1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 38

“Eh eto?”
“I prefer pears than apple.”
“Okay.” Naglagay naman siya 5 piraso sa plastic.

Nandito kami sa supermarket ni papa. Kami lang na dalwa. Sabi kasi ni mama mas mabuting kami na muna ang magsama pamimili. If I know gusto lang ni mama na makabond ko si papa.
Pagkatapos namin sa fruit section. Sinabi ko na sa kanya na magbayad na kami. Nabili na rin naman kasi namin lahat ng nasa listahan. Ngumiti lang si papa at sinunod din ako. Halatang nagkakailangan kami ni papa.

“Max!”napalingon kami sa nakasalubong namin.

Si Leo.
Lumapit siya samin ni papa. Yumuko ito kay papa habang nakangiti. Napakagalang talaga ni Leo.

“Hello, po.”
“Leo, sino kasama mo?”tanong ko.
“Ah ako lang. pinahiram din naman kasi ako ni papa ng kotse kaya ako na lang namili na mag-isa.” tingin siya ng tingin kay papa. Medyo ilang ang mga ngiti ni Leo.

Hindi rin naman ako makatingin ng masyado kay Leo dahil nung isang araw sila na magkasama sila ni mama. Pinagtataka ko lang kung paanong nagkameet sila ni mama. Naalala ko pa na alam nga pala ni papa na naging kami ni Leo.

“Sige.”  Inandar ko na yung cart namin. Kaso huli na—
“Hijo, may gagawin ka ba ngayong gabi?” kinakabahan ako sa maaaring mangyari.
“Pa—“
“Maaari ba kitang maanyayahan mamayang hapunan? Hihintayin ka namin sa bahay.”

Ayoko sa binabalak ni Papa. Gusto kong pigilan siya sa binabalak niya pero umuurong ang dila ko. naiinis ako.  Pakiramdam ko.. napapalapit ang kalooban ng mga magulang ko sa lalaking hindi ko naman talaga gusto.

Napatingin naman sakin si Leo. Parang nag-alala siya sa reaction ko. munkhang naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko. ngumiti parin siya kay papa at tinanggap ang paanyaya nito.


Sa hapagkainan, mahahalata mo na hindi kami parehas na komportable ni Leo. Hindi naman siya napipilitan pero alam niyang hindi ko gusto ang mga nangyayari. Syempre dahil nahihiya naman ako kay papa kaya wala din akong masabi.

Nung niyaya siyang makipag-inom ni papa sa may garden, saka lang ako nagkameron ng pagkakataon tanungin si mama.

“Ma.” Naglilinis ng hapagkainan si mama.
“Oh bakit iniwan mo ang papa mo at si Leo? Baka maparami ang inom nung dalwa.”
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy, “Ano po bang nangyayari? Bakit.. parang hanggang ngayon hindi ninyo pa rin pinapaalam kay papa na wala na kami ni Leo?” kilala ako ni mama. Hindi ako pala-salita. Pero kapag nagsalita ako.. I really mean it.

“Maxine, I’m just returning the favor. Ex-boyfriend mo si Leo. Single na siya. so what to do? Grab the chance! Dun din naman pupunta ang lahat.” Naghugas naman siya ng pinggan.

Ito na naman yung pakiramdam na alam ko, ako ang talo sa pag-uusap naming ito. Namumuo na yung luha ko. heto na naman kasi si mama, nagingialam siya sa bagay bagay. Naiinis ako! Naiinis ako kasi magulang ko siya at alam niyang wala akong lakas ng loob para kalabanin ko siya. kahit na ang pakiramdam ko tapak na tapak na ako sa pinaggagagawa nila.
Noon hanggang ngayon. Never kong pinagtaasan ng boses ang mga magulang ko. Hindi ko kaya..



“HINDI NA KAMI MAGKAKABALIKAN NI LEO, MA—“ muntik ng mabasag ang hawak na pinggan ni mama.

Ngayon lang.

Ngayon ko lang nagawang ilabas yung mga nasa isip ko. nasigawan ko si mama.
Gusto kong maiyak sa reaction ni mama. May halong inis at gulat ang expression niya. talong talo talaga ako pagdating kay mama. Pakiramdam ko kontrolado nila ako.

“What happened?” napasinghot ako. Nang may magsalita sa likod namin.

Akala ko tutulo na ang luha ko. nagulat si Leo sa expression ng mukha ko. nabasa niya agad ako.

“WALA! Walang nangyari..” tumingin sakin si mama. Bahagya niya akong inirapan. “Muntik lang na mabasag itong pinggan na hawak ko.” ngumiti pa siya. fake!

Ramdam ko ang pag-aalala ni Leo.

“Max?” nilapitan ako ni papa. Pero lumayo ako.

Parang natakot ako na hawakan ni papa. Kaso.. naramdaman ko naman ang takot nung akbayan ako ni papa.

“Nag-aalala kasi si Max sa isosoot niya sa alumni niyo, Leo. Diba ngayong summer din yun?” napatingin ako kay mama. Nginitian pa niya ako. It's as if.. she’s threatening me.

Tumango na lang ako.

“Tama! Dapat kayo ang magkasabay, Leo! Sabay kayo ng Maxine ko a!”

Pagkatapos ng aksidenteng yun, nagpaalam naman si Leo na uuwi na. Nagpahatid siya sakin hanggang sakayan.

"Okay ka lang ba?" alam kong itatanong niya yan. Hindi ko nga alam kung makakapagsinungalin ako kay Leo dahil isang galaw ko lang basa na niya agad ako.

He really knows me very well. Wala akong maitatago sa taong ito. Dahil buong tiwala ang binigay ko sa kanya nung isave niya ako nung highschool. Kaya siguro ganito ang attachment namin sa isa't isa.
Hindi na lang ako nagsalita.

Pero nung tinitigan niya ako pakiramdam ko in any minute papatak ang mga luha ko.

"Sige na! Baka gabihin ka!" agad naman akong tumalikod sa kanya at umalis.

Sobrang hina ko! Yan ang pinakakinaiinisan ko sa sarili ko. Akala ko sa sobrang sama na ng ugali ko. Na sa sobrang manhid manhidan ko. Matututunan ko din balewalain ang mga bagay na totoong nanakit sakin.

*sob*

I've never thought this day will come.. na magagawa kong maglabas ng sama ng loob sa mga magulang ko. Ang makita ang mga tingin na yun ni mama.. Ang Sakit Sakit! Pakiramdam ko wala akong karapatan na magalit at makaramdam ng ganito.



‘Papa will need to go.. para yun satin. Kaya wag ka ng magtampo.’ he wipes my tears.
‘How long?
‘It's not about the distance.. it's the connection within our heart.’ nagform kami ng heart ni papa sa kamay at pinagkonektado namin yun.

Sobrang close namin ni papa. He's been my bestfriend. Teacher. And a playmate. Then kinailangan niyang umalis ng bansa. Madaming nangyari. Okay pa naman kami ni mama. Everything’s normal.
Hanggang sa isang araw parang bigla na lang nagbago ang lahat. Nagbago si mama simula ng mawala si papa at hindi ito nagparamdam ng 5 buwan. Kahit ako hindi ko alam ang dahilan. Bigla na lang na gusto ni mama na maging ganyan-ganito ako. Parang bang ako yung pumuna lahat ng pagkukulang ni papa. Para makuha ko ang atensyon ni mama kailangan ganito-ganyan ako. Kailangan sumunod ako sa lahat. I even played a role of a perfect daughter.

Kailanman hindi ko nagawang sumaway dahil sa takot na makitang malungkot ang mama ko.

‘Nakita ko siya.. she even make that kind of face.’
‘Hindi siya totoo. Pinaglalaruan lang niya tayo.’
‘Hindi naman talaga siya nakakatuwa.. nakakainis siya.’

Ang it turns na.. ako pa ang naging masama sa mata ng lahat. I am fake. They’re right.  Pero hindi dahil para sa kanila. Para yun sa mga magulang ko.

Yun siguro ang dahilan kung bakit nagalit ako sa papa ko. I’ve become hatred for everyone because I act perfect though I’m really not. Para sa atensyon ng mama ko ginawa ko yun. Pero nabisto ako ng lahat na hindi ako totoo. And it turns bad. Yung mga taong dahilan ng lahat ng ito.. sila pa yung mga taong labis na nananakit sakin.
HTML Comment Box is loading comments...