Dumaan ang Christmas break, New year.
Midterm exam na.
Buong exam week wala akong nakitang bakas ni Kenner. Hindi rin ako
naglalalapit kay Nika dahil ayoko ngang makita si Kenner.
2
weeks after, binigay na rin samin ang result. As always mababa ako sa
minor subjects na walang related sa math. Pero okay lang dahil mas
mahalaga talaga ang major. This time, hindi ko na kailangang balewalain
ang mga meetings ko kay Nika dahil wala ng Kenner na magpaparamdam.
"Akin na nga lang ito." kinuha ko ang burger ni Nika dahil hindi siya kumakain ng matino.
"Sigh."
Sinamaan ko siya ng tingin sa ginawa niyang pag-sigh.
"Ahh
ano ba Max, nagsesenti ako. Kasi naman si Kenner di na madalas pumunta
ng org. Bukod pa dun hindi ko na siya madalas makita. Nalaman ko pa kila
Hannah na madalas daw mapag-isa si Kenner. Mukhang may nangyaring
masama sa kanya!" kung pwede lang masuka. Nasuka na ako.
Oa kasi
nitong si Nika. Ano naman magiging problema ng abnormal na yun.
Nanchichiks lang yun. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nagustuhan
niya sa lalaking yun.
Pagkatapos naming kumain, bumalik na ako sa klase ko. At nung matapos ang klase ko,
"Max!" may pumasok sa classroom namin habang tinatawag niya ako.
Lumapit siya sakin ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Nagsalubong lang mga kilay ko.
Pero nagulat ako nung may ibigay siya sakin. Nung tingnan ko.. grades niya ngayong midterm.
Ang
tataas ng mga grades niya.. ang mga minors halos mga line of 1 at yung
mga major ganon din. Yung mga math related subject niya.. 2.50
"So?" pagtataray ko. Gusto niyang patunayan na hindi mahina ulo niya. Anong pake ko!?
Tumayo ako at umalis-- HINIGIT NA NAMAN NIYA KAMAY KO!!!
Naiinis na talaga ako sa kanya!
"Handa akong mag-aral ng mabuti para sayo!
Maging girlfriend lang kita.."
Mabilis na kumalat ang rumor kaso naging chismis ang usap usapan, dahil ang kumalat ay 'GIRLFRIEND DAW AKO NI KENNER'
Naiinis
talaga ako sa bawat tingin ng mga tao. Tapos magbubulungan sila. Galit
na galit talaga ako sa ginawa nung Kenner na yun. Kaya tinext ko siya na
makipagkita sakin.
"Max.." dumating siya na may ngiti sa mga labi. Nagsalubong ang mga kilay ko. Ang kapal talaga!
Lumapit siya sakin. Sobrang lapit at nakangiti pa. Ang chikboy talaga. Kaya nung tumayo ako agad kong sinipa ang paa niya.
"Aray! Aray! Aray!" nagtatatalon siya habang hawak yung paa niya na sinipa ko. Umalis naman ako.
"Sandali!" pinigilan na naman niya ako!
Binawi ko ang kamay ko at tiningnan siyang masama.
Nagulat na lang ako nung yakapin niya ako.
Pinilit
ko siyang ilayo pero ang lakas niya. “Kung ano man yung kinagagalit mo,
wala akong pake.” Mas lalo akong nainis! Sisipain ko sana ulit siya—
“Gagawin
ko ang lahat para magustuhan mo ako.” Dinagdagan lang niya yung inis ko
sa kanya pero bigla nagring ang cellphone ko. with that ringtone.
Dahan dahan kong nilayo si Kenner at sinagot ko yung phone ko.
“Hello..” sabi ko in a mild voice.
Ang daming sinabi ni Leo. Pero wala akong sinagot ni isa. Hanggang sa nakarating kami sa usapan na hinding hindi ko malilimutan—
“Inimbita ako ng mom mo sa inyo.”
“Okay
lang kahit hindi ka pumunta.” Gustong gusto kasi ni mama si Leo kaya
sobrang nasaktan si mama nung bigla ko na lang iniwan sa ere si Leo.
“Sorry,
pero sinabi ko na pupunta ako.” Napangiti ako sa sinabi niya. Pero
dinugtungan niya—“..Max, isasama ko ang girlfriend ko.”
Para akong binagsakan ng malaking bato.
“Sinabi ko na kay tita yun, sorry Max—“ ni-end ko na yung call.
Mas
nainis naman ako nung makita si Kenner na nasa tabi ko pa rin. Hindi ko
na lang siya pinansin at umalis— Nakita ko si Nika. Nakatingin siya
samin. Nagulat siya na makitang magkasama kami ni Kenner. Mukhang aware
na din siya tungkol sa chismis na kumakalat. Pero hindi ako nagsalita at
nilagpasan ko lang si Nika. Nasa isip ko lang, wala akong ginagawang
masama. Kung masaktan ko man siya, hindi ako ang may kasalanan nun.
Kundi siya, nagmahal siya ng maling tao.
Dumating ako sa
bahay at sinabi sakin ni mama ang tungkol sa pagpunta ni Leo sa bahay
namin sa birthday niya. Hindi niya sinabi sakin na isasama ni Leo ang
girlfriend nito. Minsan iniisip ko na gumaganti si Leo sakin. At tuwing
naiisip ko yun, naiiyak ako.
Ako ang nang-iwan, pero hindi ako ang may kasalanan. Nasasaktan lang ako.. gusto ko lang kumawala sa kulungan na yun.
Dumating
ang celebration, dumating si Leo. At nalaman ko na si Janine pala ang
gf niya. Si Janine ay kaibigan din namin. Janine, Leo and I were in the
same group of friends. Pero inosente si Janine, dahil tinago ni Leo sa
lahat na girlfriend niya ako.
Ang sweet sweet ni Leo kay Janine.
Kinukwento naman ni Janine sakin lahat ng tungkol sa kanila ni Leo,
nakikita ko na masayang Masaya siya. at nasasaktan ako na malaman na
nararanasan ni Janine ang mga bagay na pinaranas sakin ni Leo. Ang
magkaiba lang, legal na sila sa mata ng lahat. Habang kami noon ni Leo,
legal lang kami sa mga magulang ko at sa mga mata namin.
Hindi ko
kinaya ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing makikita ko sila Leo at
Janine, bukod dun ang makitang Masaya si mama sa kanilang dalwa. Kaya
umalis ako ng bahay. Alam ninyo yun, sarili kong magulang.. hindi
naiinitindihan ang sakit na nararamdaman ko. onga naman, walang alam si
mama sa sakit na nararamdaman ko. dahil ang alam lang niya, iniwan ko ng
walang dahilan si Leo.
Gusto kong maiyak habang
naglalakad ako sa kawalan.. pero hindi na ata kailangan. Dahil mismong
panahon na ang umiiyak para sakin.
“Hija, nababasa ka ng ulan.”
May matandang babae ang lumapit sakin at dinala ako sa may shed. Kahit
papaano pala may nag-aalala pa sakin--
"Max!"
May dumaang van sa harap ko at sakay nito si Kenner. Lumabas siya ng may dalang payong at inalalayaan ako papasok ng van.
"Basang basa ka." ginamit niya ang panyo niya para ipunas sa nabasang parte ng katawan ko.
Nakatingin lang ako sa kanya.
Tiningnan ko siya at nung mapansin niyang nakatingin ako, ngumiti siya. iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?”
“Ah
nakita kasi kita, nagpapaulan ka. Napadaan lang ako! Maniwala ka!
P-pero ano ba kasing dahilan at nagpapaulan ka?” hindi na lang ako
sumagot at nagpahatid na lang ako sa bahay namin. Pinahiram naman niya
ako ng jacket.
“Okay na ako dito, wag ka ng pumasok.” Sabi
ko paglabas ng van habang dala yung payong nila. Nagpaalam na din ako
dun sa driver ng van at nagpasalamat.
Pagpasok ko naman, saktong nandun si Leo. Hindi ko siya pinansin at pumasok na lang ako sa loob.
“Max, nagpaulan ka ba?--”
“Max!!!”
hindi ko agad siya napansin dahil mas narinig ko yung sumigaw. Nakita
ko na lang na nasa gate si Kenner. Nagkatinginan sila ni Leo.
“ Uhh.. “ hindi ko alam kung anong kailangan niya. Pero agad ko siyang nilapitan dahil nababasa siya.
At eksaktong labas naman ni mama kaya in the end napapasok ko si Kenner sa loob ng bahay namin.
Kinuha ko ng makakain si Kenner.
"Salamat." sabi ni Kenner.
Hindi
ko naman maiwasang hindi mapatingin kila Leo. Nabigla siya nung mahuli
ko siyang tumingin sakin. Kanina pa syang ganyan simula ng dumating si
Kenner kahit kasama niya si Janine.
"Hijo, kain ka lang."
"Ah
salamat po." pumunta naman si mama kila Leo. "Uhm Max, pasensya ka na
a. Naabala pa kita." tiningnan ko siya ng masama pero wala talaga ako sa
mood magalit kaya naupo na lang ako sa tabi niya.
Tiningnan ko
naman siya na sobrang tahimik din pero panay naman ang tingin sakin.
Bigla siyang namula nung tinitigan ko siya. Kaya nagsalubong ang kilay
ko at hinampas ang noo niya.
"Aray--"
"Max." lumingon ako sa
tumawag sakin. Nginitian niya kami ni Kenner. "Umuwi na si Janine pero
dito muna ako para may katulong kayo." tumayo ako.
"Salamat, Leo." tumingin naman sya kay Kenner. Tiningnan ko naman si Kenner na parang pinapaalis na siya.
"Ah aalis na rin ako Max pagkatapos ko dito."
"Sige Max dun na ako sa ibang bisita."
Nagpaalam
si Kenner kay mama bago umalis. At hinatid ko naman siya palabas since
tila na ang ulan. Nung sasakay na siya ng van niwave ko yung kamay ko at
tumalikod--
Napatingin ako sa kamay namin. Hawak niya ang kamay
ko.. nung tingnan ko siya, diretso lang yung tingin niya sa mga mata ko.
Gusto kong mainis pero ang lungkot ng mga mata niya.. hindi ko siya
maintindihan.
"Kenner ang kamay ko."
Hindi niya agad binitawan ang kamay ko. Tumungo siya. At nung tingnan niya ulit ako, ngumiti naman siya.
"Just wanna say, goodnight." at pumasok na nga talaga siya ng van.
Bumalik
ako sa loob at gaya ng sinabi ni Leo tinulungan nga niya kami. Walang
binanggit si Leo tungkol kay Kenner. Mukhang nagkakamali ako ng iniisip.