1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 47


Tatlong oras na ang nakakalipas bago ko iwan mag-isa si Zero. Dahil sa takot sa nalaman ko. Pero dapat kanina pa rin ako tulog. Wala na nga akong kasama. Dahil isang oras na ang nakakalipas nung magising naman sila Kim at Roxie. At lahat sila debale sakin nasa may pool at nagchichikahan.

Bumangon ako sa sobrang inis ko. hinubad ko yung jacket ni Zero at kinuha yung kumot ni Kim. Kailangan ko na talagang matulog.



Nagising naman ako dahil sa sinag ng araw. Nung tingnan ko yung oras sa phone ko, napabangon ako nung makakita ng isang unknown call. At isang di karaniwang number. Hindi kasi siya nagsisimula sa +639. Pero hindi ko na rin pinansin at pumunta na lang ako sa banyo para maghilamos at maligo.



“Max?!” napalingon ako sa tumawag sakin. “Bakit.. ganyan na agad ang soot mo?”



Nilunok ko naman yung kinakain ko at napatingin sa soot ko. Nakapantalon na kasi at at nakapang-alis. Tiningnan ko naman si Kulin at basang basa siya. Mukhang naliligo sila sa pool.



“Hindi na ako maliligo sa pool.” Sumubo ulit ako ng pagkain.

“Pero mamaya pa tayong tanghali aalis. May 3 oras pa.” ngumiti pa siya.

Tiningnan ko lang siya para masatisfied na siya sa sagot ko.



“Sige na nga! Basta punta ka lang dun a pagkatapos mo..” umalis naman siya dala dala yung mga chichiria. Mabuti na lang nagtago ako ng dalwa pang chichiria.



Pumunta nga ako sa may pool pagkatapos. Dala ang ipad ni Kim at yung dalwang chichiria, naupo ako sa may umbrella malapit sa pool. Naglalaro sila ng volleyball. Mabuti na rin pala na naligo ako, hindi rin naman kasi ako naglalaro ng volleyball. Sa may pool pa.

Paminsan minsan nanood ako sa kanila. At napansin ko, sa tuwing magtatama ang mga tingin namin ni Leo. Agad siyang umiiwas. Pero siguro nagkataon lang.



“Ayos na ba lahat?!”



Bigla na namang nagring ang phone ko. at iba na namang number ang tumatawag. Hindi ito yung kagabi. Pero hindi rin ito nagsisimula sa +639.



“Bakit ayaw mong sagutin?” nasa likod ko pala si Aivan. “Baka emergency call yan.”

Nag-end call naman.

“Parang hindi naman.”



May nagtext. Si Chad at yung isa unknown number. Pero iisang lang yung message. ‘may pa-outing daw ang thespian’. As if namang sasama ako.



“Isunod ninyo na lang yan sa sasakyan a.” tinutukoy ni Juno yung ibang gamit.



Nakita ko naman si Leo. Tutulungan ko sana siya nung bigla naman siyang hinigit ni Janine.



“Sige na..” pamimilit ni Janine habang nakapulupot sa braso ni Leo.

“Madali lang ah.” sabi naman ni Leo.



Kaya ako na lang yung magdadala ng gamit na yun. Sila Kim kasi at Roxie naliligo pa. sila Hannah at Kulin naglilinis nung mga pinagkainan namin. Yung ibang lalaki tumutulong din kay Juno. At yung iba hindi ko alam kung nasaan.



“Ah.” ang bigat pala. But I have no choice.

Nung buhatin ko ulit. Biglang gumaan—



“Zero—“

Tiningnan niya ako ng maangas at pinakita sakin yung jacket niya.

“Basta basta mo na lang ito iniiwan kung saan.”

“Talaga.” Nagwalang malisya na lang ako.



Nung bigla naman niyang kinurot ang pisngi ko. nakasimangot pa siya.



“Ano ba!” sinubukan kong gumanti pero nakaiwas siya. nakakunot pa rin ang noo niya. nang-aasar talaga!



Pati yung paa niya pilit kong tinatapakan. Pero hindi ko siya maabot abot tapos ilang beses na siyang nakakakurot sa pisngi ko.



“YAN!” nabitawan ko tuloy yung hawak namin.

“Tsk tsk.” Agad siyang umupo para ligpitin yung nagkalat.

“Ang kulit mo kasi!” kinurot na naman niya yung pisngi ko.

“Anu ba kasi!” ni-grab ko yung damit niya. Nahalf-smile siya at nilapit sa mukha ko.



Nacorner yung mga mata ko sa mga tingin niya.

The next I do, kinurot ko yung magkabila niyang pisngi!



“Nakakainis ka!” todo kurot ko yung pisngi niya. mamula mula siya sa sakit.





Hanggang van hindi kami nagpapansinan. Bukod pa dun ang pula pula ng pisngi niya. di ko maiwasang mangiti sa itsura niya. may space pa sa pagitan namin. At parehas kaming nasa tabi ng bintana. Kita ko yung reflection niya dun sa salamin at talagang hindi siya sumusulyap kahit isa. mabuti na yung ganyan siya!



“Nandito na ba lahat?”



Dumating naman sila Janine at Leo. Dun sila umupo sa unahan namin katabi ni Aivan. Si Kim na lang yung wala. Si Roxie kasi kasama nila Hannah sa kabilang van.



“Oh nandyan na pala si Kim.” Sumakay na si Juno dun sa una.



“Leo. Pwede dyan na lang ako umupo? Malapit lang kasi yung bababaan ko. magkikita kasi kami ni mommy malapit lang dyan.” Tumingin si Leo sakin. Kay Zero.

Agad din naman siyang umupo sa gitna namin ni Zero.

“Anung nangyari dyan sa pisngi mo?” tumingin naman ako sa labas tapos umandar na yung sasakyan.

Nakikita ko yung reflection ni Zero. Hawak niya yung magkabila niyang pisngi.

“May ibang tao kasi dyan na  naiingit sa rosy cheeks ko.” napakunot yung noo ko. Nakita ko pa yung reflection ni Leo, nakatingin siya sakin.

Nilaksan ko na lang yung volume ng music ko para hindi na marinig yung usapan nila.



Nakatulog pala ako sa byahe kaya hindi ko napansin na nasa subdivision na namin kami ni Zero. Nagpaalam na kami sa kanila. Tapos itong si Zero nangungulit na naman. Dala kasi niya yung mga gamit ko at ihahatid na daw niya ako sa bahay.





Kakain ako ng halo-halo dito sa may tindahan pangmerienda. Ako lang mag-isa habang katext ko sila Hannah. Pinag-uusapan namin kung kailan daw ba babalik si Kenner. Pero hindi ko rin naman alam kung kelan. Tapos napag-usapan naman na namin yung nangyari nung outing. As expected tungkol na naman kila Leo at Janine.



From:”Kulin

‘Akala ko pa naman..’

To:”Kulin

‘Mas mabuti nga yun diba.’

From:”Hannah

‘Tutol kami!’

From:”Kulin

‘Edi ibig sabihin ba nun na wala na talagang gusto si Leo sayo’

From:”Hannah

‘Hindi man lang nga kayo nagkameron ng madaming moments.’

‘Landimuch kasi niyang si Janine.’



Nainis lang ako sa mga text nila. kaya hindi na lang ako nagreply.



“Si Zero!”



Napalingon ako sa pinagbubulungan nung mga babae sa likod ko. at nakita ko si Zero na mukhang kagigising lang. napatingin din siya sakin.

Sabay kindat.



“Waaah ang pogi niya talaga!” napairap na lang ako.



Nagvibrate naman ulit yung phone ko. Unkown number na naman. ‘Sasama ka ba sa thespian?’ yan yung message. Napataas ako ng kilay. Hindi man lang kasi marunong magpakilala. At mukhang. Siya rin yung unknown number na nagmessage sakin tungkol dun sa outing. Bigla ulit nagvibrate yung phone ko. Smiley galing kay Leo.



“Hm.” Napatingin ako sa umupo sa tabi ko.

“Anung ginagawa mo?” ginaya naman niya yung facial expression ko. Inirapan ko na lang.

Sumubo ulit ako.

“Ang takaw mo talaga.” Tinampal ko yung kamay niya nung tangkain niyang kumuha sa smidgets ko. “Damot a.”

“Bakit ba hindi ka pa umaalis?”



“Heto na po yung order ninyo.”

“Salamat.” Umorder din siya ng halo-halo pati softdrinks.

“Ang ganda rin ng trip mo no.” sabi ko na naiinis sa kanya.

“Ang init kaya.”



Susubo pa lang siya nung dali-dali kong nilagay yung mga donut sa bunganga ko. dali-dali rin akong ngumuya at uminom ng tubig. Gulat na gulat siya na makita akong ganon. Pati yung halo-halo ko dali dali ko ring kinain.



“*ubo* *ubo* *ubo*.” Nasamid tuloy ako.

Nakangiti naman niyang sinabi, “Nagpapacute ka ba sakin?”



“May something ba sa kanila?” narinig ko pang sabi nung mga babae sa likod ko. agad naman akong uminom ng tubig.



“Ayoko lang na makasabay ka sa pagkain.” Siya naman yung nagmadaling kumain ng halo-halo.

Sumakit tuloy yung ulo niya. pinukpok pa niya gamit yung kamay niya.

“Ang lamig.” Napatawa tuloy ako. “Atleast diba pantay na tayo ng pagkain.” Nakangiti pa rin siya.





“Maxine!” napalingon ako sa familiar na boses.

HTML Comment Box is loading comments...