Nasa byahe pa lang kami pauwi. Ang lakas ng ulan dahil na rin siguro
malapit ng mag-June. Nakasandal lang ako sa may bintana habang
pinagmamasdan yung daan. Inaalala ang mga nangyari kanina. Hindi ko kasi
alam.. kung paano ko sasabihin kay Kenner ang nalaman ko ngayong araw
na’to.
Bzzt..
Tiningnan ko yung nagtext sakin. Si Kenner.
“Ma,
Pa. Pede po bang ibaba ninyo ako bago tayo pumasok ng subdivision
natin?” magtatanong pa sana si mama pero nakatango na si papa.
Nakauwi
naman kami. Ibinaba ako nila mama dun sa may convenience store malapit
dun sa subdivision namin. Sinabi ko naman sa kanila na ako na ang bahala
pag-uwi. Hindi naman ako magtatagal ng isang oras kaya hindi na rin
nila ako hinintay.
Naupo ako dun sa may malapit sa store sa labas. Itetext ko pa lang si Kenner nung dumating na siya.
Napangiti naman ako nung makita siya. nakangiti rin siya at parang may tinatago sa likod niya. Naupo naman siya sa tabi ko.
Nakatingin
pa rin ako sa kanya habang nakatingin siya sa malayo. At ngumiti siya
nung tumingin ulit siya sakin. Parehas kaming napatawa.
Hindi ko alam kung bakit kami nagkakaganito. Masaya lang talaga ako.. na hindi na tapos ang araw na’to ng hindi ko siya nakikita.
“Can I borrow this first?” kinuha niya ang kamay ko. kinabahan naman ako nung alisin niya yung bracelet na soot ko.
That
bracelet was from him. Binigay niya sakin yun nung una siyang
magconfess. Hindi ko yun malimit isoot. Pero hindi ko akalain na
mahuhuli niya akong soot yun. Kinakabahan ako. ang lakas ng tibok ng
puso ko. Nakakahiya! Pero natural lang naman na isoot ko yun diba?
“Pasensya
ka na, na hindi ko ito nagawa ng mas maaga.” kinuha ulit niya yung
kamay ko. Sinoot niya ulit yung bracelet. “Hindi ko man lang naibigay
ang oras ko sa napakahalagang araw na’to.”
THUMP. THUMP.
Kasabay ng malakas na pintig ng puso ko. ang pagkabigla ko na makita yung bagong mukha nung bracelet.
Tiningnan
ko siya ng may gulat sa mga mata ko. Matipid siyang ngumiti. Hindi ko
alam kung bakit.. pero sobra akong natouch sa ginawa niya. Tinaas ko
yung kamay ko at tinitigan yung bracelet. Napakaganda! May nakalagay dun na initial namin na parehong nakaheart-shape. Sobrang saya ko..
“Salamat!” may pinakita pa siya sakin. Isang necklace.
At yung nakalagay sa necklace na yun ay yung tinanggal niya sa bracelet.
“Pede mo bang isoot sakin?” ngumiti ako at tumango.
Lumapit
ako sa kanya at isinoot ko yung necklace sa kanya. Naramdaman ko naman
ang mga kamay niya sa likod ko. at niyakap niya ako ng mahigpit.
“Happy 18th birthday.”
Mas masarap talagang pakinggan ang mga katagang yun galing sa taong mahal mo.
Napag-usapan
namin na magkikita kami ngayon. Sinabi ko sa kanya na ako na lang yung
pupunta sa kanya. Binigay niya sakin yung address ng dance studio nila
kung saan sila nagpapractice. Madali ko naman yung nakita. Medyo malayo
pero okay lang naman.
Tinitingnan ko yung building kung tama nga
ba yung napuntahan ko nung makita naman ako ng isa sa member ng psyren.
Naalala niya ako nung minsan pinakilala ako sa kanila ni Kenner.
“Dito ka na muna. Nasa kalagitnaan kasi kami ng practice.”
Naupo
naman ako. at nakita ko ang buong psyren doon. Nakaupo sila habang may
isang babae dun na nagsasalita. Hindi ko alam kung choreographer ba nila
ito o anu pero lahat sila nakikinig dito. At mukhang nag-eenjoy sila sa
pinag-uusapan nila.
Nakita ko naman si Kenner, napatingin din
siya sakin dahil tinuro ako nung nakakita sakin kanina. Ngumiti siya. at
lahat sila including that girl ay napalingon sakin. Medyo nailang ako..
at the same time nahiya. Parang nakakaabala kasi ako..
Parang nag-excuse naman siya sa mga ito. At lumapit sakin.
“Kanina ka pa?” tumabi siya sakin. Umiling naman ako.
Inabutan niya ako ng drinks. “Malapit na kaming matapos, pakihintay na lang a.” kinagat niya ang labi niya. tumango naman ako.
Bumalik naman agad siya. lalo na at mukhang magsisimula na silang sumayaw ulit.
Nahuli ko naman nakatingin sakin yung babae. Agad din siyang umiwas nung tingin. At parang.. familiar siya.
After
ng mahigit na oras natapos din silang magpractice. Hindi naman ako
nainip dahil sa totoo lang nakakaenjoy pa lang panoorin talaga ang grupo
nila sumayaw. Parepareho silang magagaling sumayaw. Lalo na si Kenner.
Hindi nakapagtataka na hinirang siya as the ‘dance floor ace’ ng lahat
ng taong may kilala sa kanya.
Inoobserbahan kong mabuti yung
studio at talagang ibang iba ito dun sa school namin na dating
pinagpapractisan din niya. wala akong masyadong alam pagdating sa
pagsayaw. Pero sapat na yung nakita ko ngayong araw na’to para masabi ko
na magkaiba talaga ang mundong ginagalawan naming dalwa.
“Anu ba!” napalingon naman ako sa kanya. Kasalukuyan siyang kinukulit nung mga kasamahan niya. tawa sila ng tawa.
Hindi malayong maging sikat siya sa angking talento meron siya.. At natatakot ako na maging rason yun para mapalayo siya.
Nginitian naman niya ako at agad na lumapit sakin.
“Tara?” kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at pinahid sa pisngi niya.
“Hindi mo pinupunasan ng mabuti ang buhok mo.” kashashower lang kasi niya.
“Ah pasensya na.” pinunasan naman niya gamit yung tuwalya niya.
Napatakip
naman ako ng ilong gamit yung fist ko. pakiramdam ko pa nag-iinit yung
pisngi ko. hindi ko alam kung anung rason. But just now.. ang bilis ng
tibok ng puso ko. Bukod kasi sa mabango siya.. aaminin ko talaga mas
gumwapo siya kaysa noon. Agh hanggang saan pa kaya siya may igagwapo no!
“KEN!” lumapit naman samin yung babae. Napatingin siya sakin. Inayos ko naman yung facial expression ko.
Nakakunot kasi yung noo ko.
She smirk at me tapos agad ding tumingin kay Kenner at may inabot sa kanya na kung anung piraso ng papel.
“Ano ito?” lumapit yung babae kay Kenner. May kung anu siyang tinuro dun sa papel.
Napaiwas naman ako ng tingin nung mapansin ko na sobrang lapit naman niya kay Kenner. Ayoko pating magreact.
“Kilala mo ba siya?” kita ko sa pheriperal vision ko na umiling si Kenner.
“Hayy bakit hindi mo siya kilala? Talaga bang dancer ka!?” napalingon ulit ako sa kanila kasi sinisigawan niya si Kenner.
Pero nag-init ang dugo ko nung makita yung reaction niya. Bakit nagpapacute siya sa harap ni Kenner! Tapos may pagngiti pa si Kenner sa kanya..
“Sige na. sasamahan na lang kita!” hindi ko sila tinitingnan.
“AH! Maddy. Si Max nga pala. Max!” lumingon naman ako. nagtaka ako sa worried face ni Kenner.
Nagets
ko naman kaya agad ko ding inayos yung reaction ko. Nakakainis! Nahuli
lang naman ako ni Kenner na magkasalubong ang kilay.
“Hi.” Ngumiti ako ng matipid.
Naglahad ng kamay yung babae, “Madison Caden.” Sa totoo lang hindi ako sanay makipagshake hands.
Pero nung maalala ko yung facial expression ni Kenner kanina, sinubukan—
“Hindi ka nga pala daw sanay sa mga ganito.” Agad na binawi nung Madison yung kamay niya.
Konti na lang at magcocolapse na ako sa inis!! Pinaglalaruan ba ako ng babaeng ito!?
Umiwas
na lang ako ng tingin, “Maxine Pedrosa.” Sabi ko in a bored way.
Napansin ko naman yung reaction ni Kenner. Ang lungkot niya.
“Pasensya na. I think I should go first.”
May nagawa ba ako?
“Sorry. Pinaghintay kita.”
Hindi naman yun ang ibig kong sabihin!