1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 30

‘Gusto mo ba na sumama at ihatid kami sa airport?’
‘Tama ka. Mas maganda nga siguro kung hindi ka makakasama.. kahit 1 buwan lang yun baka magkameron din kasi ako ng dahilan na wag umalis kung nandun ka..’


Pinipilit kong magconcentrate sa bagong lesson. Pero ang mga sinabing yun ni Kenner.. paulit ulit na naglalaro sa isipan ko. Kung sumama ba ako?.. malalaman ba niya na ayoko siyang tumuloy? Aalis pa ba siya?..
Napakaselfish ko. isang buwan lang yun. Magagawa ko naman maghintay.. pero anong mga mangyayari kung wala si Kenner?

“We’re having our last quiz next meeting. Goodluck everyone on your midterm exam.”

Midterm exam na. Siguro bukas magsisimula na akong mag-aral.

“Oi.” May humigit ng braso ko. Tiningnan ko siya ng masama.
“MAXx!~” may tumawag naman sakin mula sa labas. Sila Roxie at Kim?? Ano na namang kailangan nila?
Binawi ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko.
“May kailangan ka?” tinaasan ko si Zero ng kilay. sinukbit ko naman ang bag ko at umalis.

Ang dalwang ito. Bakit ko ba sila kasabay kumain ngayong lunch? At bakit pa nila ako sinundo sa classroom mismo? Tsk. Onga pala.. alam ko isa sila sa mga pinakachismosa dito sa campus. Isa rin sila sa pinakakilalang ‘die-hard fans’ ng kung sinu sinong gwapo at sikat dito sa campus. Panigurado kahit sa labas.
Kahit kaklase ko sila dahil magkakaparehas kami ng course, iniiwasan ko talaga ang mga katulad nila.

“Tingnan mo ang cute din niya dito.”
“Oo. Kahit saan atang anggulo—“

Hindi naman siguro ako mapagkakamalang kasama nila kahit nasa iisang table kami dahil nasa harap ko sila.

“Max!” sa di kalayuan, nakita ko naman si Chad na papalapit sa table namin.
“Ui, musta na?” ngayon ko na lang ulit nakita ang taong ito.
Ngumiti naman ako ng matipid. At medyo sumulyap sa dalwang kasama ko.. mabuti na lang busy sila kakapanood ng mga pictures ng mga gwapong lalaki na nakunan ata nila.
“Ngayon ang alis ni ano diba?” parang nawala yung mood ko nung itanong niya yun. Kahit hindi niya pangalanan. Alam naman din kasi ng lahat ang tungkol dun.
Tumango ako at binaleng na lang ulit ang atensyon ko sa pagkain ko.
“Bakit hindi ka na lang umabsent? Kaya mo namang humabol sa midterm e! Isang beses lang!” hindi siya naninigaw pero naririndi ako sa boses ni Chad.
Magsasalita pa lang ako-- nang dumating naman ang grupo nila Nika.

“Tara na Chad.”
“Ahh.. ikaw Max, may kasama ka ba?” hindi ako tumingin sa dalwang kaharap ko. Pero hindi rin naman ako sumagot sa tanong ni Chad.
“Palagi namang walang pake.” May isang nagsalita sa mga kasama ni Nika. Nagtawanan pa sila.
“May quiz pa tayo Chad sa sunod nating klase.”
Tumingin ako kay Chad, “Kinakamusta ka nga pala ni Tita.” Ngumiti ako ng matipid.
“Haha. Oo nga e! yaan mo uuwi din ako satin! Sabay ulit tayo pag-uwi hah!” umalis naman siya kasama nila Nika.

Hindi ko alam kung aware si Chad na hindi parin kami ayos ni Nika. At kung aware man siya, wala din naman siyang magagawa dahil mas madaming kaibigan si Nika. At sila sila naman kasi ang tunay na magkakabarkada.

“Bitch talaga!” narinig kong nagsalita si Roxie. Pero nandun pa rin sa mga pictures ang tingin nila. I don’t think na sila Nika ang tinutukoy nila..

Nung highschool ako.. lahat ayaw sakin. Kung hindi dahil kay Leo hindi ako magkakameron ng lakas ng loob harapin ang mga taong yun kahit nag-iisa ako. At naging masaya ako na may isang taong handang maging kaibigan ko. Si Nika yun..

Pero ang totoo hindi naman talaga sila ang mga unang taong naging kaibigan ko nung nag-iisa  ako.

May isang taong nagparamdam sakin na kahit nag-iisa ako nung event na yun. Hindi siya nagdalwang isip na lapitan ako. Kahit meron siyang choice, he still chose to grab my hand. Kahit walang isang taong lumapit sakin  at gustong makipagkilala.. may isang tao before them na nagparamdam sakin na hindi ko kailangang mag-isa sa mundong ito.
Dahil simula ng makilala ko si Kenner ng gabing yun kahit wala siyang mukha.. nagkameron ako ng rason para hindi magpatalo sa mga mapanuksong tingin ng mga taong may ayaw sakin at galit sa pagkatao ko.
Hindi ko kailangang magbago para magustuhan ng iba. Hindi ko kailangang gawin ang mga bagay na labag sa pagkatao ko. What you see is what you get..

*Bell ring..

That’s the last bell for this day. Dismissal..

Napatingin ako sa cellphone ko at medyo natawa ako sa sarili ko.

‘I don’t think I can’t make it when it comes by contacting you. Wala kasing roaming sa sim ko.’

Isang buwan.. isang buwan na walang connection sa isa’t isa.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang makita ko ang lalaking nakaupo sa may kanto habang nakatingin sakin..


“Kanina pa kita hinihintay..”
HTML Comment Box is loading comments...