Napatingin yung dalwang babae sakin. Parang naman akong tinamaan ng
kung ano at hindi agad ako nakareact sa mga narinig ko. tinaasan ako ng
kilay nung isang babae. And now that I realize it, sila lang naman yung
mga babaeng pilit na nambubully sakin.
“Oh. The girlfriend is here!” tumayo yung nakaupo. Agad naman akong napatingin dun sa pinto.
Sh!t this isn’t our room!
“Whacha doing here?” sumandal sila sa magkabilaang side ng pinto kaharap ko. Pang-asar talaga!
“Nakikinig ka sa usapan namin?”
“Do
you intentionally wanna hear what we’re talking about?” hinawakan pa
niya ang chin ko. na agad ko din namang tinampal ang kamay niya.
Kung wala lang akong manners baka nga dinuran ko pa ang pagmumukha ng dalwang ito.
Agad naman akong tumalikod.
“Your
pokpok bestfriend. Alam mo bang hinalikan niya si Kenner habang kayo
pa?” parang biglang nag-glued ang mga paa ko sa samento.
“Take note, desperado ang bitch nung mga panahon pa kamo na magbestfriend na magbestfriend sila.”
“Hahaha. Mas bitch pa rin si Veronica! Makipagmake-out daw ba sa bar!”
Lumingon ako sa kanila. Masyado na ata akong walang maintindihan sa mga pinagsasasabi nila.
“Tanga
ka kasi! Binalaan ka na namin ilang beses diba. Pero sige ka parin ng
sige. Tingnan natin kung sinong mas masasaktan sa huli.”
“Ginusto mo ito. Pwes tanggapin mo! Mali ka ng taong binangga!”
Pumasok naman sila sa loob at agad na sinarado ang pinto.
Wala akong maintindihan.
Pero
paulit ulit na naglalaro sa utak ko lahat ng sinabi nila. Maling taong
binangga? Sino ang taong yun? Sino si Veronica? Bakit wala akong alam sa
kiss thingy nila Kenner at Nika? And most important is—wala akong
pakealam kung hindi na virgin si Kenner BUT what’s with the
make-out-at-the-bar thingy?!
Paulit ulit na naglalaro sa
isipan ko ang mga sinabi ng mga babaeng yun. Gusto ko man malaman ang
katotohan.kahit masaktan man ako tungkol sa malalaman ko. But the fact
na involved ang taong mahal ko sa mga bagay na ito, na siya mismo ang
punot dulo ng lahat ng ito. Anong gagawin ko?
Ang bigat bigat ng pakiramdam ko..
"Malapit na ang finals guys. Aral aral din!"
Nagclass dismissed din naman at agad akong dumiretso ng infimary.
Nahiga
lang ako at nagpahinga. Medyo nag-isip isip. Ipinikit ko ang mga mata
ko. May mga alaala namang nagflashback sa aking isipan. At sa lahat ng
mga alaalang iyon na kasama sila.. hindi ko maalala kung kailan nila
nagawa ang mga bagay na binibintang ng mga babaeng yun. Pinipilit kong
alalahanin kung kailan ang posibleng araw na niloloko ako ng mismo kong
kaibigan.. at kung kailan nagawang maglihim sakin ng taong minamahal ko
sa kasalukuyan.
Hindi ko akalaing..kahit siya na labis kung magpakita ng pagmamahal ay magagawa parin akong lokohin.
‘Max..’
Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko. Narinig ko pa na may tumawag sa pangalan ko.. o baka guni guni ko lang din yun.
Nakaramdam naman ako ng antok.
Pero bago ako tuluyang makatulog.. parang bang may naramdaman akong isang malambot na bagay na dumampi sa aking mga labi.
“Aray..” pinapalo palo ko ang batok ko habang papalabas ng campus. Sumakit kasi ang ulo ko kakatulog dun sa infirmary.
Nung
makasalubong ko naman si Zero sa labas. Nagkatinginan kami.. pero
parang bang hindi niya ako nakita nung iwasan lang niya ang mga tingin
ko at lagpasan ang daan ko.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magtataka sa ginawa niya?
“Maxine!” napalingon naman na ako sa tumawag sakin. Isang familiar na sasakyan ang tumambad sa harapan ko.
At nakita kong sakay nito si Mama at si Leo.