1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 43

"Max! Max, paano nga ito?"

"Nalilito parin kayo? Ganito kasi yan.." pinaliwanag ko naman ulit yung topic na yun kila Roxie at Kim habang naglalakad kami at papunta sa assign classrooms namin.

Nagtawanan pa sila nung magets na nila ulit.
"Ahh sana maalala ko 'to."

Napangiti naman ako. Kasabay ng pag-agaw ng atensyon ko nung taong nakasalubong namin. Hindi siya nakatingin sakin. Kundi sa dalwang kasama ko. Umirap pa ito at nagpatay malisya nung malagpasan kami. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kay Nika.

Inabot ng 5 oras ang exam. Sunod sunod na subject. At nung magring ang bell lahat ay nagsigawan at pinasa ang answer sheet nila. Balita ko ganito daw talaga ang final examination tuwing summer class. Mabilisan.

“Sige na. sige na!!”
Paulit ulit na nangungulit si Kim tungkol sa kagustuhan niyang manood ng sine.
“Pasensya na Kim. Makikipagkita kasi ako kay Darius ngayon.”  napansin ko naman ang peripheral vision ko na nakatingin si Kim sakin. Nakapout ito. Nagpatay-malisya---

“Please Max! Please Maxxx…” bago pa ako makareact inuga-uga na niya yung braso ko. Sa inis ko agad ko namang tinulak yung noo niya.
“Ano ba!” aghhh..
Nung sulyapan ko naman siya, maluha luha na ang kanyang mga mata. My god. “Oo na.” nasabi ko na lang. agad namang humugis ng mga ngiti ang kanyang mga labi.

Nagpaalam din naman samin si Roxie. At nanood nga kami ni Kim ng sine. Biniro ko siya na manlibre pero tinotohanan niya. Wala na akong magagawa dun kung uto-uto siya. in the first place siya naman ang makikinabang. Pero para patas ako na ang gumastos ng pagkain namin. Popcorn at drinks lang.

“Eeh excited na ako Max. Parang tayong nagdedate oh~” pumunta kami sa taas at naghanap ng mauupuan.

Di pa man nagsisimula yung movie nilantakan ko naman na agad yung popcorn ko.
Maganda naman pala yung palabas. Kinukwento pa sakin ni Kim na si Nicholas Spark daw ang author nung libro. Nabasa ko na ang isa sa mga libro nito. Yung the notebook at talagang magaling na authot nga talaga ito. Naenjoy ko yung flow nung movie. Halos di ko na nga napakealaman ang popcorn ko.

“Max! Max!” paulit ulit akong tinatawagan ng pabulong ni Kim. Iniistorbo niya ako kung kailan nakafocus na ako dun sa movie.
“Bakit ba?” sinubukan kong lumingon sa kanya pero ayaw ko talaga alisin ang tingin ko sa screen.
Hanggang sa nagsawa din siyang kulitin ako. At natapos namin yung movie.

“Cr lang ako a.” tumango naman ako at naghintay na lang sa kanya sa may labas.

“Nag-enjoy ka ba?”
“Okay lang.”
“Next time ulit.”

Napalingon naman ako sa taong nagmamay-ari nung familiar na boses na yun. Hindi ko inalis ang mga tingin ko sa kanya hanggang sa mawala na siya. Si Nika, iba na naman ang kasama niyang lalaki. this past few days malimit ko siyang makita na may iba't ibang kasamang lalaki.
Mas lalo siyang lumalala..

“Max. tara na.” naisip ko na lang na hindi ko naman na kailangan siyang pakealaman.

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay agad akong pumunta ng kwarto at binuhay ang tv. Sakto naman na kasisimula lang nung show at sakto pa na ang group nila Kenner ang unang nagperform. Nung magcommercial, nagtoothbrush na muna ako at naghilamos pati nagpalit ng damit. Hindi ko na pinanood yung ibang group magperform. Hanggang sa natapos ito.
Elimination round na bukas. At isa na namang group ang matatanggal. But this time 50% vote from audience at 50% vote from the judges. Kaya todo effort na rin akong bumoto sa internet. Gumagawa ako ng iba’t ibang account para makaboto.


Halos isang buwan na ang nakakalipas. At halos isang buwan na rin akong walang balita sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung kailan ang uwi niya. walang connection. Mahirap palang talaga yung ganito. Ramdam ko at palagi kong nararamdaman lalo na sa tuwing mapapanood ko siya sa tv na miss na miss ko na siya. At sabik na sabik na rin akong makita siya.

“Welcome, mam.” Pumasok naman ako sa isang convenience store.
Naisip ko na bumili ng mga snacks.

“Ang ga-gwapo nila no.”
“Sana sila ang manalo.”
“Ah. diba ito yung nalilink sa kanya.”
“Oo nga.ang ganda niya no. Bagay sila.”
“Sila nga lang dalwa ang inaabangan ko dun e.”

Napalingon naman ako dun sa mga babaeng mukhang mga highschool lang na di kalayuan sakin na may mga hawak na magazine. Sila lang pala at ako ang nasa loob ng convenience store na’to.

“Filipina ba siya?”
“Feeling ko half siya.”
“Ano bang pangalan?”
“Hindi ko alam.. Kenner pangalan ng lalaking ito no?”
“Taga dito siya?”

Napalingon ulit ako sa kanila, nung marinig ko ang pangalan ni Kenner. Nagtatawanan sila. At narinig ko na pinapanood din nila yung dance tv show na yun. At mukhang isa sila sa fans ng psyren.
Kinuha ko naman yung magazine na hawak nila.

Katatapos ko lang manood nung tv show na yun. At talagang bitin na bitin ako sa mga nangyayari. Hindi pa madalas ipakita yung mukha ni Kenner sa screen. Kung pwede lang pasukin na yung tv nagawa ko na. nakakainis lang kasi na hanggang sa tingin na nga lang yung pwede kong gawin, parang hindi pa rin ako makuntento. Ang hirap ng ganito. Bakit kasi wala kaming connection sa isa’t isa!? It’s been a month.

Naiinis ako na parang ako lang yung nakakaramdam ng ganito. Na sa aming dalwa, ako lang yung sabik na makita siya. I’m being impatient at ayoko ng ganitong pakiramdam.

Agad ko namang kinuha yung phone ko. Pumunta sa inbox at agad na nagreply sa text ni Leo.

‘Sige sasama ako. Bukas na yun diba? Overtime naman yun. Baka hapon na lang ako makapunta. ‘

For the meantime, kailangan wag ko na munang pagakaisipan kung kailan babalik si Kenner. Ayokong umasa lang sa wala.
HTML Comment Box is loading comments...