1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 35

Nung sumunod na klase pumunta naman kami sa library. Magreresearch. Gagawa ng essay. Ganon din ang klase nila Roxie at Kim. Kaso di ko ineexpect na nandito din sila Nika.

"Tusukin ko mga mata nila e!"
"Ang sarap pagbabatuhin ng libro!"

Bulungang bulungan na naman sila Kim at Roxie. Parang ngang silang mga mangkukulam. Ang we-weird. Tss!
Tumayo naman ako. Naisip ko na magtype na kesa isulat ko pa yung essay.

Kaso nagkamali ata ako ng desisyon..

"Max!" binati naman ako ni Chad habang nakataas ang isang kilay na nakahalf-smile sakin yung tao sa likod niya. Si Nika.
"Anong subject niyo?" gusto ko na lang sanang iwasan sila.
"Humanity. Sige."
Nilagpasan ko naman agad sila.
"Max!" napatigil naman ako nung marinig ang boses na yun. "Malapit na nga pala ang alumni. You should go there." nilingon ko siya.
Tiningnan ng masama. Atsaka nilagpasan.

“Kita mo na, Chad. Sino sa tingin mo ang mas rude saming dalwa.”
“Hindi pa naman talaga kami close.”
“Madami ka pang hindi alam tungkol sa kanya..”

Narinig ko pa ang usapan nila Chad at Nika habang nilalapasan ko sila. Parang biglang nanakit ang ulo ko nung marinig ko yun.

‘Madami ka pang hindi alam tungkol sa kanya..’
..hindi naman talaga natin siya kilala.’
‘feeling ko pinaplastic lang niya tayo.’
‘hindi naman talaga nakakatuwa ang batang yan. minsan nakakairita rin.. at hindi ko maiwasang mainis sa lahat ng gawin niya.’

Parang bigla akong nawala sa mood. May mga alaala na namang nagflashback.. hindi naman na dapat ako magpaapekto. Ginagawa ko naman ang lahat para hindi magpaapekto. Pero.. bakit sa lahat.. si Nika..

“Huy.”ang gulat ko nung may tumapik sa balikat ko.

Hindi ko alam kung anong itsura ko . Just now.. muntik na akong maiyak.
Napahawak naman ako sa ulo ko. at napayuko. Ayokong.. makita ng kahit na sino ang itsura ko. Naiinis ako! Ayokong maiyak.

Medyo tumawa ako, mahina lang para matago yung totoo kong nararamdaman, “May kailangan ka?”
Hindi ko makita ang mukha niya. Ayokong tingnan. At ayokong magtama ang mga mata namin.
Matagal siyang nagsalita. "Kung wala kang sasabihin. Uuna na ako."

Bumalik na lang ako sa table at sinubukan kong magbasa. Pero kahit anong subok kong pagcoconcentrate hindi ko matanggal sa isip ko ang mga binitawang salita ni Chad.

"Aiss tingin pa sila ng tingin!"
"Hindi ba nila tayo titigilan!."

Napatingin ako sa pinag-uusapan nila Roxie at Kim. Yung grupo na naman nila Nika. Nakatingin sila sa table namin habang tumatawa. Mukhang kami ang pinag-uusapan nila. Kaya naisip ko na umalis na lang.

"Aalis ka na?" sinukbit ko naman ang bag ko.

Hindi ako makatingin sa kanila, "Masyadong madaming tao dito kaya sa ibang lugar na lang ako."

Pakiramdam ko, nadadamay lang sila ng dahil sakin. In the first place hindi ko naman kagustuhan na kasama sila.

"Samahan ka na namin--" tumayo naman agad sila.

"Wag. Mas gusto kong mapag-isa."


Napansin ko pa ang mga nanghuhusgang tingin nila Nika habang umaalis ako. Pati si Chad.. Feeling ko nanliliit ako habang tumatawa at tumitingin sila sakin. Lalo na kapag nakikita ko ang mga reaction ni Chad..

Hindi ko siya kaklase nung highschool. Kaya wala siyang alam tungkol sa mga nangyayari sakin noon. Siguro may mga naririnig siya.. pero hindi yun naging rason para magbago ang pakikitungo niya sakin. Palagi niya akong binabati tuwing napapadaan ako sa bahay nila. Sa lahat ng nakilala ko, siya lang yung nagpakatotoo.

Hindi nga kami ganong kaclose sa isa't isa gaya ng sinabi niya. Pero sa lahat ng mga taong napalapit sakin.. si Chad.. isa si Chad sa pinakaayoko na lumayo sakin. Ayokong magbago ang pagtingin niya sakin. Ayokong madisappoint siya tungkol sa tunay kong sitwasyon pagdating sa ibang tao.


'nasabi ba sayo ni Nika ang tungkol sa alumni? Punta tayo hah.'

Nagtext si Leo sakin. Iniisip ko kung magrereply ako. Hindi ko tuloy napansin kung sino na ang nakakabangga ko..

"Look who's here."
"Shh~ Hi Max!"

Yung mga taga thespian. Na mga kabarkada ni Nika. Akala ko mababait sila. Totoo pala yung mga naririnig ko na inis na inis sila sakin na pinaplastik lang nila ako dahil nga kaibigan ko si Nika. Lumalabas talaga ang baho ng isang tao kapag alam nilang walang wala na ang taong yun.

Tumingin naman ako kay Nika na kasalukuyang nakaharang sa harap ko habang nakacrossed-arms.

"Sabi sakin ni Leo iulit ko daw sayo. Hindi ka daw kasi nagtetext sa kanya..

..e madalas naman kayong magkasama." napakunot ang noo ko sa binulong niya. Tinaasan pa niya ako ng kilay.

"Nika, may binabalak ka ba." naiinis kong tanong.

Lumapit naman siya at tinapik ang balikat ko. "If I were you, mag-iingat ako sa mga kinikilos ko. Mahirap na.. baka mawala sayo yung mga bagay na gusto mo na." iniwan naman nila ako.

Si Nika ang una kong naging kaibigan nung highschool. Sa kabila ng pambubully ng lahat sakin, bukod kay Leo, pinagtanggol at tinanggap niya kung sino ako. Wala talaga akong ideya kung bakit ganito kalaki ang galit niya sakin. Totoo nga siguro talaga na ang bestfriend mo ang pinakamortal enemy mo..
HTML Comment Box is loading comments...