1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 44

"1..2..3!!!" sabay namang pinakita nila Kim at Roxie ang mga grades nila.

"Ay anu ba, Max!" nigrab naman ni Kim yung grades ko.

Nakokornihan talaga ako sa ginagawa nila. Pinagkukumpara kasi nila yung mga grades namin.

"Waaa ang taas ni Max sa Phylosophy.!”
“Yes, mas mataas ako sa inyo sa Humanity.”

Ang saya sayang tingnan ng dalwang ito habang inukumpara nila yung mga grades namin. Ang babaw talaga.

“Cr lang ako.” Tatayo pa lang ako—
“Sige tara tara!” choir ba sila at sabay pa silang magsalita?

Sabay sabay nga kaming pumuntang cr. Napag-usapan narin namin na sa enrollment kami kami na lang rin ang magkakasama. Pati mga schedule pare-parehas na lang daw kami. Pakiramdam ko tuloy hindi magiging tahimik ang buong sem ko kung makakasama ko ang dalwang ito. Parang may magagawa naman ako.

“Excited na ako mamaya! Kahit late, enjoy vacation naman! Ang saya~”
“Nasabi mo na ba kay Leo na sasama kami Max?”
Ang ingay talaga nila. Parang hindi sila nauubusan ng topic sa lagay nilang yan.

“Totoo ba na close pa rin kayo nung ex mong yun? Ang galing—AHH!!” nagulat kami nung biglang mapasigaw si Kim. At makita namin kung sino ang nakabundol niya.

“Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?” galit na sabi nung kasama ni Nika. Hindi ko na maalala ang mga pangalan ng mga ito. In the first place, hindi ko inaalala ang mga kagaya nila dahil alam ko namang hindi sila naging totoo sakin sa simula pa lang.

Tumingin naman sila sakin, at bahagyang umirap. Tiningnan ko lang sila ng ‘I-have-no-time’ look. Kaya siguro mas lalo silang nabadtrip.

“Ano pa bang aasahan mo sa grupo nila.” sarcastic na sabi ni Nika. Nung magtama ang mga tingin namin. Bigla siyang ngumiti ng pang-asar. “How pathetic, Max. Sumasama ka sa mga taong..” tiningnan niya sila Roxie at Kim. At nagtawanan silang magkakasama.
“Okay na yan. Pare-parehas lang naman kayo e! Can you just get out of our way—“ aalis pa lang sila nung isang familiar na boses ang narinig namin.

“MAX!!” napalingon kami. Kahit si Nika at ang grupo niya.
Si Leo. Bahagya siyang ngumiti sakin at binaleng ang tingin kay Nika. Naging intense yung tinginan nila ni NIka.

Wala akong narining na isang salita kay Nika. At umalis ang grupo nila.

Just what was that


“Hello!” natauhan lang ako nung marinig ko yung boses ni Kim.
“ Hi, Leo.” ang galing talaga ng dalwang  ito. Parang wala lang sa kanila yung nangyari.
“Hi din, Zero!” sabay pa nilang sabi. Kasama nga pala ni Leo si Zero. Pero bakit nandito si Leo?

Agad na binaleng ni Leo ang tingin niya sakin at mas lalo pang lumaki ang mga ngiti niya,

“Anong ginagawa mo dito?” ramdam ko ang mga manghang manghang tingin nila Kim at Roxie. Napakamalilisyosa talaga ng dalwang ito.

“Enrollment na rin namin ngayong araw na ito sa school.” Si Zero ang sumagot. Hindi ko tuloy naiwasan na mapatingin sa kanya.
Hindi man dapat, pero ramdam ko ang pagkailang sa kaniya. At naiinis ako sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Roy. Totoo man yun at hindi.

“Ahh. So sabay na kayo..”

“Mamaya hah!”

Speaking of—“Kasama sila—“ hindi ko natapos ang sasabihin ko.
“Sama ka rin Zero!!” sabay namang sabi nila Kim at Roxie.

Parang akong natigilan sa sinabi ng dalwang ito. Minsan talaga iniisip ko na minsan pasakan sila ng papel sa bunganga hanggang sa hindi na sila makapagsalita. Hindi ba talaga nila kayang pigilan ang mga sarili nila.

“Ano yun? Wala ata akong alam kung anong meron?” tumingin siya kay Leo. Napansin ko naman na parang natigilan din ng hininga si Leo. Hindi ko alam kung saan ba siya nabigla at ganyan ang reaction niya.

“Hah?” napatingin naman siya sakin. At parang nabasa ko sa mga mata niya ang pagkalito na tinatago niya.  “Ah yung outing. Mag-a-outing kasi kami ng tropa namin ni Max. At lahat ng malalapit samin pwedeng isama.

..Nakalimutan ko palang imbitahin ka. Akala ko hindi mo rin magugustuhan yung ideya lalo na at kasisimula pa lang ng bakasyon ninyo.”


“Sasama ako.” Mabilis naman nakasagot si Zero.

Mabibigla sana ako kaso mas napansin ko pa ang hindi mapigilang tuwa nila Roxie at Kim. Nakakahiya talaga sila.

“Okay lang naman diba?” nanindig bigla ang mga balahibo sa katawan ko nung tingnan niya ako.


“Oo naman okay na okay. The more the merrier!”  tuwang tuwang sabi nila Kim at Roxie. Napabuntong hininga na lang ako. Sabay ngiti kila Leo at Zero.
HTML Comment Box is loading comments...