Lumipas ang mga araw hanggang sa nalalapit na ang midterm exam.
Kaya
heto kami ni Nika, nag-aaral. Tinuturuan ko din kasi siya sa math
subject niya. Habang tinutulungan niya ako sa mga memorization part.
Kaso may times na tuwing nakakasalubong namin si Kenner, masyadong
nagpapapansin itong si Nika. Isa ito sa ayaw ko sa kanya, masyado siyang
friendly sa mga lalaki at ayoko mang aminin, pero parang flirt ang
dating sakin.
“Max, may nagtext sayo.” Tiningnan ko yung
phone ko. Napakunot ako ng noo nung makita na naman na unknown number.
Kapapalit ko lang kasi ulit ng number. Oo nagpalit ako dahil dun sa
dalwang lalaki dati.
Pero hindi ko na lang ulit pinansin at nagsaulo na lang ulit ako.
“Max, baka mahalaga ito. Gusto niyang makipagkita oh. Tapos nagsosorry pa sa abala.”
“Hindi
mo ba nakita Nika na hindi ko yan kilala.” Kinuha ko yung phone ko.
“Wag mo na ngang pansinin ang mga ganitong bagay.” Nagvibrate uli cp ko.
yung number na yun na naman.
At napatingin naman ako kay Nika nung mabasa ko yung message na yun.
“Bakit?” umiling na lang ako.
Si Kenner pala kasi yung nagtetext.
“Nika,
ayoko na binabasa mo ulit ang mga messages sa cp ko ng walang
permission ko.” sabi ko in a cold voice. At nidelete ko na lang yung
text ni Kenner na nagpakilala siya bilang siya.
Nung
bumalik ako sa klase ko, naisip ko na itext si Kenner kung ano bang
kailangan niya. At nakipagkita ako sa kanya nung dismissal ko na. gusto
niya kasing magpatulong dun sa math subjects niya kaya sabi ko sa back
building kami magkita para walang makakita samin.
“Akin na.” sabi ko sa kanya pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya.
Pero imbes na ibigay niya yung notebook niya, ay tumayo siya sa harap ko. naweirduhan ako sa ginawa niya.
“Nakatulong talaga yung ginawa mo last time. Ang..” nagkamot siya ng ulo at napansin kong nagbablush siya. “Ang galing..”
Kinilabutan talaga ako. Bakit siya umaasta ng ganyan.
“Akin na nga ang notebook mo.” Umupo naman ako at naglagay ng konting space para makalayo sa kanya.
“Uhm eto--!” napalayo ako sa kanya nung umupo naman siya sa tabi ko!
Shet! Feeling ko namula ako sa ginawa niya.
Hindiko
na lang pinansin yung reaction niya na feeling ko nahuli niya akong
nagblush. Kinuha ko na lang yung ntbk niya. Gusto ko sanang lumayo sa
kanya ng konti dahil masyado siyang malapit, kaso ayaw ko naman na
isipin niyang naiilang ako sa kanya. Tss..
“Uhh m-Max, pwede ba tayong magkita this weekends?” napatigil ako sa pagsusulat.
Tumingin ako sa kanya.
“Ang totoo..” kinagat niya labi niya.
Kinabahan
ako. Napansin ko kasi.. ang kagwapuhan ng taong ito. Bukod pa dun.. ang
hot niyang tingnan sa mga oras na’to. Kaya imbes na magbigay atensyon
sa kanya ay inasikaso ko na lang yung nasa sinusulat ko.
“..hindi ko talaga nagets yung mga sinulat mo dun sa sheets. hindi ko kasi alam kung paano gagamitin yung formula.”
“ANO!?” napalakas talaga ang boses ko.
Ngayon ko lang napatunayan na bobo siya!
Napabulong ako, “Bakit ba kailangan ako pa ang umako ng katangahan ng taong ito.” Naiinis kong sabi.
“Sorry.” Tiningnan ko siya ng masama.
Tumayo
ako, “10am sa may shakeys. Pag 10:01 ka dumating. Wag ka ng umasa na
tuturuan kita.” At umalis na ako at nilagay yung earphone sa tainga ko
para di marinig ang boses niya.
9:45 ko dumating sa harap ng shakeys. Habang umiinom ako ng drinks ko papalapit dito. Nung mapansin ko na nandun na agad siya.
May kasama siyang babae.
Hindi ko naman sinasadya na marinig ang pinag-uusapan nila.
“Gusto
mo ako na magsagot nito e.” sabi nung babae. Nakatingin lang ako sa
kanila. Nasa isip ko na saka ko siya tatawagin pagtapos na siyang
makipag-usap.
“Hindi na. sobra na yung dati e.”
“Ano ka ba! May mga notes naman kasi kaya nasagutan ko. sige na ako na gagawa ulit nito.”
Nung marinig ko yung sinabi nila, biglang nag-init ang dugo ko.
“Aray—“ tumalikod naman ako at naglakad paalis.
Binato ko lang naman kay Kenner yung drinks ko.
Alam
ko masakit yun pero hindi ako magsosorry. Gago siya. kaya wala siyang
natututunan dahil inaasa niya sa mga babaeng nakakaflirt niya ang mga
homeworks niya. Sayang pati yung effort ko.
"Max!"
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sakin. At nung hinigit niya ang kamay ko--
"Ouch!" sinipa ko siya sa tuhod.
Aalis na ulit ako, pero nahawakan na naman niya ang kamay ko kahit na namimilipit na siya sa sakit.
"na-Narinig
mo!? Sorry na! Sinabi ko naman sayo na walang akong magets at kailangan
ko maipasa yun." binawi ko ang kamay ko ng padabog.
"Hindi pa rin
sapat para ipagawa mo yun sa iba! Walang bagay sa mundong ito ang hindi
makakaya ng isang tao. Kung kaya ng iba, ibig sabihin kaya mo rin. May
kamay ka, ikaw ang gumawa! Kung wala ka talagang magets! Magtanong ka!
Hindi kailangan ang umasa sa iba.!" tatalikod na ako pero hinawakan na
naman niya ang kamay ko.
"Pero tuturuan mo pa ako--"
"Hindi na kailangan! Ipagawa mo na lang sa iba yan! Ang hina mo, ikaw na ata ang ang pinakamababang uri ng tao na nakilala ko!"
Tumingin lang siya ng diretso sa mga mata ko.
"Ang sakit sakit na talaga ng ginagawa mo.." inirapan ko siya. Tumalikod naman ako sa kanya.
But this time kusa akong tumigil dahil sa sinabi niya..
"..pero Gusto pa rin kita.
Max, gusto kitang maging girlfriend." lumingon ako sa kanya.
"Ayoko sa mga mahihina ang ulo na kagaya mo." at umalis na ako pagkatapos sabihin yun.