Natatapos ang midterm exam. At nakuha na rin namin ang result. Pati
grades. 2 weeks remaining tapos 2 weeks na bakasyon. A month after
pasukan..
At 5 araw na akong walang balita kay Kenner.
Kailan ba kasi yang competition nilang yan?
“Pass all your notebook to miss Pedrosa after the class. Then ms. Pedrosa just put all your notebook on my cubicle.”
“Yes, sir.”
Pinasa
naman nila ang mga notebook nila after nilang matapos sa seatwork.
Dumiretso din agad ako sa faculty para mapasa na yung mga notebook.
“Mag-ayos ka hah!”
Hindi
pa ako nakakapasok ng faculty ng marinig ko ang sigaw ni Sir Barton.
Medyo sumilip ako ng makita kong siya lang at isang lalaking estudyante
ang nasa loob. Natakot naman ako nung humarap yung lalaki at mukhang
aalis na—Kaso..
“Zeroun, kinakausap kita!!—“ hindi ko alam ang irereact ko nung makita ko siya. Pati siya nagulat nung makita ako.
Lumabas si Sir na kunot ang noo. Mukhang galit ito. Pero nung makita niya ako agad siyang umiwas ng tingin.
“Ms.
Pedrosa?.. Ahh the notebook right?” inabot ko sa kanya yung mga
notebook. napansin ko naman ang peripheral vision ko na umaalis na si
Zero.
“Pasensya ho.” Nagbow ako at agad ding umalis.
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Sir.
Bumalik
din ako sa classroom, iniwan ko kasi ang gamit ko. Nakasalubong ko pa
sa may pinto si Zero. Nakatingin siya sakin, mukhang hinihintay niya
talaga ako. Blanko ang expression ng mukha niya.
“Ayokong may makaalam nito.”
“Anong tingin mo sakin—“ pumasok naman ako sa loob.
Ang alam ko bagsak siya sa exam ni sir Barton.
“MAX!” nandun na naman sila Roxie at Kim.
Gamit
ang peripheral vision ko, kinausap ko naman si Zero. Habang nakatingin
ako kila Roxie at Kim at matipid na ngumingiti sa kanila.
“Bakit ayaw mong pumasok?”
“Obvious ba.”
Medyo natawa ako. Lumapit naman ako kila Roxie.
“Anong ginagawa niyo dito?”
“Sabay ulit sayo!!” may dala dala silang pagkain.
“Binilhan ka na nga pala rin namin.”
“Sabi
kasi nila nag-cr ka pa daw tapos pumuntang faculty. Naisip namin na
baka matagalan ka kaya binilhan ka na namin.” Nakakatawa talaga ang
dalwang ‘to.
“Magkano?”
Hindi nila ako pinansin bagkus nakatingin sila sa gamit ni Zero. Tumatawa tawa pa sila ng pabulong.
“Wag na Max, libre ito.” Ginagamit ba nila ako para makalapit sa Zero na yun.
Kinuha ko naman ang bag ko.
“Saan ka pupunta?”
“Magkacutting ako. Sama kayo?” sarcastic kong sabi. Halatang nadismaya sila sa sinabi ko.
Pero totoo yun. Magkacutting ako.
Nung lumabas ako, napansin ko naman ang peripheral vision ko na nandun pa rin siya sa may pinto.
Lumabas
ako ng campus. Kumain sa labas at pumunta sa public library. Ayoko pang
umuwi ng bahay kaya dito na muna ako. Once in a month pumupunta ako sa
lugar na ito. Ginagawang tambayan. Madali lang kasi dito. Ipapakita mo
lang yung school i.d. mo tapos kahit na anong libro pwede mo ng gamitin.
Pwede ka pang magcomputer ng libre o kaya mang-angkin ng vacant na
cubicle.
At pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo.. wag ka lang mag-iingay at magpapahuli na kumakain ka.
Kumuha
ako ng iba’t ibang libro ng engineering. Namiss ko din kasi ang
magsosolve ng math problems. Lalo na ngayong summer puro minor lang yung
subjects namin.
“Max.” napalingon ako sa tumawag sakin.
Sila Leo at Zero na naman.
“Anong ginagawa niyo—“ umupo sila sa tabi ko. Gusto ko pa naman sanang masolo yung cubicle tapos dumating sila.
“Nakakunot ang noo mo?” tanong ni Zero.
“Wow.. advance study? Bakit? Gusto maging dean lister?” inirapan ko si Leo at inagaw ang libro sa kanya.
Tiningnan ko silang dalwa.
“Okay. Ito kasing si Zero.. ni-contact niya ako. Sabi niya nagcutting ka daw.” Pagpapaliwanag ni Leo.
“Eh bakit alam mong—“
“Nakita
ka niya. ni-text niya ako kung bakit wala ka sa school. Sinabi ko na
nagcutting ka. Niyaya naman niya ako na magcutting tapos sinundan ka
niya.” tiningnan ko ng masama si Leo nung sabihin yung ni Zero. Namumula
siya at umiiwas ng tingin.
Bahagya siyang natawa, “Hehe! Nacurious lang kasi ako.”
“Eh bakit nandamay ka pa?” nanlilisik na tumingin ako sa kanya.
Agad naman siyang tumayo, “Maghahanap din ako ng mga libro! Kaya nga tayo nasa library diba!” ngumiti siya at umalis.
Hayaan na lang..
“Ex-boyfriend
mo siya kaya natural lang na mag-alala siya.” napalingon ako kay Zero
na kasalukuyang nakatingin sakin. O.. kanina pa siyang nakatingin samin
ni Leo? Pinapanood ba niya kami?!
“Alam mo?” bakit alam ng taong ito? Ganon ba sila kaclose.
Binuklat buklat niya yung librong kinuha ko, “Ang komplikado ng lovelife mo..” bulong niya pero narinig ko.