Hindi ko alam ung anong irereact ko.
“r-Roxie?” nabigla talaga ako. Bakit siya nandito?
Tumabi naman siya sakin. At ngumiti pa ng nakakaloko.
“Don’t worry hindi ako gate crasher. Hindi rin kita sinundan.” Naghahand gesture pa siya na parang kinoconvince ako na maniwala.
Umiwas
naman ako ng tingin at kinuha ang panyo—Shit! Naiwan ko nga pala sa
table yung bag ko. Kaya kinuha ko na lang yung panyo niya at siyang
pinunas sa mukha ko.
“Lalabahan ko ito.”
“Haha!
Hindi mo pala talaga alam!?” tumingin ako sa kaniya ng masama. Agad
naman siyang umiwas. “Ka-schoolmate mo kaya ako.” Tumingin ulit ako sa
kanya. Nakapout naman siya.
Narealize ko naman kung anong sinabi niya.
“Itigil mo nga yan.” Nagbiblink kasi yung mata niya.
“Hehe.
Natutulala ka kasi. Hindi ka makapaniwala?” hindi na lang ako
nagsalita. “Nagtransfer ako sa school niyo nung 4th year highschool.
Taga section D ako. Hindi naman talaga kasi ako kapansin pansin kaya
hindi na nakakapagtaka kung hindi mo man ako natatandaan. Atsaka
kilalang isnabera ka pati diba!?” hahampasin sana niya ako sa braso nung
tingnan ko siya.
Nag-piece sign siya.
“Alam ko din
na matalik na kaibigan mo si Annika De Castro at ex-boyfriend mo si
Leo Mark Lanzon. Sikat ka kaya sa buong campus.” Tumingin ako sa kaniya
pero hindi siya nakatingin sakin.
“Ikaw ang palaging
usap-usapan. Isang galaw mo lang napapansin ka na agad nila. Titingnan
ka ng masama. At sasabihan ng kung anu-anong salita. Isa rin ako sa mga
taong naniwala na ganyan-ganito ka. Pero nung makilala kita ngayong
college. At makita ang mga bagay na hindi nakikita ng ibang tao. Natanto
ko sa sarili ko, ‘hindi mo talaga maiintindihan ang isang tao kung
mismong ikaw ay wala sa sitwasyon nila. wala ka ring karapatang husgahan
sila, kung mismong ikaw hindi mo naiintindihan ang tunay na nangyayari.”
Inalis
ko naman ang tingin sa kaniya. Ramdam ko na tinitingnan ako ni
Roxie.Gusto kong ngumiti. Sa totoo lang, bukod kay Leo. Ngayon ko lang
narinig ang salitang ganito sa ibang tao. Ang sarap pala sa pakiramdam.
Naglalakad
ako ngayon palabas ng venue. 1am na rin kasi. Si Roxie mamaya pa daw
uuwi. Kasama niya daw kasi ang boyfriend niya na 2 year ang tanda samin.
hindi namin kabatch.
Ibig sabihin ang mga chismosang babaeng yun.
Na kung kiligin sa iba’t ibang lalaki sa campus namin ay mga
sari-sarili ding lovelife.
‘Max!!’ niyakap naman niya ako.
Nilayo ko siya pero hindi naman ganong kalakas. Masabi lang na ayaw ko ng ginagawa niya. Pero hindi siya bumitiw.
‘Kahit
suplada ka. Matipid ngumiti. At palaging masama kung makatingin. Alam
ko! mabait ka naman e. at hinding-hindi mo ipapahamak ang mga taong
pinahahalagahan mo. Kami ni Kim. Nagdecide kami na maging kaibigan ka!’
tinaasan ko siya ng kilay.
‘Hindi na kasi nakakatuwa yung
ginagawa sayo ng bitch na Annika na yan. Palagi kang nag-iisa sa
campus. Dahil yun sa kanya!’ lumayo naman siya. at naghand gesture ng
kung anu-ano. Ang weird!
‘Alam mo ba na yung grupo niya
palagi kang pinag-uusapan. Ah! hindi lang ikaw. Lahat ng mapansin nila
sa campus. Lalo na yung mga taong wala namang ginagawa sa kanila. Kaya
inis na inis din ako sa thespian e! akala mo kasi kung sino silang
magagaling! Nakapagsoot lang ng magagarang damit kala mo ang lakas na ng
dating nila. Arrgghh!
Pero dahil thespian ka,
susuportahan ka parin namin ni Kim. Basta wag kang magpapatalo sa kanila
a! kahit wala na si Kenner, dito lang kami ni Kim!’
Hindi ko mapigilang mapatawa tuwing naaalala ko ang itsura ni Roxie. At yung mga baduy niyang mga salita.
‘Wag ka ng tumanggi. Totoo naman diba na iniyakan mo si Kenner!’
Hindi ko nga lang alam kung bakit pati iyon nalaman nila. siguro pati ako pinagchichismisan nung dalwang yun! TSS!
Napatigil naman ako sa paglalakad ng makita ko si Leo sa labas. Napatingin naman siya sakin. Agad na tumayo.
“Max!”
Dala ang sasakyan niyang si Lex. Inihatid naman ako ni Leo sa sub namin. Hindi na ako nagpahatid hanggang sa bahay.
“Ingat ka.”
Bago naman ako tuluyang umalis, “Kanina mo pa ba ako hinihintay sa labas na yun?”
Hindi agad siya nakasagot. Pero tumango naman siya.
“Bakit?” dala pa kasi niya ang gamit ko na sana hindi ko na balak balikan. Makukuha ko pa naman yun.
“Nakita ko yung nangyari.” Inalis ko naman ang tingin ko sa kaniya.
Nakita ni Leo ang nangyari. Gayong hindi nga pala niya alam na hindi kami okay ni Nika.
“Kailan
pa? Kailan pa kayo nagkakaganito ni Nika?” hindi pa rin ako tumitingin
sa kaniya. “Nakakausap ko pa siya. nakakamusta kita sa kaniya? Hindi ba
talaga kayo okay? Ano bang nangyari?”
Tumingin na ako sa kaniya. Ngumiti. At hindi pa rin ako nagsalita.
Lumapit naman siya sakin. Sobrang lapit.
Napakisap mata naman ako sa ginawa niya. napakaintense ng tingin niya. pero bigla itong ngumiti.
“Kahit
na anong mangyari wag kang magdalwang isip na maglabas ng saloobin
sakin.” Pipitikin naman niya ako sa noo kaya napapikit ako.
Pero hindi sakit ang naramdaman ko.
Isang malambot na bagay ang dumampi sa noo ko.
Pakiramdam ko pa, namula ang pisngi ko nung magtama ang mga mata namin.
“Goodnight.”
Leo kissed me on my forehead.