1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 39

2 days na lang at final exam na. Kaya paspasan na rin ang mga teachers sa pagtuturo. Ginagawa ko na lang dahilan ang pag-aaral para hindi ko masyadong bigyang atensyon ang mga nangyayari this past few days. Family problem. Friendship. Love life. Ano pa kaya ang susunod..

"Sige una na kami, Max." hinayaan ko lang na umalis sila Roxine at Kim.

Naiwan ako sa may bench sa tracknfield.

Ang tirik ng araw. Pero ang bluish ng kalangitan. Ang peaceful. Ang sarap sa pakiramdam. Naisip ko nga na kung umabcent na lang kaya ako.. pero may umagaw naman ng atensyon ko.

Ayoko na lang sanang mangialam.. dahil ayoko ng madagdagan pa yung problema ko.

Pero may mga tao pa lang talaga na ganon no.. Magbibitiw sila ng salita pero sa huli kakainin din naman nila.


"Sige ho uuwi na ako." ni-end ko naman yung call nang mabitawan ko yung libro ko.

Agad naman akong lumuhod at-- Kinuha ang libro sa lalaking nag-abot nito sakin. Parang bigla siyang nagulat at agad na umiwas sa mga tingin ko.

"Salamat." parang biglang naging awkward yung situation.

Nakatayo lang siya at hindi umiimik. Hindi rin makatingin. Biglang kong naisip ang nakita ko kanina. At sa tingin ko kaya din siya nagkakaganyan.

"Zero--"  tumingin siya sakin pero bigla namang nagring ang phone niya. Sinagot naman na niya ito.

"..Sasama ako, Roy. Kasama ang babaeng yun? Oo na. Si Annika. Sige. Hm.."


Natapos yung call. Nagtama ang mga tingin namin.

"May.. sasabihin ka pa?" bahagya siyang umiwas ng tingin at inayos ang buhok niya.


"Close na ba kayo.." inayos ko ang gamit ko. "..ni Nika." hindi ko alam kung bakit ang awkward awkward ng feelings na makipag-usap sa kanya.

Matagal siyang sumagot.


Nung mismong yung taong yun na ang sumagot sa tanong ko.

"Zeroun!" napalingon kaming parehas. Bahagya pang tumingin si Nika sakin. A sarcastic look. "Let's go?"
Lumapit naman ang mga alipin ni Nika kay Zero at kusa ring sumama si Zero sa kanila.

Pinapanood ko pa silang mawala sa paningin ko. Lumingon pa nga si Zero sa likod pero hindi sakin. He not even met my eyes.

"To see is to believe." Nasabi ko na lang.



Umuwi ako sa bahay at inayos ang mga gamit ko para bukas ng gabi. Alumni. At oo aattend ako. Aattend ako kahit si Leo lang ang kaibigan ko dun. Aattend ako kahit wala akong ideya sa pwedeng masamang mangyari. Hindi na rin ako pumayag na sumabay kay Leo.


"Everyone, please welcome, PSYREN!"

Kasalukuyan ko namang pinapanood yung dance competition nila Kenner.
Kasali sila sa top 5.

"Once again, the top 5!"

Mainit yung naging performance nila. Mapababaeng competitors pinapakitaan nila ng galing at kayabangan. May scene pa na nakipag-one-on-one si Kenner sa isa sa mga babaeng competitors. Nagkakangitian sila pagkatapos ng sayaw. Parang naeenjoy nila ang bawat galaw nila. Top 5 na lang kasi sila. At dito na nagsisimula ang tunay na competition.

Nung matapos ang performance nila. Pinakilala ulit sila nung host. At nakipagyakapan sila sa bawat competitors. Nahagip pa ng camera na katabi ni Kenner yung babaeng naka-one-on-one niya. Nagkaakbayan silang lahat. At parang kumirot ang dibdib ko nung mahagip ng camera na habang magkaakbayan sila nung babaeng yun, nagngingitian sila at hinawakan pa siya nito sa may baywang.

Natapos yung show. Commercial. Pero parang tumatak yung scene na yun sa utak ko. Hindi ko makalimutan ang masasayang ngiting yun ni Kenner..


"Kenner?" ramdam na ramdam ko ang sobrang pagkamiss ko sa taong yun. Sobra na halos mabaliw na ako.

Kailangan ko siya..
HTML Comment Box is loading comments...