1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 48

“Diba sinabi ko na sayo na wag kang sumasama sa lalaking yun.”
Sabi ni mama pagkapasok na pagkapasok namin ng bahay.

“Nagkataon lang naman po.” Umakyat naman ako ng kwarto.

“Sinasabi ko sayo a, ayokong nakikita ka na sumasama sa batang yun!”

Agad kong sinarado yung pinto. At agad na ibinagsak ang katawan ko sa kama.
Nagvibrate ulit yung phone ko.

‘I’m trying to remind you that you’re the best thing that has ever happened to me :”>’

Napailing ako sa text ni Leo na yun. So talaga pa lang nagkakamabutihan na sila ulit ni Janine at napapagm na siya ng mga ganitong kakornihan.
Nagreply naman ako ng smileys sa kaniya. At agad din siyang nagreply.

‘Musta?’
‘Ok lang :)’
‘Mukha nga.’

Nagtaka naman ako sa text niyang ito. Kaya question mark ang nireplayan ko sa kanya.

‘Nagiging close na kayo masyado ni Zeroun.’

Mukhang tinutukoy niya yung tungkol dun sa outing. Malimit pa niya kaming makita ni Zero. Dapat ko rin bang ipasok ang tungkol sa kanila ni Janine?
‘Mabait si Zero.’
‘Alam ko. kaibigan ko nga siya diba.’
‘may masam ba dun?’
Matagal siya bago magreply.

‘Baka kasi kung anung isipin ng iba..’
Napakunot ako ng noo.

‘Max, siya na ba?’
‘Sigurado ka na ba?’

Napabangon ako ng kama. At binasa paulit-ulit ang sunod sunod na text ni Leo. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot.

Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin niya sa mga text niyang yun. Pero sigurado ako na may pinaghuhugutan dun si Leo..


Napatigil ako sa paglalakad. Siya naman wagas kung makatitig. Hindi pa magsasalita kung hindi ko siya ngungusuan.

“Ah.. malapit na kasi pasukan namin.” Hindi nga pala talaga siya taga dito.
Hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sakin. Tiningnan ko yung sarili ko, tapos tumingin ulit sa kanya ng masama.
“Problema mo!” inalis naman niya yung tingin niya.
Nakasoot lang kasi ako ng shorts tapos malaking shirt na tiniklop ko lang yung manggas. At converse. Habang naka body bag.
“Saan ka ba pupunta?”

Beep.. beep..

Napalingon naman ako sa familiar na sasakyan.
“Get in.” nagbukas naman yung pinto. “Ihahatid ka na namin sa super market.”
Wala din akong nagawa. Iniwan ko si Zero na nakatayo dun. Ayaw kasi talaga ni mama kay Zero.

Hindi ko namalayan na limang araw na pala ang nakakalipas. At pitong araw na rin pala akong hindi nakakapanood ng tv show na yun. Wala rin tuloy akong kamalay malay na tapos na yung show.
Ang tahimik ng buong bahay. Umalis kasi sila mama at papa para daw sa business trip. Tuloy hindi ko alam kung anung lulutuin ko para sa sarili ko. Nakapaggrocery na ako lahat pero parang may kulang sa mga pinamili ko.
Ang hirap magtakaw kung ikaw ang magluluto.

Naisip ko na lang na bumili ng hapunan dyan sa may karinderia. Kinuha ko yung phone ko pati yung susi ng bahay. Paglabas ko naman. Napansin ko yung inbox ko. may message.

From:”Unkown number
Hintayin kita sa may unang kanto ng papunta sa bahay niyo :)

Parang nanakit yung ulo ko sa text na yun. Bago ko pa namalayan, nalagpasan ko na rin pala yung unang kanto na tinutukoy sa text. Di ako masyadong tumitingin sa dinadaanan ko. at may isa pa akong napansin sa text na yun, kanina pa pala yung text na yun. 2 oras na.

“Uhm ate ito na lang.” pinili ko naman yung adobo. “Pati ate, isang ice cream ah. isang can.”

“..ano kayang ginagawa ng lalaking yun dun?”
“Nakakatakot naman.
Miss, isa ngang tinola. Samahan mo din ng chapsuy.”
“Heto yung iyo.” Inabot ko naman yung bayad ko.
Aalis na sana ako—
“Hija!” lumingon naman ako.”Papunta ba dyan yung bahay ninyo?” napalingon ako dun sa daan. Ano bang problema?
“Mag-ingat ka. Kanina pa.. may lalaking nakatambay dun. Nakasumbrero. Ayy gabing gabi na!” tumango tango pa yung kasama nito.

Hindi ko alam kung matatakot ako. Pero binuksan ko pa rin yung flash light ng phone ko at nagmasid sa dinaraanan ko. Hanggang sa nakarating ako dun sa unang kanto. At talagang kinabahan ako nung mismong makita ko yung lalaking nakajacket na nakahood.
Nakayuko ito.

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung tutuloy ako sa paglalakad. Pero dahil sa kaba, naisip ko na lang na ibahin yung direksyon ko. may iba pa namang daan.


“Max!?”

Mas lalo akong kinabahan nung marinig ang pangalan ko. Hindi ko alam kung natatakot ba ako. Pero yung pakiramdam ko..


"Max. Ako ito.."

Naisip ko na tumakbo. Pero hindi ko alam kung bakit ako lumingon.

Yung liwanag ng ilaw nahaharangan niya. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya. Pero ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.

Nakangiti ang taong yun. Bago ko pa marealize kung sino siya..


Nasa harap ko na siya. Habang nararamdaman ko ang mga mahigpit na yakap niya.
HTML Comment Box is loading comments...