"Hi, Max!" nakita ko si Chad sa may gate. Kalalabas ko lang.
Magpeperform kasi ngayon ang thespian sa plaza. Naisip nila Kenner gawin ang trip na’to para magkapera. Magpeperform lang naman kami sa gitna ng plaza habang dumadaan ang madaming tao. Tapos depende na sa kanila kung magkano ang ibibigay nilang pera samin. Illegal ang gagawin naming ito dahil pwedeng kahit na anong oras ay may makakita saming police since wala namang festival o ano pang celebration. Kaya napag-usapan namin na tatakbo na lang oras na may nakakitang police samin.
Nangingiti na lang ako sa tuwing naiisip ko ang plano nila. Atleast hindi ako mabobored ngayong sembreak dahil sa mga gimik nila.
“Chad.”
“Ah dun mo na lang ilagay Max!” ginawa ko naman yung inutos niya. Nire-ready na kasi namin yung mga music instrument. Pati inaayos na rin namin para kung tumakas man kami, ay madali ng dalhin.
Habang inaayos ko naman yung wires, hindi ko naman naiwasang marinig ang usapan nung ibang girls na mga nakatalikod sakin.
“Pansin ninyo?”
“Oo. Mukhang totoo nga yung sinabi ni Nika.”
Patapos na sana ako sa ginagawa ko pero nung marinig ko yung sunod na sinabi nila..
“Mukhang wala naman talagang namamagitan sa kanila. I mean, si Kenner yun. Friendly lang talaga siya. siguro masyado lang siyang nacurious kay Max. first time din kasi na may tumatrato sa kanya ng ganon.”
Ako pala ang pinag-uusapan nila.
Wala naman akong pake kaya aalis na lang sana ako—
“Mabait si Kenner. Kaya madaming nagkakagusto sa kanya. Medyo chikboy nga lang siya..
Galing nga lang ni Max at hindi talaga siya nafall sa charisma ni Ken. Ahahah.” Napatigil ako sa kinatatayuan ko.
Just now, hindi nagsalubong ang mga tingin namin ni Kenner. Na madalas na nangyayari. Pero ang mas weird, ay yung nilagpasan lang niya ako ng walang sinasabi??
Napalingon ako sa likod ko. I wonder.. kung bakit ang saya saya ng mga babaeng ito pag siya ang kausap. Maalala ko.. hindi na rin siya nagtetetext sakin pagkatapos ng nangyari sa bahay namin. So totoo ba na iniiwasan ako ni Kenner??
Hey I heard you were a wild one
Oooh
If I took you home
It'd be a home run
Show me how you'll do
Tumunog ang speaker pagkatapos kantahin ni Yana ang phrase na yun.
Nika :Pumunta sa gitna ang grupo nila Kenner kasama si Chad habang nagsasayaw at kinanta ang part ni Flo Rida ng sabay sabay. At agad kaming nakaagaw ng atensyon ng madaming tao. Napansin ko na madaming nagbubulungan at halos lahat sa kanila nakatingin kay Kenner. Mukhang kilala nila si Kenner. Kung titingnan mo, siya mismo ang nagdadala sa grupo.
I want to shut down the club
With you
Hey I heard you like the wild ones
Oooh
Siya yung pinakamagaling..
Rian:
I'm at a payphone trying to call home
All of my change I spent on you
Where have the times gone
Baby it's all wrong, where are the plans we made for two?
Kinuha ko naman yung microphone.
Me:
Yeah, I, I know it's hard to remember
The people we used to be
It's even harder to picture
That you're not here next to me
You say it's too late to make it
But is it too late to try?
And in our time that you wasted
All of our bridges burned down
I've wasted my nights
You turned out the lights
Now I'm paralyzed
Still stuck in that time when we called it love
But even the sun sets in paradise
Ito ang first time na nagperform ako hindi para sa sarili ko. ang first time na hindi ko akalain na yung talent kong ito ay aabot sa ganitong punto. Na maipapakita ko ito sa harap ng madaming tao. Na habang kumakanta ako, nakangiti silang lahat.
Myka:
If happy ever after did exist
I would still be holding you like this
All those fairytales are full of sh*t
One more stupid love song I'll be sick
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti..
The sun goes down
The stars come out
And all that counts
Is here and now
My universe will never be the same
I'm glad you came—
*PRRRRRRrrrrt*
Natigil yung tugtog nung marinig namin yung tunog ng pito.
“HOY KAYO DYAN!!!”
The next thing we do, agad naming kinuha ang kung anong instrument ang makuha namin. At ang una kong nakita ay yung gitara atsaka ako tumakbo.
Wala ng pakealamanan kung saan kami makapunta. At kung sino ang susunod sayo o sino ang makakasama mo. ang huling plano, tumakbo lang hangga’t hindi mahuli ng pulis.
Pero nagkamali ata ako ng daan dahil ako yung pinakamalapit na hinahabol ng pulis. Kaya nung makakita ako ng pwedeng mataguan agad akong pumunta--- Pero mali din ata.
“…” nagkatinginan kami. At ang sunod kong ginawa ay ang tumalikod at umalis---
“Mahuhuli ka dyan!” hindi ako huminto dahil sa sinabi niya. Kundi dahil nakita ako nung pulis.
Kaya agad akong tumakbo.
“Max!!!” nung lingunin ko si Kenner. Nakita ko na nagulat din siya na makita yung pulis na hinahabol na kami kaya agad niya akong sinundan.
“Bakit hindi mo sinabi!!!—“ nagkatinginan kami. Tumigil siya sa pagsasalita, siguro narealize niya na iniiwasan nga pala niya ako. “AGH!! Ayy ewan!” pero mas nagulat ako nung hawakan niya yung kamay ko at mas bumilis yung takbo namin.
Sumabay pa ang malakas na ulan..
“ha.ha.ha. *pant* d-Dito muna tayo.”
Sumilong kami sa lugar na.. mukhang abandonadong building. Pero dun lang kami sa labas at naupo. Nasa tabi rin kasi kami ng highway. Pero kakaunti lang yung dumadaang tao sa may sidewalk. Dahil siguro sa lakas ng ulan.
Inayos ko ang gitara. Pati na rin ang sarili ko. Basa basa kasi ako. Ang lakas ng ulan.. bigla tuloy pumasok sa isip ko ang nangyari nung last time na umulan. Tumingin naman ako sa kanya. Nakatingin siya sa daan, sa mga sasakyan. Nung mapatingin naman din siya sakin. Nabigla siya, umiwas naman ako ng tingin.
*SPLASH*
"Ah." parehas naming sabi sabay tingin sa isa't isa at bigla syang natawa.
Napangiti na lang ako at pinunasan ang sarili ko gamit ang kamay ko. Malas, basa na nga kami mas lalo pang nabasa dahil sa dumaang sasakyan.
"Agh mukhang hindi agad titila ang ulan." tumingin ako sa kanya.
"Minsan nakakaenjoy din naman yung ganito.." napatingin siya sakin. Sinabi ko lang yun para may masabi.
"Bakit?" tanong ko. Nakatingin pa rin kasi siya.
"Tinitingnan kita kanina. Ang saya saya mong tingnan. Yun ang unang pagkakataong nakita kita ng ganong kasaya. Parang.. tuwang tuwa ka habang nagpeperform." biglang pumasok sa isipan ko yung dahilan ng pag-iwas niya sakin. At ang thought na bakit niya ako tinitingnan nung mga sandaling yun kung iniiwasan naman niya ako.
Katahimikan.
Yung mga mata ko, pinipilit gumalaw para makita siya pero hindi ako lumilingon. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit pakiramdam ko may nabago sa pakikitungo niya sakin. Kung bakit hinahanap ko yung ‘siya’ na gusto akong maging girlfriend. *blush* napatakip ako ng mukha. Nahihiya ako na isipin ang mga ganitong bagay. Hindi ako ganito. Pero nagkakaganito ako.. sa totoo lang. hindi ko maintindihan ang sarili ko. dahil sa mga oras nato, ang katabi ko ang laman ng isip ko. Naiinis ako! Dapat wala akong pakealam. Wala dapat akong nararamdaman..
Bigla ko namang naramdaman na nagvibrate ang cp ko. nakita ko rin na tiningnan niya yung cellphone niya. Mukhang parehas lang kami ng natanggap na message, kung saan pinapapunta kami ni Chad sa isang clubhouse sa likod ng pinakamalapit na public highschool kaya sabay na kaming pumunta ni Kenner dun.
Napansin ko din ang mga matang nakatingin samin nung dumating kami, pero agad din nilang binawi nung binati na sila ni Kenner at dumiretso naman ako dun sa may table. Kumagat ako ng malaki sa tinapay na hawak ko habang nakatingin dun sa part na pinuntahan ni Kenner. Bakit kaya ang saya saya nila pagkasama nila siya??..
“Waaah ang hanghang!!!” nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Marjohn sa harap ko. Agad siyang uminom ng tubig. Pero mukhang walang effect kaya naisip kong maglagay ng gatas sa baso ko at iabot sa kanya.
Hindi niya agad tinanggap dahil siguro nagtataka siya na gagawin ko ito. Una, hindi naman kami close. Pangalwa, hindi ko talaga sila kinakausap. Kaya ang ginawa ko ay umalis na lang ako at iniwan yung basong may gatas.
“Max, halika.” Nakita ko si Chad na masayang nakikisama kila Kenner. Pero hindi ako lumapit sa kanya at pumunta lang akong cr.
Paglabas ko,
“Hm.” Nagulat ako nung makita si Marjohn na nakasandal sa tabi ng pinto. Ngumiti siya at hinigit ang kamay ko papunta dun sa videoke kung saan nandun sila Kenner.
“Uyyyy ano yan.” Napakunot ako ng noo at mabilis kong inagaw ang kamay ko. pero agad ding inabot sakin ni Marjohn ang microphone.
“Kakanta kami ni Max!!! Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo, Max.” napatakip ako ng bibig with my fist closed just to cover up my embarrassment. Hindi rin ako makatingin sa kanila.
Gusto kong mainis pero ang daming nakatingin. Ang babaw pala nitong si Marjohn. Hindi ko na lang sana ginawa yun. Nagsimula naman yung tugtog at kinanta na niya yung part niya.
Natapos ang kasiyahan at nagkayayaan ng umuwi. Nasa labas na ako nun nung lumabas naman si Kenner. Nakangiti pa siya pero nung makasalubong niya ako sa labas, agad na napawi.
“Ikaw pala. Hinihintay mo si Chad?” tiningnan ko siya ng matagal at sabay iwas. Tumango naman ako. Naalala ko lang kasi kanina, kung paano siya makipagflirt sa mga babaeng yun. Masyado siyang friendly.. at sweet..
“Hm. Di ko alam na bukod kay Chad at Nika, close pala kayo ni Marjohn.” Tumingin naman ako sa kanya pero hindi naman siya nakatingin sakin. Sakto namang dating ni Chad.
“Tara Max! Sige bye na rin sayo Kenner!” ngumiti si Kenner at niwave ang kamay niya.
Nung gabing din iyon, habang nagpapatugtog ako gamit sa cellphone ko. bigla na lang may nagtext na karaniwang mangyari. Unknown number..
From: +639107***
I had fun..
Napatitig ako sa message at isang tao lang ang iniisip kong magtetext nun. Sana siya. yan ang nasa isip ko pero walang name..