“Sigurado ba kayo na dito ninyo gusto kumain?” pagtataka ko habang pumapasok kami sa isang 5 star hotel.
“Diba ikaw na ang nagsabi na ako na lang bahala..” sagot naman ni mama.
Hindi
ko inakala na dito maiisip nila mama at papa na ipagdiwang ang 18th
birthday ko. hindi ko nga gusto ang isang magarbong celebration. Pero
dinala naman nila ako sa mamahaling restaurant at sa isa pang 5 star
hotel dito sa maynila. Kaya pala nila ako pinagsoot ng ganitong dress at
heels. Agh kung naisip ko lang na gagawin nila ito sana pala ako na
lang mismo ang nag-isip kung paano ise-celebrate itong birthday ko.
‘Once in a lifetime..’
“Kumare.” Nagulat pa ako ng makita sila Tito at Tita. Kasama syempre si Leo. Bakit?..
Nagtaka pa ako. eh ano pa bang ieexpect ko kay mama.
Naupo kami sa table.
“Happy Birthday, Max.” nakangiting sabi ni Leo. Ngumiti na rin ako.
“Si
Leo lang naman ang kakilala ko na sobrang malapit sayo, kaya siya na
lang inimbita ko. salamat hijo, kumare, at kumpare.” Nagpasalamat naman
ako kila tita, tito at kay Leo.
Dumating naman yung
inorder naming pagkain. Sila mama, papa, tito at tita may kani-kanilang
usapan naman. Habang kami ni Leo, nagngingitian lang at nagtatawanan.
Hindi rin siguro siya sanay na makita akong nakaayos ng ganito. Ibang
iba kasi talaga yung itsura ko ngayon. Nakakailang pa na madalas kong
mahuli si Leo na nakatitig sakin.
Sayang lang na hindi ko kasama si Kenner sa araw na’to.
Nakatanggap ako kila tita at tito ng regalo. Bukod pa yung regalo ni Papa. Naisip naman namin ni Leo na maglakad lakad sa labas.
Hindi
ko alam kung saan kami dinala ng mga paa namin nung makakita kami ng
grupo ng mga koreano. May iba rin na napapatigil para mapanood sila.
Nagpeperform sila. Nung mahook naman ako dun sa sunod nilang kanta.
[/It’s Me Sunny & Luna]
Hindi ako fund ng mga koreano at lalo na ng mga kanta nila. hindi ko nga nagustuhan yung Nobody at
kung anu pang kanta ng 2ne1. Ito ata ang unang pagkakataon na
nagustuhan ko yung kanta nila. hindi ko alam kung bakit. Pero may kung
ano dun sa kanta na nagpagaan ng loob ko. Na parang dinededicate sakin
ng kantang yun ang bawat lyrics niya kahit wala akong maintindihan.
“Max.” napalingon naman ako kay Leo nung iabot niya sakin ang isang maliit na box.
Sinenyasan niya ako na buksan ko.
At isang hikaw lang ang nakita ko.
Napakunot
ako ng noo, “Tinitipid mo ba ako at iisa ito? Bakit hindi mo man lang
ginawang isang pares?” nilahad ko yung kamay ko, “..akin na yung
kapares.” Natatawa kong sabi.
Natawa din siya at sabay iling.
Nagtaka naman ako.
“Enjoy
the last two years until your glorious teenage is over. You may have
been born 18 years ago but you have become legitimate in this world only
today. Sobrang ganda molalo na ngayon, Max. You can have the
privileges of being 18 only once. Kaya dapat wag mong sayangin yung oras
mo!” sinabit naman ni Leo yung lumaylay na bangs ko sa tainga ko.
“..Hindi
ko binili ang hikaw na yan para gamitin mo, Max. I just want you to
treasure that.” Tiningnan ko ulit yung hikaw. Napakaganda nito at parang
ginawa talaga para sa isang tao.
Pumasok na ulit
kami sa loob ng hotel. Nagpaalam si Leo na mag-si-CR siya kaya naisip ko
na muna na tumingin tingin. Napakalaki at napakaganda talaga ng loob ng
hotel. Hindi ko talaga inaakala na gagawin ito nila mama at papa para
lang sa araw na’to.
Lumingon ako dun sa may cr at nakita ko na wala pa rin si Leo. Hindi naman masamang macurious kaya mas lumayo pa ako.
“Ibang klase.” Hinubad ko na yung heels na soot ko sa sobrang laki talaga nung hotel. Parang hindi ka mauubusan ng pupuntahan.
Sa bawat dungaw mo sa binata, ang ganda ng view. Lalo na siguro kung magchecheck-in ka dito sa gabi.
Napansin ko na lumipas na pala ng 30 mins. kaya agad akong naghintay ng elevator.
“I will just.. call you again Mr. Choi. Thank you, again.”
Nagvibrate
yung cp ko. Nagtext si Leo kung nasaan ako. tinext ko naman siya na
pupuntahan ko na lang dun sa may lobby. Pagkatapos agad ko ding nilagay
sa may purse yung cp— BLAG!
“Be careful.” Muntik na. Mabuti na lang nakacarpet yung sahig. Bago pa naman yung phone na bigay ni Papa.
Nagbow ako at nagpasalamat. At nabigla sa nakita ko.
Tiningnan lang niya ako ng nagtataka na parang hindi ako namumukhaan.
“Mr. Cabrera.” Ang papa ni Kenner.
Ngumiti ito, “Did we ever met before?” hindi nga ako nito maalala.
“Pa!” napalingon naman kami. At mas nagulat ako kung sino yung tumawag ng Pa kay mr. Cabrera.
Pati siya nagulat din nung makita ako, “Max..”
Bakit tinawag ni Zero na pa ang ama ang Kenner?..
Nagbukas
yung elevator. Nagbow ako para paunahin si mr. Cabrera. Pinauna naman
ako ni Zero. Hindi maalis ang tingin niya sakin. Mukhang may hindi dapat
ako malaman. Agh..
“Roun, you just called her Max. Did by
any chance you knew each other?” tanong ni Mr. Cabrera ng hindi
tumitingin. Kahit ako ayokong tumingin kay Zero. Napakaawkward ng
situation na’to.
“And you young lady, what’s your real name?” gaano ba kalayo ang narating ko at ang bagal ng elevator na’to.
“Maxine Pedrosa.. sir.”
Tumunog
yung elevator. Nasa ground floor na kami. Nagbukas yung pinto. At di
kalayuan samin, nakita ko si Leo na naghihintay sa may lobby.
Lalabas pa lang ako nung lumingon ulit sakin si Mr. Cabrera at hinarap ako.
“Ms. Pedrosa.. are you my son’s girlfriend?” tumingin ako kay Zero. May gulat sa mga mata niya. agad din naman siyang umiwas.
“Yes, sir.” Natawa ito.
“So
hanggang ngayon pala kayo pa rin ni Kenner.” Hindi ko alam kung paano
ako magrereact. “Good job, ms. Pedrosa!” tinap pa ako nito sa may
balikat bago ito umalis.
Hindi ko alam kung ano bang dapat
kung maramdaman. Ang makita ang ganong reaction ni Zero. Ang makita ang
sarcastic na tawa ni mr. Cabrera. Pero naiinis ako sa mga nakita ko. sa
mga natuklasan ko.
May alam kaya dito si Kenner?..