“It’s first day of school. Wala naman tayong gagawin kundi mag-attendance. Iintoduce sa atin yung subject at yung magiging topic nating for the whole sem. Bakit? Nagdala ka ba ng libro?”
“Hindi a.”
“Haahha. Don’t tell me Kim nagdala ka nga ng libro. Sabik lang te?”
Umagang umaga ang iingay nila. paano pa kaya mamaya? Panigurado tuloy-tuloy na yang bunganga nila.
“Ikaw Max, nakabili ka na ba ng libro?”
Humalumbaba ako at umiling.
“Bakit?” parang gulat na gulat sila.
“Sasabihin naman nung prof. diba kung kailangan na. hindi naman kailangang magmadali.”
Nagkatinginan pa sila. Na parang parehas ng iniisip. Umayos ako ng upo at nagtaka sa mga reaction na pinakita nila. nakakadiri.
“Sabihin wala ka lang oras kasi sinusulit niyo ang oras ninyong dalwa ni Kenner!”
“Parang wala ng bukas oh~” kung anu anong sinasabi nila. Dinedma ko na lang.
“Magkwento ka naman!”
Panay ang kantsaw nila, iniirapan ko na lang sila at tinitingnan ng masama.
Maya-maya dumating din yung prof. namin. At gaya nga ng sinabi ni Roxie inintroduce lang sa amin yung subject at yung magiging topic namin for the whole sem. May iba pa na nag-attendance lang kami at may subject din na hindi namin nameet yung prof. namin.
Natapos ng ganon ang buong araw. Kaya mas maaga akong nakipagmeet kay Kenner.
Ipapakita daw niya kung saan na siya tumitira for the mean time na nandito siya. at pinagtataka ko kung bakit kami pumunta sa subdivision namin.
Yun pala, dito siya kumuha ng apartment. Malapit nga talaga sakin..
“Hindi ko masisigurado na palagi akong nandito. Pero pipilitin ko na after ng mga lakad ko, dito ako uuwi.” At ang partment na ito ang apartment dati ni Zero..
At dahil nandito na rin naman kami sa topic na’to. Naisip ko na rin na ipasok ang tungkol sa ama niya.
“Nagkita na ulit kayo ng papa mo?” napatigil naman siya sa pag-aayos sa gamit niya.
Parang tuloy nawalan siya ng gana sa ginagawa niya. agad akong lumapit sa kanya at tinulungan siya. nginitian naman niya ako.
“Simula ng maghiwalay sila ni mama at umalis ako ng Pinas. Wala na akong narinig kay Papa. Hindi ko pa sya nakikita..” hindi ko naman naiwasang mapatingin sa kanya. Ang lungkot ng mga mata niya. “Ang totoo kasi.. iniiwasan ko rin na mameet ko siya.”
Nagtama ang mga mata namin.
Hindi ko tuloy namalayan ang mga nahahawakan ko.
“Sorry!” nagkalat yung mga gamit niya.
Agad naman akong umupo at inayos yun. Tumawa siya at nag-ayos na lang din.
Nung maya maya may nakita siyang piraso ng papel dun sa cabinet. Nung tingnan namin parehas, nagulat naman ako nung marealize ko kung sino ang nakaguhit dun sa papel.
“Wow. Ikaw ba ito?” tiningnan ko yung papel at akong ako talaga yung nakaguhit dun. Tiningnan ko yung initial na nakalagay dun sa tabi.
“ZnA. Siguro siya yung nagdrawing nito. Pero.. sino naman kaya yun? Kilala mo?” tiningnan niya ako na talagang may curiousity sa kanyang mga mata.
“Siguro. Baka.. hindi ko sigurado.”
Bakit ito ginawa ni Zero? Ano bang iniisip niya at ginawa niya ang bagay na’to.
Pupunitin ko sana—
“Wag!” inagaw niya yung papel sakin. “Kung ayaw mo, akin na lang. Ipapaframe ko ito!” ngiting ngiti siya. Bakit siya masaya? Wala siyang idea kung sino ang nagdrawing noon!
“Siguro sinadya talaga na makita ko ito.. Haha.”
Kung alam lang niya..
Kung sino ang tao sa kabila ng drawing na yun. Kung anung kaugnayan niya sakin.. at sa buhay niya.
Kahit malapit lang yung bahay namin. Naisip ko na dito na lang sa apartment ni Kenner maghapunan. Bago kasi ako umuwi, namili din ako ng mga groceries para sa kanya. Nagulat nga siya e. gumawa na lang ako ng rason na may kinailangan akong bilhin kaya sinabay ko na lang yung paggogroceries.
Naisip naming dalwa na magluto ng adobo kahit ang totoo ngayon pa lang ako magluluto nito. Pero atleast may ideya naman ako kung paano ito lutuin.
Kaso nakakahiya pa rin.. na hindi maging maganda ang resulta nung luto ko.
“Anong lasa?” nagwoworry kong sabi.
Tiningnan naman niya ako sabay kinindatan ako.
Mababatukan ko siya ng di oras! Magpacute daw ba! Balak ba niyang bigyan ako ng heart-attack. Kinakabahan na nga ako sa lasa nung luto ko tapos magpapacute pa siya.
“Okay naman siya. not bad for the first timer like you.” Nilagyan niya ng kanin yung pinggan ko.
Tinikman ko yung luto ko. hindi nga siya nagsisinungalin. Pero nakakahiya pa rin. Ayoko talaga kasi ginagawa ang mga bagay na’to.
Minsan kinikilabutan na talaga ako na nagagawa ko yung mga bagay para sa kanya na hindi ko naman talaga ginagawa noon. Nasanay ako na ginagawa ito sakin ni Leo.
“Kumain ka na.” tumango naman ako.
Gaya nga ng sinabi niya hindi palagi na makakauwi siya dun sa apartment. Hindi rin kami madalas na magkatext o magkatawagan. Kaya minsan sa studies na lang ako nagfofocus lalo na ngayon na puro mga major subjects ang meron kami.
“Sige. Text mo na lang kami.” Iniwan ko naman sila Kim at Roxie.
Pumunta ako sa thespian. Ngayon kasi magsisimula ang audition at sabi samin ni Sir na kailangan lahat dawn g member kung maaari ay pumunta lalo na kung free time naman namin. Lalo pa na puro singing daw ngayon.
Mabuti na lang at medyo marami rami na sila noon nung makarating ako. Pinapakilala kami ni Sir isa-isa. at sinabi ni sir ang mga dapat gawin at mga rules ng thespian sa mga mag-o-audition. Halos kasi 10 din ang nawala sa mga members dahil ang iba lumipat ng school at ang iba mga graduate na.
Inabot kami halos ng alas-8 dahil sa dami ng nag-audition.
From:”Kenner
Uuwi ako ngayon. Nood tayong movie ;)