Pumayag naman ako na manood ng movie since Friday naman at wala naman din klase tomorrow.
Nag-Harry
Potter-marrathon movie lang naman kami. Kumain ng kung anu-ano dahil
sakto naggroceries siya. Balak nga namin hanggang 10 lang mabuti na lang
wala sila mama at papa ngayon kaya hanggang 2am kami inabot ng
pagmamarrathon namin.
Yun nga lang hindi namin natapos yung 7 seasons ng harry potter.
“Ganito
pala sainyo pagmadaling araw no.” sa totoo lang first time ko nga
ngayon na maglakad-lakad sa llugar naito ng ganitong oras.
Pero hindi rin safe kasi kanina may mga nakasalubong kaming nag-iinuman.
Nakarating naman kami sa bahay namin.
“Sige dito na lang.” papasok na sana ako sa may gate nung lingunin ko ulit siya dahil hindi pa siya umaalis.
Nakatingin lang siya sakin at parang.. may gusto siyang sabihin.
“Bukas.. may gagawin ka?” humindi naman ako.
“Bukas. Okay lang sayo?” kinagat niya yung labi niya.
Nagets ko naman yung ibig niyang sabihin kaya omoo na lang ako.
Sabi
niya magkita kami ng 10am sharp. Sabi ko naman sa may labas na lang ng
subdivision kami magkita. Dumating na din kasi sila mama nung umaga.
Nagpaalam na lang ako na may pupuntahan ako.
Pumunta kami
ni Kenner dun ulit sa studio. Okay lang naman sakin na pumunta paminsan
minsan dito kahit na wala naman talaga akong gagawin dito kundi ang
panoorin sila. Pero sa totoo lang naman kasi hindi ako naboboring na
panoorin ang grupo na’to. Samahan pa na nakikipagshare ako sa kanila ng
food. Nabanggit din kasi sakin ni Kenner na malaki din ang napanalunan
nila dun sa competition lalo na at first place sila. Kaya ngayon daw ang
aim ng grupo magchampion na talaga sa susunod na dance competition.
At
may mga narinig din ako tungkol sa Madison na yun. Narinig ko kay
Kenner na nagkahiwa-hiwalay na daw ang grupo ni Madison simula nung
matanggal sila sa top 5. At sumama ang babaeng ito sa kanila bilang
taga-suporta at parang manager na rin nila.
Napansin ko nga yung closeness nila e..
Nagkameron
sila ng break. Pero di ko rin nakausap si Kenner dahil nag-iisip siya
ng mga bagong moves sa sayaw nila. Nag-cr ako nun, at nung bumalik ako
dun sa inuupuan ko. napansin ko na nagtipun-tipon yung ibang mga psyren
pati na rin yung Madison.
Kinuhako yung phone ko at hindi ko sinasadyang sumali sa usapan nila.
“Eh ikaw girlfriend anong plano mo?”naglingunan silang lahat sakin. Pati yung Madison na blanko ang expression ang mukha.
Tinaasan ko ng kilay yung kumausap sakin. Hindi ko maalala ang pangalan, “Bakit anu bang meron?”
“Anu bang klaseng gift ang isusurprise mo kay Kenner? Sa birthday niya..” lahat sila nagkantsawan.
Maiinis na sana ako. Kaso nung sinabi nilang birthday ni Kenner.
Umalis
naman yung Madison. Nagpaalam ito na mag-iisip pa ng mas magandang
paraan. Mukhang may pinaplano sila sa birthday ni Kenner.
“Alam mo, hindi mo naman kailangang gumastos para kay Kenner.”
“Ibigay mo lang yung gusto nung tao magiging masaya na yun!”
“Lalo na siguro kung..” parang pare-parehas sila ng iniisip kaya pare-pareho silang nag-aapir sa isa’t isa.
Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ako umaalis sa tayo ko. sino bang gustong makipag-usap sa mga bastos na’to.
“Anong kahit anung ibigay?” nabigla naman ako pagtalikod ko nasa likod ko na siya. kalalapit lang siguro niya.
Pawisan siya at basang basang yung sando niya.
“Ano itong naririnig ko na lalo na siguro kung.. ANO
HA!” naiinis niya sabi. Ewan ko kung seryoso siya. pero hinarangan niya
ako sa mga tropa niya. Naamoy ko tuloy yung pawis niya.. mabango naman..
“Hahahaha.” Nagtawanan yung mga lalaking yun. Napairap na lang ako. sila sila lang naman nagkakaintindihan e no.
Pero
dahil na rin sa mga taong ito, hindi ko pa malalaman na malapit na pala
ang birthday ni Kenner. Anung klaseng girlfriend ang hindi man lang
alam kung kailan ang kapanganakan ng kaniyang boyfriend.
Kaya
nung matapos silang magpractice. Naisip kong magtanong sa isa sa kanila
hangga’t nagshashower pa si Kenner. Pero sinigurado ko na hindi
magmumukhang intentionally.
“Uy nasaan ang shirt ko!!?”
may isang lalaking lumabas ng nakatopless. Nahuli niya akong nakatingin,
ngumiti naman siya ng parang may ilang na nararamdaman. parang namang
may pake ako dun sa katawan niya kahit pa sabihin nating may abs yan.
Pero naisip ko rin na sa kanya na lang magtanong.
“Ano ba ilabas ninyo nga yung shirt ko!!” pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
“Baka na kay Kenner, punta kang banyo!”
“Bakit
mapupunta kay Kenner. Hindi nga makapaghubad yung tao dun sa loob e—“
napatingin naman sila sakin. Nagngingitian pa ng nakakaloko.
“Pumunta ka na lang dun!”
“Eh!!!” sumunod naman ito.
Uto-uto.
Obvious naman na pinagtitripan siya nung mga kasama niya. mukhang sa
kanya yung shirt na nilagay nila sa bag ni.. Madison. Nakita ko kasi si
Madison na ginagamit yun kanina. Mga bastos talaga pati yung babae
dinadamay.
“WALA NAMAN E.”
“Oi aalis na ako,
itetext ko na lang kayo a—“ napaalis naman ako sa tayo ko nung makita
ko si Madison na papalapit sa bag niya sabay sukbit dito.
Pati yung iba nagreact pero iba din sa kanila ngumingiti lang ng nakakaloko.
“Sige ingat ka.” Naisip ko na gamitin ang phone ni Kenner at itext si Madison since hawak naman niya yung phone niya.
Nakita ko ang reaction nung Madison. “Wait lang. bantayan niyo yang gamit ko a.”
“Hoy ano ba di na ako nakikipagbiruan sa inyo a!!” naghahanap pa rin yung uto-utong lalaki.
Pero
mas nacaught yung attention ko nung makita ang mga ngiti nung Madison
na yun nung tinext ko siya gamit ang phone ni Kenner. Hindi ko alam kung
bakit parang may something sa mga ngiting yun.
“AHHH!!” nagsitakbuhan silang lahat nung marinig si Madison na sumigaw.
“Oy!”
Pero imbes na sumunod ako, tinuloy ko yung plano ko.
Lumapit ako dun sa lalaking pinagtripan nung mga kasama nila.
“H-hi.” Sabi nito sakin. Akala siguro nito binabati ko siya.
Nginuso ko naman yung bag ni Madison.
“Hah?”
Nakakabadtrip man, “Yung shirt mo nakita ko dun.” Tinuro ko na yung bag ni Madison.
Nagulat pa ito nung ituro ko yung bag ni Madison at dali dali ding tiningnan yung shirt niya at kinuha.
“Hayy muntik na yun. Salamat Max a! Mabait ka naman--”
“Kailan nga pala yung plano ninyong surprise birthday party kay Kenner?” diniretso ko na agad siya.
Binigyan pa niya ako ng nagtatakang tingin. Tiningnan ko na lang siya ng masama.
“Hehe.
Sa friday. Tapos kinabukasan yun yung birthday niya. Sakto nga e wala
kang pasok. Sabi niya samin nireserba talaga niya ang araw na yun para
sainyo—“ agad akong lumayo sa kanya nung maramdaman na pabalik na yung
mga kasama niya.
Parang wala lang nangyari.
Pero..
“NAKAKAINIS
KA! NAKAKAINIS KA!” hinahampas-hampas nung Madison na yung sa braso si
Kenner. Tawa naman ng tawa yung mga kasama niya pati na rin si Kenner.
Pulang pula yung mukha ni Madison. Mukhang may nangyari dun sa cr.
“May kamanyakan ka palang tinatago Madison e.” inaasar pa siya ng mga lalaking yun.
Tiningnan niya ng masama si Kenner at nagpout siya.
“Nakakainis ka. Bakit mo ba kasi ako tinext.”
Tawa ng tawa si Kenner. Pero nagtaka din siya sa sinabi ni Madison.
“Oy akala ko ba nagmamadali ka Maddy?”
“Ah oonga pala.” Hinampas niya ulit si Kenner. “Sige na!” nginitian lang siya ni Kenner.
Parang nakita ko na yung ganong scenes. Tuwing finiflirt si Kenner nung mga babae sa campus namin. At sa tuwing nagpapacute si Nika dati sa kanya.
“Sige bye-bye!” nagpaalam silang lahat kay Madison.
Kinilabutan
naman ako nung makita yung uto-utong lalaki sa tabi ko. nakakadiri pa
yung ngiti niya. minsan talaga ang hirap gumawa ng mabuti sa kapwa mo.
nilalagyan nila ng ibang ibig sabihin.
“Max.” lumingon naman ako kay Kenner. At gets ko kung anung klase tingin yun..