1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 50

“Here’s your order mam.”

“Waah ang sasarap.”
Ininum ko naman yung akin.
“Waah! Anu ba Max, pipicturan pa namin!” inagaw naman yun ni Kim. Pero agad ko ding kinuha at pinandilatan ko siya.
“AYY ang takaw talaga!”

“Kumain na nga lang tayo.”
“Hmf, ang sarap talaga ng ice cream dito no. pati yung drinks nila.”
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi tuloy ako masabay sa pinag-uusapan nila.

“Nakauwi na daw ang psyren dito sa Pinas.”
 “By the way, first runner up sila dun sa competition.”
“Instant celebrity panigurado ang mga dating nila dito no..”

“Nagkita na ba kayo ni Kenner, Max!” bigla na lang sinigaw ni Roxie ang pangalan ko. nawala tuloy ako sa pagmumuni muni.
“Anu yun?” hindi sila umimik pero nagets ko yung facial expression nila.

“Ang galing nung huli nilang sumayaw no.”
“Ang ha-Hot nila!”
“Lalo na kamo yung Kenner. Panigurado magiging artista yun.”
“Ni-follow ko nga siya sa twitter e!”

Halos pala lahat ng tao dun sa café ang pinag-uusapan ay ang psyren. Mukhang kumalat na rin ang balita na bumalik na sila. Kung hindi ko pa makikita si Kenner kahapon hindi ko rin malalaman na nagbalik sila.

“So anu nga, nagkita na ba kayo ng boyfriend mo?” tinaasan ko lang sila ng kilay.
“Ano!? Wag mong sabihin hindi pa kayo nagkikita?”
“Akala ko pa naman ikaw ang una niyang pupuntahan kapag nakauwi na siya ng pinas.” Kung makapag-usap sila parang wala ako dito sa harap nila.

Hindi na lang ako nagkwento kila Roxie at Kim. Mas mabuti na rin yun para mas konti lang yung mapag-usapan nila.
Ilang beses ko ding tinitingnan yung phone ko. simula pa kanina pag-alis niya wala na akong narinig sa kaniya. Sabi din kasi niya na uuwi siya sa mama niya. siguro sa mga oras na’to natutulog siya. talagang pagod na pagod kasi siya kagabi. At masaya ako na ako ang una niyang pinuntahan..


“Kung sa mga taga industrial na lang kaya tayo magprobability?”
“Yung calculus saan tayo?”
Click lang ako ng click. Kaysa naman sa umingay ako kagaya nila.
“Oy Max! wala naman itong pakisama oh!~”

Natapos kaming mag-encode ng aming schedule. Naiprint na rin namin. Kaya maglalunch naman kami.

“ahh limang araw na lang pasukan na ulit.”
“Parang balewala yung 3 linggong bakasyon!”
Kahit na anung bagay talaga may mga side comment sila.

Napatigil naman kami sa paglalakad. Nung makasalubong namin si Nika. Siya lang.

“Nagbalik na si Kenner right?” nakangiti siya ng pang-asar. Iniwasan ko na lang.
“Eh anu ngayon sayo. Parang namang dadalawin ka nung tao!” pasigaw na sabi ni Roxie.
“Asa ka te hanggang sa burol mo.” nag-apir pa sila nila Kim at Roxie.
Inirapan lang sila ni Nika.

Umalis na lang ako.
“Wait Max!” tumigil ako. “Just wanna ask you, kung handa ka na.?” tinaasan pa niya ako ng tono.
“Ano bang sinasabi ng—“ tiningnan ko si Roxie. At sinenyasan silang wag na lang magsalita.
“Hmf!”

Hindi ko alam kung anung binabalak ni Nika. Pero sigurado ako isang bagay yun para makasira samin ni Kenner. Kung anu man yun dapat maging handa ako. hindi ko na maaafford na mangyari ulit yung dati.

“And the most awaiting.. PSYREN!!”
Pinapalabas ngayon sa tv ang psyren. Guest sila sa isang variety show dito sa Pinas. napansin ko lang na ang lakas nila sa mga kababaihan. Kahit yung host na ang nagsabi. Puro tarpaulin nila. siguro kung pumunta ako dun.. maririndi lang ang ako sa sigawan ng mga babae at bakla dun.

“Pansin ko lang a, iisang pangalan lang ang malimit kong marinig galing sa mga audience. At siya rin ata yung may pinakamadaming tarpaulin dito.~” pumasok naman si mama sa kwarto ko. “Sino ba itong.. Ken Cabrera?”

“Ano ba yang pinapanood mo?” napakagat ako ng labi. Hindi naman kasi talaga ako nanonood ng mga ganito.
“Yan ba yung mga kabataan na pinagkakaguluhan ngayon? Hayy yang mga ganyang lalaki hindi dapat hinahangaan. Mga kabataan nga naman ngayon.” Nilipat lipat ko yung channel. “Lumalabas sila sa tv para anu.. pagkaguluhan!  Anung makukuha nila dun, kagwapuhan!? Hayy hindi talaga ako natutuwa sa mga batang yan. Puro kayabangan lang pinaiiral.. kung pag-aaral kaya inaatupag nila no!” Ewan ko kung bakit parang natamaan ako sa sinabi ni mama.

Dahil siguro boyfriend ko ang isa sa mga lalaking yun..

Tumingin ako sa kanya. Tinitiklop niya yung mga damit ko. Sa bagay totoo naman talaga yung sinabi ni mama. Ayoko naman talaga sa mga so called-heartthrob-teen idol na yan. Totoong puro kayabangan lang ang pinaiiral nila. At kung hindi e anu? Puro pagpapagwapo, pagpapacute lang ang ginagawa nila pagnasa harap sila ng maraming tao. Ayoko sa mga katulad nila.

Noon yun..

“Malapit na ang birthday mo, anu ba talagang balak mo?” pinatay ko na yung tv.

“Kayo na lang ho ang bahala.”

Lumabas naman ako ng bahay. Naupo lang ako dun sa may garden.

“Max!” napadaan naman si Chad sa bahay namin. Hindi ko alam na umuwi na pala siya.

Naisip ko na pumunta na lang sa bahay nila Chad. Wala naman din kasi akong gagawin. Bukod pa dun namiss ko rin ang pagbisita dito sa bahay nila kahit hindi talaga ako madalas dito. Isa pang maganda dito, ay yung merienda nila. malimit kasing magluto si tita ng merienda. Natyempuhan ko pa na meron silang ‘Frozen Mango Brazo’ (with frozen brazo, fresh mangga & ice cream).

“Max, okay ka lang?” tumango ako. habang sinusubuan ko yung 5 taon niyang bunsong kapatid.
“Den-den dun ka na kay mama. Inaabala mo na kami ni ate Max e!” nagpout ito. Cute din itong kapatid ni Chad e.

Binuksan niya naman yung tv. Katatapos lang magperform ng psyren. At hindi rin natigil ang hiyawan ng mga audience.

“Max, si Kenner!”  nagfocus ang camera sa kanya. At parang halos lahat siya ang sinisigaw.


Hindi ko talaga maintindihan itong nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang malaking pagbabago sa kanya..

“Ibang klase na talaga si Kenner! No Max?” hindi na lang ako nagsalita at sinubuan ko na lang ulit si Den-den.
HTML Comment Box is loading comments...