1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 56

“Agh ang pangit naman nito.”

Tingin ako ng tingin ng pwedeng ipanregalo kay Kenner pero mahigit isang oras na ako dito sa mall wala parin akong napipili kung alin ba. Sa bagay nasa 5 shops pa lang yung nakikita ko. pero ano ba kasing magandang ipanregalo sa birthday ng special someone mo?! Eee ang Gross..
Naalala ko tuloy ang nangyari nung isang araw.

Tiningnan niya ako ng parang nagtataka pero halatang hindi natutuwang tingin. Hindi naman siya tanga at obvious naman na wala siyang kinalaman sa sinasabi ni Madison. Na sa akin yung phone niya at ako lang ang pwedeng gumawa noon.

“Nawrong send ako. nagkamali pa ako ng phone na nagamit.” Hindi ako tumitingin sa mga mata niya but I still act calm na parang nagsasabi ako ng totoo.
“Tinext kasi ako ni mama, at may hinahanap siya. sinabi ko na pumunta siya sa banyo. Nasend ko pala kay Madison. At phone mo pala gamit ko. s-sorry.”

Napabuntong hininga siya, “Ganon ba. Sorry rin!”

Parang dun sa nangyari siya pa yung nagmukhang may mali. At nakokonsensya naman ako dahil dun.. kaya kailangan ko talagang bumawi man lang sa birthday niya.

“Max.?” napalingon ako sa tumawag sakin.
Pero mas nakuha ang atensyon ko sa soot niyang shirt. My gosh..

Naglakad lakad kami. At kung maaari yakapin ko ang buong katawan dahil sa kahihiyang ito..
“Kaya pala nandito ka. Kahit may pasok ginawan mo talaga ng time.” Pati si Leo naiilang din. may mga tao din kasing napapatingin samin.
At nakangiting aso pa kamo. Parang naman hindi normal yung magkataon na parehas kami ng soot ni Leo. Ito kasi yung shirt na binili niya. So unexpected.. At nakakailang!

“Pasensya ka na dito.” Nahihiya niyang sabi habang kinakamot niya yung ulo niya. Natawa na lang ako.
“Hayaan mo na nga lang.” parang may magagawa pa kami. Pati dalwang oras nalang at magsasarado na yung mall.

“Tulungan mo na lang akong mamili ng regalo.”

Kung saan saan male section kami nakapunta ni Leo. Natulungan ko rin siya bumili ng mga damit niya habang naghahanap kami ng pwedeng iregalo ko kay Kenner. At kahit pagtinginan kami ng ibang tao sa soot namin hindi na lang namin pinapansin.
At sa wakas may napili din kaming pwede kong iregalo kay Kenner. Kahit makulit kasama itong si Leo aaminin ko nag-enjoy ako sa paghahanap ng regalo. At masaya ako na naging maganda ang resulta. Naisip ko rin na bumili ng guitar chords.

“Sige dito na lang, Leo.” Ngumiti siya. hinintay ko naman siyang makatawid ng kalsada.

Pero may iba pa akong napansin. Si Nika. Na nasa kabilang kalsada rin. May hawak siyang camera at parang.. kinukunan niya kami ng pictures ni Leo. Naalala ko naman yung ganitong scene din dati. At mukhang.. may naiintindihan na ako sa mga binabanta niya sakin at sa mga plano niya.
Nahuli ko pa siyang nginitian ako ng masama. Sa inis ko. naisip ko na tumawid ng kalsada at habulin siya—

“MISS!!” may bigla namang humigit ng braso ko. ”Are you nuts, can’t you see it’s a red light!”
Isang babaeng kulot ang buhok na nakamake-up ang pumigil sakin. Maganda siya.. siguro dahil sa magandang ayos niya. nakataas ang kilay niya at parang nabadtrip sa ginawa ko.

Agad ko namang binawi ang braso ko at tinalikuran siya sa inis. Nakakabadtrip!

Mapaglaro nga talaga siguro ang tadhana. At kahit anong hanap ko kay Nika hindi ko siya nakikita sa campus. Kailangan ko siyang makausap. Dahil sa totoo lang natatakot na ako sa pwedeng gawin ni Nika. Sa mga pinaplano niya na sigurado naman ako na namimisunderstood niya.
Pagnakarating ito kay Kenner.. hindi ko alam kung anu na lang ang magagawa ko.

“Nabasa niyo ba yung bagong article dun sa isang website?”
“Oo. Ang galing nga nun. Yun ang tinatawag na opportunity!”
“Pero hindi pa raw sigurado kung matutuloy nga..”

Naiintindihan ko na Friday ngayon at last day ng isang linggong may pasok. Pero hindi naman ata normal ang pagkahyper ng mga tao dito sa campus. Kung makapagchismisan kasi sila.

“Waah totoo nga!” pagpasok ko ng classroom narinig ko pa na sumigaw si Roxie habang nagcecellphone sila ni Kim.
“Waah nakakabilib talaga.” Umupo naman ako sa table ko na malapit lang sa kanila. Hindi ko kasi sila talaga katabi dahil panigurado wala akong matututunan kung tatabi ako sa kanila.
Tumingin naman silang dalwa sakin na parang may nagawa akong krimen. Problema ng dalwang ito!?

“Nabasa mo na ba yung pinag-uusapan sa buong campus?” pinakita nila sakin yung isang website dun sa cp ni Roxie.

Hindi ko tiningnan at kinuha ko na lang yung libro sa probability. Yung bigay sakin ni Zero at nagsagot na lang ako. 5 pages na lang kasi matatapos ko na. Kahit na wala na rin itong kwenta kasi mukhang hindi na kami magkikita ng mokong. Pati ayoko na rin makita ang gunggong na yun!

“Max, wala ka ba talagang pake? Tungkol ito sa boyfriend mo!” napatigil ako sa pagbabasa at lumingon ulit sa kanila.

Kaso sakto namang nagtime na.

Kaya kahit bawal, pinilit ko pa ring magcellphone habang nagkaklase. Kahit na pagnahuli ako ay patay talaga ako sa prof. namin.
Nabasa ko dun sa article na yung isang sikat na dance choreographer daw sa isang sikat na tv network ay gustong maging manager ni Kenner. Nabanggit din sa article na yung friend ni Kenner na si Madison Caden daw ang nakausap nung sikat na choreographer na yun tungkol dito. Hinihintay na lang daw ang sagot ni Ken Cabrera. Napili daw si Kenner dahil sa angking lakas nito sa mga tao at kabataan. Hindi daw talaga maikukumpara ang angking galing nito pagdating sa sayaw. Kaya nagustuhan siya nung tao.

Ibig sabihin.. maaaring mas lumagpas pa si Kenner sa kung anung katayuan meron siya ngayon. Yun pala yung kapirasong papel na binigay ni Madison kay Kenner nung isang araw. Ito na kaya yung kinatatakutan ko?

Ngayong araw na’to sine-celebrate ng psyren at nung Madison na yun ang surprise birthday party nila para kay Kenner. At bukas naman namin.. ise-celebrate ng kami lang ni Kenner. Pero dahil sa mga nalaman ko ngayong araw na’to. Parang hindi tuloy ako makapag-isip na kung anung pwede naming gawin bukas..
HTML Comment Box is loading comments...