas masasaktan ako kung hindi..

“Max!” tumayo siya sa pagkakaupo. At ngumiti hanggang tainga.
Gusto ko mang maging masaya para kay Leo dahil birthday niya. Pero nababadtrip talaga ako sa mga nangyayari. Kahit pa sabihing birthday nga niya..

“Hindi ko akalain na pagbibigyan mo pa ako sa araw na’to. Mukhang.. ang dami mong free time a.” umiwas ako ng tingin.

“Pasensya na Leo, wala akong dalang regalo.” Parang nadisappoint siya pero agad din namang ngumiti.

“Okay. Ang mas mahalaga naman. Kasama kita..” parang nabingi ata ako sa huli niyang sinabi.

At the same time. Naiinis ako! hindi niya alam ang sinasabi niya. kasama ko nga siya. pero kung alam lang niya kung sino ang sinakripisyo ko para lang makasama niya ako. at anung celebration ang sinakripisyo ko para dito sa birthday niya.

“May problema ba?”
Umiling ako pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.
“Saan mo gusto pumunta? Mamayang 12 pa kasi tayo pinapapunta ni mama sa bahay.” Hinintay ko siyang magsalita.
“Ahh..” pero parang wala naman siyang maisip.
“Sige na. ako na lang ang bahala.” Nauna naman akong maglakad.

Wala din naman talaga akong naiisip kung saan magandang pumunta. Kaya sa mall na lang kami nagpunta. Mabuti na rin yun madaming tao.
Madaming sinabi si Leo pero tumatango lang ako. wala naman kasi ako sa mood. Lalo na nung natanggap ko yung text ni Kenner.

‘Ganon ba.. sayang naman.’

Naiisip ko pa lang kung anong reaction niya, nalulungkot na lalo ako. ang sama talaga ng ganitong pakiramdam. Yung sobrang may gusto kang gawin pero walang wala kang magawa. Ang sikip sa dibdib. May paraan naman e.. pero ayoko ng palipasin pa ang pagkakataong ito. Ito na rin yung rason ko para masabi ko na talaga kila mama ang katotohanan.

Nabigla naman ako nung biglang hawakan ni Leo ang kamay ko.

“Alam ko na kung saan tayo pedeng pumunta na mapapangiti kita!” nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi rin ako nagkameron ng pagkakataong tumanggi.

Nakarating kami dun sa fourth floor. Sa sobrang dami ng tao hindi tuloy ako mabitawan ni Leo. Hanggang sa nakarating kami sa storyland. At naisip niyang sumakay ng roller coaster.
Kahit wala ako sa mood napilit pa rin niya ako. hindi kami umaalis dun sa ride hangga’t hindi niya ako napapareact. At aaminin ko umeffect naman yun plano niya. alam na alam ni Leo kung paano babaguhin ang mood ko.kung anu anong nilaro namin. At sa totoo lang nagawa ko pa ring mag-enjoy at magsaya pagkatapos.

“Hm.” Inabot naman niya sakin yung hawak niyang potato chips at yung zagu. Nagthank you ako.
“Ah 12 na pala. Tar—“ pinigilan niya ako.
“Just stay like this for awhile.” Sinunod ko naman siya.
Kumain na lang ako. at hindi nagsalita.

“Tell me. Para kanino ba talaga yung regalo na binili natin last time.” Tiningnan ko naman siya.
At mukhang naiintindihan na ni Leo kung bakit ako nagkakaganito.
Tumango ako at sinabi sa kanya ang totoo, “It’s for Kenner. Today’s his birthday.” Nagulat siya sa sinabi ko.
“b-Bakit hindi mo sinabi agad. K-kaya ka ba nababadtrip dahil utos ito ni tita?! Agh.. dapat talaga matagal na akong nagdecide na sabihin kay tita na may boyfriend ka na—“
“Wag!” nabigla naman siya nung nagsalita ako.

“Ibig kong sabihin.. mas maganda na sa akin manggaling. Kasi Leo, kung sayo.. iba ang iisipin ni mama. Alam mo na gustong gusto ka nila. at iisipin ni mama ginagawa mo lang ito para sa akin. Leo.. walang alam si mama kung bakit talaga tayo nagbreak. At yun ang pinagsisisihan ko na hindi ko nasabi yun sa kanya..”

Hindi ako nakarinig ng kahit na anong salita galing kay Leo. Nung tingnan ko siya.. napakalungkot na mukha ang nakita ko. nangingilid ang mga luha ni Leo. Umiwas siya at napayuko. Ang siko niya nakapatong sa kanyang tuhod at parehong magkahawak ang mga kamay niya.
Napahawak ako sa bibig ko. may mali sa sinabi ko!

“You’re right. At kung siguro nasabi mo yun kay Tita.. kamumuhian nila ako sa ginawa ko.” nakita ko sa mga kamay niya kung gaano siya nagtitimpi sa mga nangyayari.

At mas nabigla ako nung makita ang mga likidong yun na pumatak sa mga tuhod niya. gusto kong hawakan si Leo. At magsorry sa mga nasabi ko.

“Hanggang ngayon Max.. Hanggang ngayon..


Umaasa pa rin ako na babalik ang lahat sa dati. Na babalik ka sa akin..”
HTML Comment Box is loading comments...