1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 42

“Max!!” napalingon naman ako sa tumawag sakin.
Nanlaki ang mata ko nung makita silang tatakbo papalapit sakin. Kaya napatakbo rin ako.

“Max, bakit ka tumatakbo!?”
“Ano bang ginagawa niyo?” ang weird weird talaga nila.

Pero sa huli naabutan din nila ako. Nasa classroom na kasi ako. Parehas naman silang yumakap sa magkabilang braso ko. Tiningnan ko pa sila ng masama.

“Sabay sabay tayo mag-aral Max a!” sumusulyap sulyap sila sa classroom ko. Alam ko na si Zero ang tinitingnan nila.
“Roxie, bakit wala pa siya?”
“Hindi ko alam.”
Agad ko naman kinalas ang pagkakahawak nila. At ngumiti na naman sila ng nakakaloko.
“Umalis na—“ napatingin naman ako sa likod nila. Pati sila napatingin na rin.
“z-Zeroun.” Nauutal nilang sabi.
Nakatingin pa rin sakin si Zero. Nilagpasan pa niya sila Kim at Roxie.

Nagulat naman ako nung lumapit siya sakin at hawakan ang noo ko. Nirub pa niya dito ang kamay niya.
Agad ko namang tinampal ang kamay niya. at tiningnan siya ng masama. “Ano ba!?”
Magkasalubong ang mga kilay niya.
“Nilinis mo ba ng maayos yang noo mo?” napakunot naman ako ng noo.
Pero bago pa ako makareact, umalis na siya sa harapan ko.

Umagang umaga iniinis niya ako. Ano bang problema niya?!

“Ano ba!?” tanong ko naman kilay Roxie at Kim na kasalukuyang inoobserbahan ang noo ko.
“Ano kayang meron at napansin ni Zero ang noo mo, Max?”
“Hindi naman siya malapad.”
“Hindi naman kaya crush ka ni Zero!”
Tinuktukan ko naman sila parehas sa ulo gamit ang libro ko.
“Umalis na kayo. Malapit ng magtime.”

Susunod na araw na ang finals exam. Last day of reviewing.
Nung break time namin, habang kumakain. Nag-aaral na rin kami nila Roxie at Kim. Lalo na sa General philosophy. Confusing kasi talaga yung mga naging topic this finals. Logic. At hirap na hirap sila.

Natapos ang buong araw na puro aral lang kami para sa finals.

“Bye bye Max!” hinapon na kami nila Roxie at Kim pagrereview.
nasa labas na nga kami nang bigla kong maalala yung notebook ni Chad na nakalimutan kong ibalik.

Agad naman akong tumakbo papuntang room ng thespian. Mabuti na lang nabanggit ni Chad sakin kung nasaan siya sa mga ganitong oras. Takbo ako ng takbo nang madaanan ko naman ang classroom namin at nakita ko sa loob sila Zero at Roy. Tuwing makikita ko si Zero naaalala ko ang nangyari kaninang umaga.


“ANO, HINALIKAN MO SI MAXINE PEDROSA?!”

Napatigil ako nung marinig ang sigaw ni Roy. Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko habang hingal na hingal ako.

“Tumahimik ka nga!”
“Aray. Sorry naman. Atsaka..” lumingon ako sa muntik ko ng malagpasang classroom. ”..wala naman ng mapapadaan. Hapon na kaya! Imposible namang marinig yun ni Maxine kanina pa kaya ang dismissal ninyo.”

Lumapit ako medyo dun sa may pintuan. Naririnig ko yung usapan nila sa sobrang tahimik ng paligid dahil nga malapit na ring maggabi at wala na ring mga estudyante sa mga oras na ito.

“Tss.”
“Pero.. paano? Diba nga iniiwasan mo siya?”

Iniiwasan? Kaya ba.. bigla siyang sumasama kila Nika? Kaya ba.. parang may iba sa mga kinikilos niya? Pero bakit..

“Alam ko naman na may boyfriend siya. At ex-boyfriend pa niya ang bestfriend ko. Pinigilan ko, Roy pero.. wala. Walang nangyari. Dun sa infirmary. Nung makita ko siyang natutulog. Hindi ko napansing tinititigan ko na pala siya. Nakita ko pa na lumuha ang mga mata niya, Roy. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Bago ko pa marealize ang lahat. Nagawa ko na yung pagkakamali ko. Hinalikan ko ang ex-girlfriend ng bestfriend ko.

At narealize ko Mahal ko na ang babaeng yun.” Hindi ko alam ang irereact ko sa narinig ko.

Nagwawala ang puso ko. Lumulutang ang utak ko. sinubukan kong sulyapan sila. Nakita ko naman na nakaub-ob si Zero sa braso niya. malungkot ang mga mata.

“m-Mahal?.. agad? D-diba.. crush mo lang naman siya. a-agh! Ang gulo. Ang sakit sa ulo.”
“Wala naman akong balak na ipaalam sa kaniya ito. Kung na kaya kong mahalin siya ng palihim. Magagawa ko ring kalimutan siya ng palihim.


Parang nawala ata ako sa sarili habang papunta ako sa thespian at inaabot kay Chad yung notebook niya.

“s-Sige ingat ka Max.” hindi talaga magsink-in sa utak ko ang mga nalaman ko ngayong araw.

Napahawak naman ako sa labi ko. Hinalikan ito ni Zero? Bukod kay Kenner may iba pang dumamping labi dito? Pagtataksil bang maituturing yun? Kaibigan ko si Zero pero inlove siya sakin. Paano? Bakit? Bakit ako?

"Ah." may kung anong sumagi sakin pero di ko na pinansin.


"m-Max!?" narinig ko pa ang boses ni Chad.

"Anong nangyayari sa kanya? Diba siya nasaktan!?"

"You should sorry for that Nika--"


Nakalabas naman na ako at sinarado ko na yung pinto. I should go home. Kanina pa dapat.

Kaso nung makalabas ako, nakasalubong ko naman siya. Yung taong dahilan kung bakit ako nagkakaganito.


"Nandito ka pa?" parang bigla akong nawala sa sarili nung kausapin niya ako.

'Mahal ko na ang babaeng yun'  Napakisap naman ako ng mata nung maalala ang katagang yun. Agad naman akong tumingin sa iba.

"Nag-aral pa kasi ako sa library." malayo ang library sa classroom namin.

'..wala naman ng mapapadaan. Hapon na kaya! Imposible namang marinig yun ni Maxine kanina pa kaya ang dismissal ninyo.' naalala ko na naman ang sinabi ni Roy.


"Ganon ba. Tara sabay na tayo umuwi." nabingi naman ako sa sinabi niya. Lumingon pa siya sakin at hinintay ako. "May pupuntahan ka pa ba?"

"Ah." umiling naman ako at sumunod sa kanya.


Tinitigan ko siya sa likod. At inisip ang mga nangyari kanina. Ang mga salitang binitawan niya. Iniisip ko kung paano at bakit? Parang walang magsink-in na reasons sa utak ko. Gaya nga ng sabi niya wala siyang balak na sabihin ang tungkol sa tunay na nararamdaman niya. Inlove sakin ang taong ito? Nakakagulat.. at the same time nakakalungkot. How can I act as if everything is fine kung narinig ko mismo ang lahat.

Siguro gaya niya.. dapat sigurong magpanggap din ako. Makakalimutan din niya ang tungkol sa nararamdaman niya para sakin gaya nga ng sabi niya. Hindi tama yun. Hindi tama na makipagkaibigan ako sa isang taong.. may espesyal na pagtingin para sakin.
HTML Comment Box is loading comments...