Mga alas 3 ng hapon kami nagkita kita. 2 van ang inarkila nila
Hannah, nagyaya din sila ng mga kakilala nila. Siguro nga mas marami mas
masaya. Dagat at swimming pool yung resort na pinuntahan namin. Sulit
naman kahit medyo malaki yung nagastos namin.
Tatlong kubo ang nirent nila. Iniisip din kasi kung magpapaovernight kami, malaki laki rin kasi ang tira dun sa budget namin.
“Inuman na yan!”
“Magluto na muna kaya ng hapunan!”
Katatapos
ko lang magpalit ng shorts at shirt nung makita ko sila Hanna na bising
bising sa pagtitimpla barbecue. Habang sila Zero at Leo ang nag-aayos
nung ihawan.
“Max!” napansin ko naman na nagiging close na
agad sila Kim at Roxie kila Hannah at Kulin. Sa bagay pare-parehas lang
naman sila ng ugali.
Tumabi ako sa kanila at tumulong na rin sa pwede kong maitulong.
Naagaw naman ang atensyon namin nung makita namin sila Juno na nakashort na at mukhang magsuswimming na sila.
“HOY KAYO NAMAN MAMAYA A!” sigaw ni Kulin sa mga ito, tumango lang sila.
“Ako na ang bahala dito.”
“Tutulong na rin kami!”
Sumunod
naman sila Roxie at Kim kay Janine sa pagdadala ng 4 na pakwan. Syempre
kasama si Janine sa outing na’to. Ngayon nakita ko ulit siya.. natanto
ko rin na wala nga palang nakukwento si Leo sakin tungkol sa kaniya. At
kahit nakakatext ko itong dalwang ito na kasama ko, hindi rin sila
nagkukwento.
Mukhang okay na sila Hanna— Nahuli nila akong nakatingin.
“Eyii
alam ko ang mga tingin na yan, Max!” agad naman akong umiwas ng tingin
at tinuloy yung ginagawa kong pagtuhog sa mga ulam. Napatingin din ako
sa paligid namin. Wala na pala sila Leo at ayos na rin yung ihawan.
“Friends-friends na ulit kami.” Pangunguna ni Kulin.
“At close friends na talaga sila ni Leo ngayon!” nagtaka naman ako sa tono ng pagsasalita ni Hannah.
“Kung
magkabalikan sila, wala na kaming magagawa. Ito kasing si Juno. Wag daw
naming iwasan si Janine at makipag-go with the flow na lang daw kami.
Edi ito.. wala na lang pakealaman.”
“May nangyari ba?” tanong ko naman.
Lumapit
naman sakin si Kulin, “Akala kasi namin hanggang ngayon may feelings pa
rin sayo si Leo.” Parang bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.
“Anu ba yan!” naiinis kong sabi.
“Aminin
mo ang sweet niya sayo, mabait, parang.. lang.. nung kaya pa dati.”
Tumango pa si Hannah na parang sumasang-ayon nga siya.
“May boyfriend ako.” inemphasize ko talaga yung sinabi ko.
“Alam naman namin. Gwapo kaya nun! Hahaha!”
“Pero
yung totoo. Hindi naman talaga.. maiiwasan yun sa mag-ex. Na yung isa,
may feelings pa rin para dun sa isa.” nagsasalubong na yung mga kilay
ko.
“May tao akong gusto. At alam naman yun sigurado ni Leo.”
Nagkibit balikat lang silang dalwa. Tapos biglang nagtawanan.
“Hahaha! Max talaga oh. Parang masisiraan ng ulo kapag may feelings pa rin sa kanya yung ex niya.!”
“Di ako natutuwa.” Naiinis talaga ako sa mga sinasabi nila.
“Magseselos
kaya yung boyfriend mo pag nalaman niya na hanggang ngayon friends pa
kayo ni Leo. At take note, close friends pa kayo! Paano na lang kung
hanggang ngayon gusto ka pa rin ni Leo.. hahaha.”
Hindi na
lang ako nagsalita ulit. Nagtuhog na lang ako ng mga ulam. Isa pa itong
dalwang ito e, minsan naiisip ko bakit yung mga nagiging kaibigan ko
pare-parehas ng ugali no?
“Oh Zero. May hinahanap ka?”
Pero paano nga pagganon?
“Iinom lang ako. Nasaan ba ang mga baso?”
Si Kenner. Mainit pa rin ang dugo niya kay Leo. At dahil rin kay Leo kaya kami naghiwalay noon.
“Eeh isa pa ring gwapo yan Zero na yan no!”
“Hahaha.”
At ayoko ng maulit yun. Ang makita si Kenner na ganon.. ayoko ng masaktan siya..
Kahit
pala anung iwas ko sa kanya. Kahit magdecide ako na kalimutan muna ang
tungkol sa kanya. Di talaga mawawala sa isang araw na hindi ko siya
maaalala. Hindi ko kayang iwasan na miss na miss ko na siya. Tingnan man
lang yung mga larawan niya, ramdam na ramdam ko na kailangan ko talaga
siya. Kailan ba kasi siya uuwi? Wala man lang bang signal na magsasabi na malapit na yung araw na magbabalik na siya.
Ang sikip sikip kasi sa pakiramdam yung ganito. Yung gustong gusto mong makapiling yung isang tao pero walang wala ka namang magawa..
“Ang swerte naman niya.” nabigla naman ako sa biglang nagsalita.
Agad akong lumingon sa likod ko. at tinago ang phone ko sa bulsa ko.
“Ibang
klase pala talaga ang dating ng boyfriend mong yun. Sabihin mo nga, mas
gwapo ba siya sakin?” nagchin-up siya at maangas na tumingin sakin.
Bigla akong natawa. Hindi dahil sa nakakatawa ang itsura niya. Kundi
dahil.. marunong din palang magpacute ang kagaya ni Zero.
“Tinatawan mo ako. Ibig sabihin ba niyan hindi?”
“May kailangan ka ba?” inalis ko naman yung isang earphone sa tainga ko.
Nilagay naman niya yung parehang kamay niya sa bulsa ng kanyang shorts. At umiwas ng tingin sakin.
“Kailan daw siya babalik?”
Parang bigla kong naramdaman yung hangin. Inayos ko naman yung buhok ko.
“Hindi ko alam e.”
Naghalf smile naman siya, “Sweet mo pala e no. Kahit ang layo-layo niya, palagi siyang nasa isip mo.”
I glare at him.
“Mahal mo talaga siya no.” tinitigan ko lang si Zero sa tanong niyang yun.
Kailangan pa ba talagang itanong yun..
“Max!”