1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 34

"..at hijo ito nga pala ang anak namin, si Maxine." pinakilala ako ni papa sa dalwang taong kilalang kilala ko.

Hindi ko alam ang reaction na meron ako. Who does think these two are in common. Si sir Barton na isang terror teacher sa klase ng general philosophy ay isa palang maamong tupa sa mga taong kakilala niya..?

At ang lalaking nasa harap ko na gustong makipagkamay sakin ay.. anak pala niya.

"Halika, kumain na muna tayo." naunang pumasok sa loob sila mama, papa at si prof. Barton.

"Konti na lang baka malaglag na ang mata mo." tiningnan ko siya ng masama.

"Ganon ba kalaki ang mata ko." galit kong sabi pero mahinahon parin.

"Bakit hindi ko alam na mag-ama sila.?" panay ang tingin ko kayna papa. Naalala ko naman lahat ng pagkakataon na nakita ko ang dalwang ito na magkasama.

Hindi lang ako talaga makapaniwala dahil sobra pa naman akong bilib sa tapang na pinapakita ni sir kay Zero. Kung paano niya ito ipahiya. At kung paano sila magbatuhan ng katalinuhan.

"You're really something. Teacher mo di mo alam ang ipilyido." nakita ko pa siyang ngumiti pagkaalis sa tabi ko.


Aggh! Nababadtrip ako sa mga nalaman ko!

Sa hapagkainan, paulit ulit na binabanggit ni sir ang sitwasyon ko sa school. At kung paano din niya ipahiya si Zero sa mga magulang ko. Kitang kita ang closeness sa pagitan nila. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung bakit napaka-cold ni sir Barton kay Zero pag sa harap ng ibang tao.

Naiwan yung tatlo sa hapag-kainan. Usapang matatanda. Ako naman naisipan ko na pumunta na muna ng kwarto--

"May libro ka na ng Probability?" napalingon ako sa nagsalita. He's holding my newest book.

"Akin na--" iniwas naman agad niya ang kamay niya.

"Let's review." tinaasan ko siya ng kilay.


Naglakad lakad naman kami sa labas habang nirereview niya ako na sabi nga niya.

Tumingin ako sa kanya na kasalukuyang sumisilip sa last page ng libro. "Sh!t. 18 boxes nga." natawa ako sa reaction niya.

"Magaling ka a."

"E ikaw?"

"Sapilitan lang ang pag-eengineering. Ang totoo gusto ko talaga ang magpolsci. Pero dahil kaya ko naman mag engineering kaya yun na lang. I had no choice. Ang hirap ng madaming expectations."

Hindi ko alam ang dapat sabihin. Pero kung iinitndihin ko ng mabuti ang ibig niyang sabihin.. parang bang may pagkakaparehas lang kami.

"Komplikado talaga ang buhay."

Bigla naman niyang ni-pat ang ulo ko.

"Mas magiging komplikado pag nalaman mo ang totoo." ginulo pa niya buhok ko bago ako iwan.

"AGGh hoy di tayo close!" sa sobra kong inis bigla akong napasigaw.

"Tell your parents, I had a good time." he wink.


Mas lalo akong nainis. He never fails to irritate me. Feeling talaga! Nakakainis ang sarap niyang tadyakan. Ayoko sa lahat hinahawakan ako sa ulo at ginugulo ang buhok ko ng parang aso.

Bumalik naman din ako sa bahay.


Nadatnan ko na wala na si sir Barton at naiwang nag-uusap sila mama at papa sa kusina.

Lumapit naman ako sa kanila nang marinig ko ang usapan nila.

“Kawawa naman pala yung batang yun, naiipit sa away ng mga magulang niya.” Uminom ako ng tubig. Napatingin naman sila sakin.

“Oh nandyan ka na pala. Nakauwi na ba yung kaklase mo?”

“Nakasalubong niyo ba si mr. Alcaraz?”

Umiling ako. “Ano bang.. pinag-uusapan ninyo?” ayoko mang makisawsaw pero nung marinig ko yung huling sinabi ni mama parang medyo nacurious ako sa tunay na relasyon ni Zero kay sir Barton.

“Hindi ba naikukwento sayo nung kaklase mo?” hindi ako nagsalita. Nagligpit naman si mama ng mga pinagkainan. “Hindi tunay na anak ni mr. Alcaraz yung Zero. Pero sa batas tunay na ama niya si mr. Alcaraz. Naging kabit kasi ng ibang lalaki yung asawa ni mr. Alcaraz. Eh hindi kasi mabigyan ng anak nitong lalaki, kaya siguro naghanap ng iba yung babae.”

Parang hindi ako natuwa sa kwento ni mama.

“Hija Maxine, alagaan mo si Zero para kay mr. Alcaraz. Yung batang yun.. mahal na mahal niya ang ama niya. Kaso..” parang naging malungkot ang expression ng mukha ni papa. “May mga bagay talaga na hindi madaling tanggapin. Sa tuwing nakikita niya kasi si Zero, naaalala niya ang pagtataksil na ginawa ng kanyang asawa.”


“At ito pa kamo.. yung tunay na ama nung kaklase mo ay sooobrang yaman! Kaya siguro malaki ang expectation nung tunay na ama dyan sa kaklase mo. kaya ayun.. walang magawa yung bata kundi magpatali sa tunay na ama. Pero pakiramdam ko.. mahal na mahal nung mag-amang yun ang isa’t isa.”

“Ma!.” Pinuna naman ni papa si mama.

Mali rin atana naririnig ko ito mismo kay mama. Hindi na sana ako nagtanong.

“Dapat malaman  ito ni Maxine. Para rin alam niya kung sino yung mga taong sinasamahan niya. Pero mas maganda Maxine kung hindi ka magdidikit sa Zero na yun. Baka magkaproblema ka lang!”


Hindi ko maiwasang mapaisip. Hindi ko kasi akalain na ganon ang sitwasyon ni Zero.

Bumangon ako ng kama.

‘Komplikado talaga ang buhay.’

Dahil sa mga nalaman at narinig ko ngayon araw na’to.. parang nagkameron ako ng dahilan para magbago ang pagkakilala ko sa lalaking yun. Akala ko isa lang siya sa mga lalaking gustong mang-asar at magpacute.

Yun taong yun.. parang bang may dahilan kung bakit ko siya nakilala..


Napatingin naman ako sa katabi ko na kadarating lang.. nakatingin din siya sakin. Blanko ang expression ng mukha.

Nagtaka naman ako nung may iabot siya. napakunot ako ng noo.

Binasa ko yung libro. “May counting numbers dyan, permutation, logic..

let’s have a game. Kung sino mas maraming masagutan ng tama sating dalwa may premyo. Let’s say..” tiningnan ko naman siya habang sinasabi ito. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero parang natutuwa ako. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

“..ang matalo kailangang sundin lahat ng iuutos ng mananalo.” Nakachin-up niyang sabi. He’s challenging me.


Natawa naman ako.

Nung lunchbreak. Sila Roxie at Kim na ulit ang kasabay ko.

Dumaan naman sila Zero sa harap ng table namin. Nagtama ang mga tingin namin. I half smiled at him at agad ding umiwas ng tingin.

“Wah did you saw that!?”
“Tumingin si Zero sa table natin!”

Natawa naman ako sa bulungan nila Roxie at Kim.
HTML Comment Box is loading comments...