1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 33

‘Dito na ako sa malapit sa gate’

Text yan ni Leo. Kadi-dismissal lang namin at ngayon palabas na rin ako ng campus. Hinanap ko siya at agad ko naman siyang nakita. Napatingin naman siya sakin at ngumiti. Lumapit ako sa kanya.

“Bakit—“ hindi ko natuloy ang sasabihin ko.

“Totoo pala talaga yung sabi sabi.”
“May itsura naman pala ang ex.”
“So ibig sabihin pag wala ang boyfriend, ex naman ang target.”
“Tsk.. hindi naman ganong kagandahan! Tapos kung makapangloko wagas!”
“Sino ba siya sa akala niya.”

Parang kaming nanigas ni Leo sa kinatatayuan namin.
Labasan na rin kasi ng iba pang mga estudyante. At napansin ko ang pasulyap sulyap ng mga napapadaan samin. May kung anu-ano pa silang sinasabi. Na hindi dapat naririnig ni Leo.
“Hindi pala dapat ako pumunta!” napakamot siya ng ulo at medyo natatawa. Yun dapat ang sasabihin ko, ‘kung bakit kailangan pa niya akong puntahan dito sa school’
“Tinext ko na nga pala si Zero.” Ngumiti ako ng matipid. “Nandyan na pala siya e.”

“Leo, hindi ako makakasama ngayon.” May pinakita siya kay Leo.
“Aww ganon ba. Sige goodluck na lang sayo pare.” Hinampas siya ng mahina ni Leo sa likod. “Be a good son kasi.” Umalis din naman si Zero.
“Ah—uuwi na ba..”

Siya naman ang hinampas ko, “Sino ba ako sa akala mo! Sabihin na nila ang lahat ng gusto nilang sabihin. Wala naman akong ginagawang masama e.” bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Pero agad ding natawa.

Pumunta kami ni Leo sa mall at dun na rin kumain sa mcdo. Binigay niya sakin yung recorded video ng inaabangan kong  tv show. Na sabi kagabi nga daw nagperform ang psyren. Sobra akong natutuwa kaya naman nilibre ko din si Leo gaya ng napag-usapan namin.

“Ang sarap talaga kumain kapag libre.” Sabi niya habang kumakain.

Naggala gala muna kami sa mall bago umuwi since wala naman na kaming gagawin parehas.
Kung saan saan na kami nakapunta. Naisip kasi namin na mamili ng mga damit. Ganito kasi kami noon, sabay kaming bumibili ng mga damit ni Leo. Katunayan, halos lahat ng damit ko kanyang choice. Matagal tagal din kaming naghanap hanap kaya inabot kami ng gabi.

“Ang tagal na nun!” nagkangitian kami. “Hm salamat nga pala dito. Type na type ko kasi yung style.”
“Tss basta wag lang natin isosoot ng sabay. Baka isipin nila na mag-jowa talaga tayo.” Inirapan ko siya.

Tawang tawa siya. parang bang ang saya saya ni Leo ngayon.

Ring.. ring..

Napatingin kami parehas sa cellphone niya.
“Sagutin ko lang.” tumalikod naman siya sakin.
Narinig ko na si Janine ang kausap niya. Mukhang nagkaayos na sila ni Leo.

Tumalikod din ako sa kanya at tumingin tingin sa paligid namin. Bigla ay may napansin akong isang bagay. Di kalayuan samin. Nung makita ko ang taong yun.. naisip ko naman na tawagin si Leo. Kaya lang naisip ko rin na hindi naman ganon kahalaga yun. Nung mapalingon ulit ako dun.. at makita ang nagdadrive sa kotse. Dun na ako nagsimulang magtaka.

Umuwi din naman kami pagkatapos nun. Nagprisinta pa siya na ihatid ako pero hindi na ako pumayag dahil kung maaari ayokong makita ni mama na magkasama kami ni Leo.

Kasalukuyan ko namang pinapanood ang recorded video na binigay sakin ni Leo. Malinaw yung video at napanood ko ng maayos ang performance na ginawa ng psyren. Napapangiti naman ako sa tuwing nakukunan ng camera ang mukha ni Kenner.

Napakagaling niyang sumayaw.

Ang saya saya niyang tingnan.

At ibang iba na siya.. Sa unang tingin parang hindi mo agad siya makikilala. Ibang iba siya nung sumasayaw siya sa stage na yun. It's as if he has the power to control the music that he is in tune with the song and the dancing steps.

"Maxinee!" naputol naman ang panonood ko nung tawagin ako ni mama. Mabuti na lang tapos na magperform ang psyren.

Bumaba ako ng kwarto.

"Heto may pabibili ako sayo." may inabot naman siya sakin ng listahan ng groceries. "May darating na bisita ang papa mo. Naging katrabaho niya sa ibang bansa kaya naisip namin na imbitahin. Kaso kulang na pala mga groceries natin." tumango naman ako.

"Mag-aayos lang ho ako madali."

"Sige. Sige." naghand gesture naman si mama habang nakatalikod siya at nagluluto ng kung ano.


Pumunta ako sa pinakamalapit na supermarket at siyang namili ng mga kailangan ko. Then by any chance, nakita ko naman si Leo. At parang hindi ito nagkataon.

"Hindi ba sinabi sayo ni tita na makakasama mo ako? She called me and asked to accompany you." tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
Bigla naman niyang pinisil ang pisngi ko, "Aray!?"
"Don't give me that look! As if I planned this. I even brought our lex." namangha ako sa sinabi niya.
"Si Lex?" kinindatan niya ako.
"May pakinabang ka naman pala e." ngumiti ako sa kanya ng maangas.

Sinimulan na namin ni Leo ang pamimili. Mas madali kaming natapos dahil katulong ko siya.

Pagkatapos naman nun, agad din kaming dumiretso ng parking lot. At last nameet ko ulit si Lex. Pagkapasok na pagkapasok ko sa pasenger's seat, agad akong naglulundag ng upo. Ang tinutukoy ko ay isang sasakyan, lexus, lex for short. Isang beses lang ako sumakay dito pero mahal na mahal ko ang sasakyan na ito ni tito. Pangarap ko kasing magkameron nito.

"Tss. Tuwang tuwa ka a." sabi niya pagkapasok niya. Nagseat belt naman na kami.
One time naming ginamit ito ni Leo nung mag-exam kami sa UP. Kahit 16 lang noon si Leo meron na siyang student's license.
"Sandali lang hah." may nagtext sa kanya. Mukhang mahalaga.
Nahuli naman niya akong nakatingin, "Si Zero. Kinukulit niya ako kung ano bang dapat isoot."
Sumandal naman ako sa bintana at tumingin tingin sa labas. "Pati ba naman damit na isosoot. Ang lalim ng relasyon niyo a." namiss ko talaga ang sasakyang ito.
"Baliw! Ngayon kasi.. sasamahan niya ang papa niya.  hindi nga siya dapat makikipagkita kaso kahapon pa siya pinipilit nito.." napaisip naman ako sa sinabi ni Leo. Dahil kahapon.. nakita ko mismo si Zero. "..kaya para mapagbigyan ang ama, naisip niya na lang magpaporma dun sa anak na dalaga nung pamilyang pupuntahan nila."
I smirked by the thought.

Nang mapatitig ako sa isang taong nakatingin samin ni Leo mula dito sa loob.

"Nika?" bulong ko. May hawak na cellphone si Nika. Hindi ako sigurado kung dito nga siya natatingin dahil hìndi magtama ang mga tingin namin.

HTML Comment Box is loading comments...