"Hi, Zero."
Nakasalubong nila Nika si Zero. Nabigla ako nung magtama ang tingin namin. Umiwas naman ako ng tingin.
"Di ka nagrereply sakin."
"Wala akong load. Annika, magkita daw kayo ni Roy." narinig kong nagsalita si Zero. Kilala pala niya si Nika.
"Sama ka samin. Tapos sama mo si Roy." sabi naman ni Nika.
Bakit ba ako nakikinig sa usapan nila? Uuwi na dapat ako diba..
"May kailangan pa akong samahan."
Nasa gate na ako nang makita ko sa tabi ko si Zero.
Nagkatinginan kami.
"Ano! Magkakilala din sila?!"
"Si Max ang sasamahan niya!?"
"Malandi din talaga siya no!"
Napatingin ako kila Nika ng nakakunot ang noo. Ang sama pa ng tingin ni Nika sakin. Atsaka tumalikod at umalis.
"Kilala
mo ba ang mga babaeng yun?" hindi ako sumagot. Hindi ko na talaga
maintindihan si Nika. Kung ang lahat ng ito ay tungkol kay Kenner,
sumosobra na talaga siya.
"Yung Annika na yun, hindi ko
siya gusto. Kung sinu-sinong mga lalaking sinasamahan niya. Pati si Roy
dinadamay niya. " nagtaka naman ako sa sinabi ni Zero. "Pinaglalaruan
kasi nung Annika na yun si Roy. Nakakainis lang.. na natamaan talaga
yung kaibigan ko sa kanya kaya hindi niya matiis ang babaeng yun."
May bigla naman akong naalaala. Nung minsang nakita ko si Nika na may kasamang lalaki..
Ano na ba talagang nangyayari kay Nika?!
"Ganon ba."
Bigla naman niyang hinigit ang kamay ko.
"Uuwi ka na?" napakunot ang noo ko sa ginawa niya. Kaya agad din niya akong binitawan.
"Oo--"
"Sabay na tayo." nauna naman siya sakin sa paglalakad.
Dahil magkasama naman na kami, naisip ko na ding kumain na muna bago umuwi.
Medyo
komportable na ako kay Zero. Hindi na ako naiinis sa dating niya lalo
na tuwing naaagaw niya ang atensyon ng mga babaeng nakakasalubong namin.
Gwapo din kasi si Zero kaya hindi na nakakapagtakang madaming
napapatingin sa kanya.
"Ihatid na kita?" tiningnan ko siya
ng masama. Natawa naman siya. Yun lang kinaiinisan ko sa kanya, ang
lakas kasi ng dating niya. Akala mo kung sino.
"Sige na. Uuna na."
"Leo!" napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kanila.
Tumingin si Leo sakin.
"Sabay kayo umuwi?" nagkatinginan naman kami ni Zero.
"Oo." ako na ang sumagot.
"Ahh
sa bagay magka-sub naman kasi kayo." tumingin naman siya kay Zero.
"Napadaan lang ako. Wala kasi akong magawa kaya naisip kong puntahan ka
Zero." tumingin ulit siya sakin.
"Sige. Uwi na ako."
“Ah
Max!” napatigil naman agad ako. “s-Sumama ka na muna samin ni Zero.
Kakain kami! Hindi ba?” nagkatinginan kami ni Zero. Nagtataka ako sa mga
pinagkikilos ni Leo. Parang may hindi tama sa mga pinagkikilos niya.
Dahil
kakakain lang namin ni Zero. Hindi na siya kumain. Pero dahil pagdating
sa pagkain hindi ako tumatanggi, kaya kumain parin ako.
Napansin ko ang pagtitig ni Leo sakin, “Bakit?”
Medyo
natawa siya, “Ang takaw mo.” pinunas naman niya sa may labi ko yung
tissue. Agad ko ding pinunasan gamit ang kamay ko yung bibig ko.
Tiningnan ko naman ng masama si Zero na kasalukuyan kaming pinapanood ni Leo. Umiwas din namang siya ng tingin.
“Musta naman ang boyfriend mo?”
Tumingin ulit ako sa kanya habang sumusubo sa pagkain ko, “Lalabas sila ngayong gabi.” Buti pinaalala niya.
“Nga
pala sabay na tayo sa alumni!” ang todo ng ngiti niya. Tumango na lang
ako bigla. “Dapat presentable ka. Pabonggahan ata yun per batch.”
Napatingin naman ako sa oras.
“Uwi na ako.” Sinukbit ko ang bag ko. “May mga gagawin pa kasi ako. Sige!”
“Sige—“ hindi na ako lumingon kay Zero at agad ding umalis.
Tinapos
ko yung assignment sa humanity. At agad ko ding inabangan yung tv show.
Abang na abang ko ang bawat mangyayari hanggang sa lumabas din sa wakas
yung psyren.
Napakagaling ng performance nila. Dinig na dinig ang
buong hiyawan ng audience. Mapapansin na gusto din sila ng lahat.
Nakakagulat pa nung may kasamang pasabog ang grupo nila, naghubad lahat
ng member ng psyren including HIM. Halos hindi ko makurap ang mga mata
ko nung itama mismo kay Kenner yung camera.
Nabigla ako dun.
Kahit hindi naman na dapat. It’s normal. Pero dahil sa pasabog na yun parang mas lalong lumakas ang impact nila sa tao.
“Napanood mo ba yung kagabi?”
“Sh!t! THAT WAS SO HOOOT!”
“Mas lalong gumagwapo si Kenner!”
“Halos lahat ata ng psyren mga gwapo!”
“Yung abs ni Kenner, woah grape sexy!!”
“Aminin naglaway ka dun te!”
Malamang
napanood din yun ng mga die-hard fan ni Kenner dito sa campus namin.
What do I expect. Halos buong campus siya ang usap-usapan. Famous guy
not only in this town pati.. sa ibang bansa. He will be popular for
sure. At yun ang kinatatakutan ko..
Mabuti na lang nakarating na ako sa room ko. Binuksan ko naman yung pinto--
“Kenner’s not a virgin.”