1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 46

“Max!” napalingon kaming parehas ni Zero. At nakita si Leo. Ngumiti naman siya.
At napansin ko din ang taong nasa likod niya na di kalayuan sa kanya. Mukhang magkasama sila.

“Bakit nandito kayo?” tanong ni Leo.

Ngumiti ng matipid si Janine.

“Napadaan lang ako.” Sumagot si Zero.

“Nag-iinom kasi sila Juno. Habang sila Hannah nasa pool naman. Bakit hindi kayo makijoin.. Max?”
“Sige. Ibabalik ko lang ito.” Nauna naman akong umalis. Kita ko pa sa peripheral vision ko na habol ang tingin ni Janine sakin.

Sa totoo lang ayoko sanang umahon sa pool. Gabi na din kasi at malamig panigurado. Pero wala din naman akong gagawin. Hindi pa ako inaantok. Hinubad ko yung jacket ko at sumunod na nga sa pool.
Malayo pa lang. Kumakaway kaway na sila Kim sakin. Nakita ko pa sila Leo at Janine na nakaupo sa may umbrella sa may gitna ng pool. Hindi naman ako umahon ng pool. Bagkus dun lang ako sa may tabi naupo.

“Max! Halika!” tiningnan ko lang sila. Nagulat na lang ako nung may biglang tumulak sakin sa likod. Sila Hannah at kulin. Mabuti na lang talaga nasa may 3ft lang ako.

“Basain si Maxine!!”
“AGH!!” pinagbababasa kasi nila ako at pinagtulungan. “ANO BA!!” hinabol ko sila Kulin at Hannah para makaganti pero lahat sila nagtakbuhan sakin.
Akala nila siguro nakikipaghabulan ako. but it turns out na nakikipaglaro nga ako sa kanila. Ang kukulit nila at dito pa sa pool naisipan makipaghabulan. Kaya tuloy kahit hindi ko gusto, nabasa pa rin ako.
Natapos kaming maglaro, sila Juno hindi pa rin tapos mag-inuman.

“OY!!” tinatawag nila kami.
Nakita ko naman na nandun din sila Leo at Janine. Magkatabi sila at masayang nag-uusap. Kani-kanina kasama lang namin nakikipaglaro si Leo. Parang hindi ko pa nga ata napansin na umalis sila.
“Susunod kami!”

Bumalik kami sa kubo. Sila kumuha ng tuwalya at sumunod kila Juno. Si Roxie naman inaantok na kaya nag-toothbrush na kami.
Nasa kubo lang kami ni Roxie. Natutulog na siya habang naglalaro naman ako ng ipad niya. Hindi pa naman kasi talaga ako inaantok. Pero nung nabored ako. Umalis din ako at naisip na maglakad lakad na lang sa tabing dagat.
Malaki yung resort. Kahit gabi maliwanag pa rin naman. Napansin ko rin na bukod samin may mga tao pa rin na gising. May iba rin na nag-iinuman. Hindi naman ako masyadong lumayo. Habang kumakain at nagpapatugtog soot ang headphone, naupo ako sa may buhanginan. Matagal tagal din ako sa pwesto kong iyon, hanggang sa nakaramdam ako ng antok. At nung alisin ko yung headphone ko—

“AH!” nagulat ako sa katabi ko.
Tiningnan lang niya ako ng poker face.
“Ginagawa mo? kanina ka pa?”
“Yung kaibigan mong Kim, parang linta kung makakapit. Hinatid ko lang siya dun sa may kubo tapos nakita kitang pumunta dito. “ sabi niya ng pinakabored niyang look.
“Anung nangyari kay Kim?”
“Nalasing ata.” Parang naweweirduhan pa rin ako. Bakit hindi ko man lang naramdaman na tumabi siya sa tabi ko. at bakit ba kasi niya ako sinundan.
“Babalik na ako sa ku—“ tatayo pa lang ako nung makita ko naman sila Janine at Leo na magkasama.

Napatingin na rin siguro si Zero. Kung siguro hindi nila kami nakita ni Zero, panigurado hindi lang yun ang mapapansin ko.

“Max..” hindi ko mabasa ang reaction ni Leo.
Tumayo naman si Zero. “Tara Max.” bahagya akong ngumiti.

Ramdam ko ang pagtitig ni Leo sakin. At naamoy ko pa ang amoy ng alak sa kanila ni Janine. Lasing ba sila? Mukhang nakikita ko na mismo ang sinasabi nila Hannah at Kulin. Ang mga tingin ni Janine, alam ko at sigurado ako, hanggang ngayon mahal pa rin niya si Leo. Pero okay lang ba na magkabalikan sila?

Bigla namang may pumitik sa ulo ko. Nung lumingon ako sa kanya, ni-poke niya yung noo ko.

“Huli!” agad kong tinampal kamay niya. “Nakakunot noo mo.”

Napahawak naman ako sa noo ko. At tama naman siya.

“Nagseselos ka?” mas lalo naman akong nainis sa tanong niya. tapos naghalf-smile pa siya.
“Dahil wala yung boyfriend mo.” mas lalo siyang natawa.

Bigla namang humangin ng malakas. Nilagay ko yung mga kamay ko sa bulsa ng jacket ko. pero ramdam ko pa rin yung lamig dahil basa pa rin yung damit at shorts ko.
Nung biglang lumapit si Zero at may nilagay sa katawan ko.

Nagulat ako sa ginawa niya. pero mas lalo akong nagulat nung tumigil siya na sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa’t isa. kung igagalaw ko ang ulo ko sigurado magtatama ang mga ilong namin. Hindi agad ako nakareact. Magsasalubong na nga yung mga kilay ko— At lumayo naman agad siya.

Nakayuko siya.

Pero narinig ko ang sinabi niya.

I really can’t blame myself..” mahina lang yung pagkakasabi niya. Pero nung magtama ang mga tingin namin.


“..for falling for you..”
Hindi ko mabasa kung sinadya ba niya na marinig ko yung sinabi niya.



Pero basa ko sa mga mata niya.. kung ano ang totoong nararamdaman niya para sakin.
HTML Comment Box is loading comments...