Ang higpit ng yakap niya. Pero gusto ko ang pakiramdam na'to. Hahawakin ko na sana siya sa likod nung magsalita siya.
"Ahh.." agad siyang kumawala at napahawak sa ulo niya.
Ngayong
mas malapit siya, mas napansin ko ang pagbabago sa kanya. Kahit hindi
ko mas makita ang mukha niya. Pero yung height niya. Gaano na ba katagal
at tumangkad siya ng mas matangkad pa.
"Okay ka lang ba?" tumango naman siya.
"Sumakit
lang yung ulo ko. Pagkarating na pagkarating ko kasi ng Maynila dito
agad ako dumiretso." napakunot ako ng noo at nag-alala sa kanya.
"So
ikaw yung nagtext sakin? At.. Dalwang oras kang naghintay dito!? Gago
ka ba?" pinilit niyang ngumiti pero mukhang nahihirapan talaga siya sa
kalagayan niya.
"Halika." hinigit ko yung kamay niya.
May kung anu pang kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Totoo nga talaga na kasama ko na siya..
"Max, gabi na. Hindi maganda na--"
"Wala
dito ang mga magulang ko. Mabuti nga na wala sila. Bakit kasi hindi mo
sinabi na ngayon ang dating mo? Sana man lang nagparamdam ka.."
Nawala ang mga ngiti niya.
“Ikaw rin ba yung.. tumatawag sakin?” hindi siya sumagot at sumilip silip lang siya sa loob ng bahay.
“Bakit daw wala ang mga magulang mo?”
Bakit siya ganyan?..
“Tara.” Sumunod naman siya sakin.
Dumiretso
ako sa kusina para ihanda yung pagkain na nabili ko. Hindi ko alam kung
kasya ba ito para saming dalwa. Nung pumunta naman ako sa salas. Nakita
ko siyang nakaupo sa sofa. At halatang pagod na pagod siya.
Nakapikit siya. At ngayong napagmasdan ko siya.
Ibang iba na nga pala talaga si Kenner.
“Hm.” Biglang nagmulat ang mga mata niya. Umayos naman siya ng tayo at lumapit ako sa kanya.
“Heto inumin mo.” may binigay akong tubig at gamot sa kanya.
“Salamat.” Ininom naman niya agad ito at agad ding bumalik sa pwesto niya.
Pinikit niya ulit ang mga mata niya.
Tumayo
naman ako at naisip na pumunta ng kusina. At sa huling pagkakataon ay
sumulyap sa kanya. Pero agad ko ding inalis ang mga tingin ko sa kanya.
Wala
akong masyadong alam kung paano mag-alaga ng mga taong may sakit. Pero
noon malimit akong alagaan ni Leo. Hindi ko din alam kung dapat ko ba
siyang pakainin kahit ang sa tingin ko mas mabuting magpahinga siya..
Pero gutom na talaga ako.
“Hmm ngayon ka pa lang kakain?” paglingon ko sa likod ko nandun na siya. katatapos ko lang initin yung adobo na binili ko.
“Okay ka na ba?”
Naupo naman siya.
“Umeeffect na yung gamot.” Ngumiti siya. Ganon kabilis!?
Bigla namang may kung anung kumurot sa may dibdib ko.
Tumalikod ako at kumuha ng pinggan. “Kumain ka na ba?”
Naiilang ba ako? May iba talaga sa kanya. Ako ba ang may problema? Bakit hindi ako mapakali pag tinitingnan niya ako.
“Sige kakain din ako.” nakagat ko yung labi ko. okay lang ba na magpalipas siya ng gabi dito?
“Ikaw
ba ang nagluto nito?” sumubo naman siya. umiling ako ng hindi siya
tinitingnan. “Kung wala ang mga magulang mo, eh sinong nagluluto?”
“Binili ko dyan sa karenderia.”
“Wow. Masarap palang magluto ang mga taga dito.”
Hindi na siya nagsalita pagkatapos.
Nung tumingin ako sa kanya, nakayuko siya habang kumakain.
THUMP. May nagbago talaga..
Bigla naman siyang tumingin sakin at ngumiti. Uminom na lang ako ng tubig para makaiwas.
Magpapalipas
nga ngayong gabi si Kenner dito. Pinahiram ko rin siya ng mga pambahay
ni papa. At sa guest room ko siya pinatulog. Hindi ko alam kung
natutulog na ba siya sa mga oras na’to. Dahil ako hindi ako makatulog.
Naiisip ko pa lang nandito siya, hindi na ako mapakali.
Bumangon ako ng kama. At naalala ko na naman yung mga pinakikikilos ko kanina. Weird! Napakaweird nung feelings. Natural bang maituturing na ganon ko siya kamiss? Namiss ko nga lang ba siya?
Mas gumwapo siya.
Mag tumangkad.. at pumuti..
Ang bango-bango niya.
Yung mga mapupula niyang labi habang ngumingiti..
Yung maangas niyang mata na tutunawin ako sa tingin.
Lahat ng galaw niya ng nagpapalakas ng tibok ng puso ko.
AGH ANO ITONG SINASABI KO!
Ibinagsak
ko yung katawan ko. Napatingin naman ako dun sa may pinto. Sa isip isip
ko.. madami akong gustong gawin. Si Kenner.. nandyan lang siya. kapag
lumabas ako ng kwartong ito, pwede kong gawin ang mga bagay na yun. Pero ano ba talagang gusto ko?..
May hindi talaga tama..