Sinoot ko naman ang hikaw habang nakatingin ako sa salamin.
Tinitingnan ang reflection ng mukha ko. Yung make-up at ayos ng buhok
ko. Simple lang naman siya. Ako na lang rin ang nag-ayos. Sa totoo lang,
ngayon na lang ulit ako nag-ayos ng ganito. Hindi ko nga alam kung
bakit kailangan ko pang gawin ito. Siguro dahil.. may kailangan din
akong patunayan.
“Oh Maxine. Ito ang gamitin mong bag.”
Tumayo ako. Inayos naman ni mama ang buhok ko. “Sumabay ka na kay Leo
pag-uwi. Wag matigas ang ulo.” Ngumiti naman ako ng matipid.
Nakarating
ako sa nasabing venue hatid ng papa ko. At agad ding nagpaalam sa
kanila. Sinalubong naman ako ni Leo sa may lobby. Siguro ay dahil
nicontact na siya nila mama. Kailangan na siguro talaga na malaman nila
mama at papa na may boyfriend na ako.
30 mins. late na nga ako sa nasabing oras pero konti pa lang din ang mga tao.
“Palagi ka lang sa tabi ko a.” nginitian naman ako ni Leo.
Nung parehas naman kaming mapatingin sa kakarating lang na si Nika.
Maganda ang soot nito. At presentable din si Nika. Parang ngang ibang iba siya ngayon.
“Hello.” Tumingin siya sakin. “Leo.” At kumaway kay Leo.
“Let’s go?”
Pero
hindi sumunod si Nika. Hindi nga pala alam ni Leo na hindi kami okay ni
Nika. Nakangiti siya kay Leo at sarcastic na sumusulyap sakin.
“I can’t go with you, Leo. Nasabihan na kasi ako ng mga kaibigan ko. So the both of you can go without me.”
“O sige.” Ngumiti naman si Leo atsaka tumalikod.
Sinulyapan
ko pa si Nika. Naghalf-smile lang siya sakin. At alam ko na may
binabalak siya tungkol dito. Kung ganon.. kailangan ko pa lang
mag-ingat.
May konting program at kung anu-ano pang
sinasabi nung principal namin. Tapos nun may live band na lumabas. May
ibang nagsayawan sa gitna. May iba naman na kumakain na lang.. gaya ko
na lang.
“Kuha lang ako ng drinks.” Tumango naman si Leo habang ngumunguya pa siya.
Kukuha lang sana talaga ako ng drinks. Pero naagaw ang pansin ko nung mga dessert na nakain sa table.
“Look who’s here. The bitch.” Napalingon ako sa nagsalita.
Mga taga ibang section. Hindi ko na lang pinansin.
“Hey we’re talking to you.” Hinawakan nila ako sa balikat at iniharap sa kanila. Pinalibutan nila ako.
“Narinig namin yung balita.”
“Boyfriend mo si Ken Cabrera?”
“How
slut. Tapos ano.. dinedate mo rin yung ex-boyfriend mo?” lumingon
silang lahat sa table namin ni Leo. Nakatalikod ito samin at may
kalayuan din.
“Just who do you think you are.” Nakacrossed-arms silang lahat.
Napairap naman ako. At naisip na lang na umalis.
Pero
syempre hindi nila ako basta basta paaalisin. Tinaasan pa ako ng kilay
nung babaeng humigit ng braso ko. It’s as if she’s threatening me.
“Boyfriend
ko si Kenner Jan Cabrera. At hindi ko dinedate si Leo. Happy?” agad ko
namang binawi ang braso ko at iniwan silang balisa.
Nakakainis. Akala mo kung sino talaga ang mga babaeng yun.
“Natagalan ka ata?” nagulat naman ako sa biglang nagsalita. Nandito na nga pala ako sa table namin.
“Ah. Kumain pa kasi ako ng dessert dun.” Bahagya naman akong ngumiti.
“Hmm..”
napatingin naman ako sa kanya. Parang nahihiya siya na ewan. Nung
makita ko naman ang mga ngiti sa mukha niya habang naglalahad ng kamay
sakin.
“Can I have this dance?”
Hindi ko naman mapigilang mapatawa. Pero tinanggap ko yung offer niya. At gaya ng iba. Sumayaw kami sa gitna. Sakto pa na ‘Can I have this dance’
sa highschool musical ang background music. Kaya talagang natatawa
kami. Hinawakan ako ni Leo sa baywang at hinawakan ko naman siya sa may
balikat niya. Nagkatitigan kami habang may mga ngiti sa mga labi namin.
Hindi ko mapigilang mapatawa sa mga pinaggagagawa namin ni Leo.
Hindi
ko akalain na magkakameron pa ako ng ganitong relasyon with him.
Pagkatapos ng lahat. Hindi ko akalain magagawa ko pang ngumiti at maging
masaya gaya nito habang tinitingnan siya sa mga mata niya. Ang lalaking
na minsan kong minahal. Masaya ako na isang matalik na kaibigan ko na
lang si Leo.
Bigla namang nagbago ang expression ng mukha
ni Leo. Bago pa ako makapagreact. Ipinatong naman niya ang ulo ko sa may
dibdib niya.
Ilusyon ko nga lang ba? O talagang.. naging malungkot ang mga mata ni Leo.
Tumatak
sa isipan ko ang expression ng mukha ni Leo. Kahit madilim, kitang kita
ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya. May hinanakit kaya si Leo?
May nangyayari kayang hindi ko alam? Pero.. bakit hindi niya sinasabi
sakin? Tungkol kaya ito—
Napatigil ang pag-iisip ko nung makita ko ang reflection nila Nika na nasa likod ko.
“Haha.” Tumatawa sila habang nakatingin sakin. They are even crossing their arms.
Lumingon ako sa kanila.
“My
gosh, my friend. Ano ba talagang gusto mo? ang sirain ang sarili mo ng
tuluyan hanggang sa maging bula ka na lang.. sa kahihiyan.” Nagtawanan
ulit sila.
Wala naman akong nagegets sa pinagsasasabi nila.
“Sinasabi
mo na hindi ka malandi. Pero.. kitang kita naman ng lahat. You’re
flirting with your ex-boyfriend! You’re a slut!” sinampal ko naman si
Nika. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“Annika!” inalalayan siya nung mga kasama niya. Agad naman siyang nakarecover at tiningnan agad ako ng masama.
“How dare you!” tinulak naman na niya ako. Hanggang sa makacorner ako sa may lababo.
Nanggagalaiti
sa galit si Nika. Habang tinataasan naman ako ng kilay nung mga kasama
niya at parang nagtitimpi ng galit. Hindi ko na talaga maintindihan ang
mga ito. Lumabas naman ako.
Pero bigla na naman akong tinulak ni Nika, “Nakakainis ka na talaga!” naiinis na rin ako.
“Palagi
ka na lang gumagawa ng mga bagay na as if wala kang nasasaktan!”
umiiyak na si Nika. Parang bigla namang nawala yung galit ko. “You just
do whatever you want that’s why everyone hates you!”
May mga tao napapadaan na napapasulyap sa amin.
“I hate you, Maxine Pedrosa! I regretted for considering you as my bestfriend! You slut!”
Nanggigilid
na yung mga luha ko. Napansin ko naman yung mga taong nasa paligid
namin at pinagbubulungan kami. lahat sila ang sama-sama ng mga tingin
sakin.
‘Wala na talaga siyang ginawang maganda.’
‘Kung ako sa kanya aalis na lang ako.’
‘Napakakapal ng mukha.’
Lahat sila pare-pareho.
Kaya bago pa tuluyang pumatak ang mga luha ko. Umalis naman na ako. Gusto ko na munang mapag-isa.
Pumunta
ako sa isang lugar na maaaring walang tao. Naupo lang ako dun. Hindi
pumatak ang mga luha ko. Ewan ko rin. Siguro sa dami ng mga nangyayari
sakin. At hindi ko na alam kung alin ba sa mga problemang yun ang una
kong sosolusyunan.
Kung bakit galit na galit si Nika
sakin? At kung ano ba talagang ginawa ko para masaktan ko siya ng
ganyan? Parang lagi na lang na sa tuwing may gagawin ako.. may mga tao
akong nasasaktan.
“Here.” Lumingon ako sa taong nag-abot sakin ng panyo. Tuluyan namang pumatak ang mga luha ko.