1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 32

*yawn*

Pang-apat na hikab ko na yun, kasisimula pa lang ng klase.
Napuyat kasi ako kakapanood ng tv show na yun. Kung saan kasali ang grupo nila Kenner. Kaso hindi pa pala sila lalabas. So kailangan ko pang abangan.

“Class dismissed.”

Napaub-ob naman ako sa table ko nung pagkatapos na pagkatapos ng dalwa kong klase. Gustong gusto  ko ng matulog..
Pero syempre hindi pwede.. kailangan ko pa kasing magbayad para sa cable namin. Kung hindi, hindi ko mapapanood yung tv show na yun.

“Max!”
“Oi.”
Nakita ko pa sila Zero at Leo sa paglabas ko ng campus. Nandito si Leo?..
“Tss. Ang sweet naman, kailangan talaga sunduin mo siya.” I smirked. Tapos nilagpasan din sila.
Naramdaman ko naman ang pagsunod sakin ni Leo. Medyo nagtaka ako.
“Hindi ko sinusundo si Leo no.” ni-poke naman niya ako. “Ikaw ang sinusundo ko. Gusto kasing makipagkita nila Hanna sayo.” Natawa naman ako.

Pansin ko naman ang matang nakatingin samin habang naglalakad kami. karamihan mga kaschool-mate ko.
Weird kasi.. bakit kailangan pa niya akong sunduin..

“Musta naman yung boyfriend mo? si Kenner.. yung dancer?”
“Wala muna kaming connection.” Tumigil naman kami sa isang shed para maghintay ng masasakyan.
“Diba.. lalabas sila dun sa sikat na tv show sa Singapore.” Tumango ako. “Edi abang na  abang mo ang dance competition?” I half-smile.
“Daig ko pa ang die-hard fan niya.” tumingin ako sa kanya. “24-7 iniisip ko siya.” nagjo-joke lang ako. Pero mukhang sineryoso ni Leo.

“That’s good.” Hindi na ako nakapagsalita nung hindi na siya tumingin.

Nakarating kami kung saan naroroon sila Hannah. Sa videoke bar.

“Late na kayo!” nakakarinding sigaw ni Kulin. Gamit kasi yung microphone.
“Ikaw hah Leo—“
Kumpleto ang tropa.. except—
“Heto na ang litsong kawali!” dumating sila Janine at Juno. Akala ko.. wala sila.

Nagsimulang mag-inuman yung mga lalaki. Sila Juno at Aivan nagyaya pa ng mga kaklase namin noon. Noong kaklase ko pa sila na hanggang ngayon kaklase pa naman nila. Hindi kami close pero kilala pa naman nila ako. Habang sila Hannah at Kulin parang may sariling mundo sa pagwawala. Kumakain lang ako ng mga binili nila. Libre kasi ito. Birthday nga pala ni Juno.

“Max! Kanta ka naman!” sigaw ni Kulin. Sa totoo lang ayokong kumanta sa ganitong klase ng lugar. Hindi pa ako nakakakanta sa way na kung paano kumanta itong sila Kulin at Hannah. Parang kasing silang mga baliw.

Inabot abot niya sakin ang mic. Tanggi naman ako ng tanggi.

‘You know that it doesn't matter as long as we got each other~’

Dinaig pa ni Kulin ang mga boys.

“Psst!” kinurit ako ni Hannah at tinuro niya gamit tung nguso niya yung mga boys. Este si Janine.
“Ayaw sumama satin~” she rolled her eyes. Pero hindi siya nagpapahalatang nakikipagbulungan sakin kaya nagchi-cheer siya kay Kulin.
“Bakit nga ba?” uminom ako ng drinks. Ayoko ring magpahalata. Kaya sa videoke na lang ako tumitingin.
“Alam mo ba.. feeling close siya kay Leo this past few days. Feeling ko gusto niyang makipagbalikan kay Leo.”
Sinubukan ko ulit sumulyap kila Janine. Hindi sila magkatabi ni Leo. Pero.. panay ang tawa nito at tingin kay Leo.
Natawa ako sa thought ni Hannah, “Masyado niyo ng tinotorture yung tao. Palihim pa. masama na yan.”
“Nyek! Eh siya nga ang ayaw sumama samin! Parati kila Juno!” medyo napalakas ang boses ni Hannah kasabay pa nun ang pagtatapos ng kanta ni Kulin.

Napatingin samin yung mga boys.
Para mapagtakpan ang takot ni Hannah na mabisto. Agad kong inagaw ang microphone kay Kulin.

‘Lately I got this feeling
I don't know what's the meaning
But I know it's strong
And it's over you
All I want is to be home with you~

Nag-iba naman agad ang mood nila at nagsteady sa pagkanta ko.

“Ganda talaga ng boses ni Max!”
“Woo I love you Max!”
I half-smile, tumingin naman ako kay Hannah. Nagthank-you naman siya ng pabulong at ng hindi nagpapa-apekto.

“Ayiii~ para kay Hottie boyfii~” sigaw na sabi nila Hannah at Kulin pagkalabas namin ng cr.
Kanina pa nila ako kinakantsawan dahil sa ginawa kong kanta.  At pagpili ko ng kantang yun kahit na hindi ko naman sinasadyang piliin ang kantang yun.
“I wish you were here… yeah I wish you were here!” tawa sila ng tawa habang pabalik kami.

Kasunod naman naming dumating sila Aivan.

“Oh bakit basa kayo?”
“Umuulan pala sa labas.”
Bigla akong may naalala, “Anong oras na!?”
“Quarter to 9 na.” sagot ni Leo.
Napakunot naman ako ng noo, “Sh!T”
“May problema ba, Max?”
“Magbabayad pa kasi ako para sa cable.” Bigla na lang ako sinundot sa tagiliran nila Hannah at Kulin.
“Gusto mapanood si hottie boyfii~” tiningnan ko sila ng masama. Nakakairita kasi sa tainga yung tawag nila kay Kenner.
“Mamayang gabi na nga pala yun.” Tumango naman ako kay Leo. Lumabas din naman kami sa room. Uuwi na rin kasi kami.
“Basta Max ah! Pag umuwi si Hottie Boyfii mo, isama mo naman sa mga gala natin! Hehehe ang pogi talagang talaga nun! Kakainggit!!” tumaas taas pa ang kilay nila habang tumitingin kay Leo. Tumatawa na lang si Leo.
“Mga gago!” umamba akong sisipain sila.
Kumaway naman sila ng kamay habang paalis.
“May suggestion ako.” Tumingin ako sa kanya. “I’ll record the show for tonight.” He wink.
I rolled my eyes. “Gusto mo magpalibre no?”
“Hindi no.” natawa siya.
“Pero sige.. magpapalibre ako sayo. Sunduin kita sa school niyo, libre mo ako sa mcdo!” kinindatan na naman niya ako.

Tumawa kami ng sabay.

Napatitig naman ako sa ulan. May bigla lang akong naalala.. tungkol sa kanya at sa ulan.
“May payong ka ba?” umiling naman ako.
“Mabuti na lang may payong ako!” nakita ko naman si Janine. Nakatingin siya samin.
“Janine?” napalingon din si Leo.
“Ah magpapaalam lang ako. Sige!” umalis din naman siya kasabay nila Juno. Tiningnan ko si Leo. Mukhang okay naman na siya.

Hindi ko alam kung ano.. pero pakiramdam ko parang may nabago kay Leo.
HTML Comment Box is loading comments...